Kabanata 12

23 3 0
                                    


𝑲𝒆𝒏 𝑨𝒓𝒃𝒐𝒍𝒊𝒅𝒂

𝐀𝐋𝐀𝐒 𝐒𝐈𝐄𝐓𝐄 y media na ng gabi ako nakauwi ng bahay.Hindi pa man ako nakakapasok ay agad ng nakabantay si Kevin sa labas naghihintay sakin .May hawak itong laruang 𝐼𝑟𝑜𝑛 𝑀𝑎𝑛,malamang ay kinuha niya naman ito sa kuwarto ko.Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi ng makita niya ako papalapit na ng bahay habang tulak-tulak ang bike.Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako sa hita,napakaliit pa ni Kevin at gigil na gigil ako sa tuwing nakikita ko ang matabang umbok sa magkabilaan niyang pisngi."Nasaan si tita Christy?"

"Nasa bahay kuya 𝑘𝑒𝑛𝑜"napangiwi ako ng tinawag nya ako sa palayaw na tinatawag sa akin ni lola Maring.Kiniss-an ko muna siya sa pisngi bago pinasan.Tuwang-tuwa naman siya habang nakasakay sa balikat ko at nag-ala 𝑆𝑢𝑝𝑒𝑟 𝑀𝑎𝑛 habang nakataas ang isang kamay sa ere."Hahaha! 'wag kang masyadong malikot dyan,Kevin,baka mahulog ka"

"Magandang gabi sa iyo Keno!"tawag sa akin ng isang lalaking may kapayatan pero malaki ang tiyan,si Mang Konor.Umiinom sila sa gilid ng kalsada malapit sa bahay namin kasama ang kaniyang mga kaibigan na manginginom din.

"Magandang gabi rin ho.Gabi na po 'yan ah"pabiro kong sabi kay Mang Konor habang ipinapasok ang bike sa garehian sa gilid ng bahay namin.

"HAHAHA!Ito ang tinatawag nilang deyner,ihjo!Gusto mo bang uminom?isang shot lang!"aya niya at ipinakita sa akin ang maliit na baso na ginagamit nila sa pagtagay.

"Ano ba Konor,tinururuan mo pang uminom ang binatang iyan.Minor de edad pa si Ken para uminom ng alak!"saway ni Mang Isko sa gilid nya na sinang-ayunan ng dalawa pa niyang kasama,si Mang Arnel at Mang Vicente.Halatang may tama na sila kaya nginitian ko nalang at pumasok na ng bahay pasan pasan si Kevin.Nakita ko si lola Maring na nanonood ng TV sa salas habang malakas na pinapaypayan ang sarili dahil umiinit na ang panahon.Nasira kasi kahapon ang electric fan sa salas kaya ang abaniko niyang kulay pula ang ginagamit niyang pamaypay.Napansin kami ni lola ng ibaba ko si Kevin sa lapag.

"oh,nariyan kana pala,Keno.Magbihis kana at mukhang basang basa iyang damit mo,baka magkasakit ka pa.Uso pa naman ang lagnat ngayon.Siguro nagpatuyo ka na naman ng pawis ano?jusko apo,'wag mo na 'yang uulitin ha?mahirap magkasakit ngayon—"pinutol ko na Ang sasabihin ni Lola Maring dahil alam ko na kung saan ang patutunguhan ng litanya niya.

"La,relax.Wala pa nga akong sinabi ang haba na ng litanya mo,haha"sagot ko kay lola at tinignan si Kevin na masayang naglalaro ng Iron Man niya na itinatakbo takbo palibot sa salas.Aakyat na sana ako ng hagdan pataas ng kwarto ko ng marinig ang sunod na sinabi ni lola Maring.

"Tumawag pala kanina si Jhudy sa telepono,gusto ka daw niya makausap sa bedyukol,ano ba 'yun?ah sa peysbuk!"tumingala lang ako sa kisame at maya-maya ay umakyat na ng kwarto para magbihis.Malayo ang loob ko sa mama ko,anim na taong gulang palang ako noon ay wala na siya sa tabi ko.Wala siya para alagaan at arugain ako ,si lola Maring na ang nag-alaga sa akin hanggang sa magkaroon ako ng sariling kamalayan .Nagpapadala naman siya buwan-buwan para suportahan ako sa pag-aaral .Kahit nasa ibang bansa siya sinusunod ko parin ang mga gusto niya,mapadesisyon man o kahit sa pagkuha ng kurso sa college ,siya ang pumili para sa akin kahit na labag sa kalooban ko,ni minsan ay hindi nya ako tinanong kong favor ba ako sa pinili niyang magiging kurso ko sa college.She want me to take Education though i want to take Criminology. I let her decide what she wanted and what's the best for me ,ika nga sabi nya."𝑀𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑘𝑛𝑜𝑤𝑠 𝑏𝑒𝑠𝑡" but that "𝑏𝑒𝑠𝑡" didn't fit in with my passion.ugh!it suck!

"𝐇𝐎𝐖'𝐒 your shool days,anak!"agad na sabi ni mama ng sagutin ko ang tawag nya sa messenger.Inilagay ko sa study table ko ang tablet at pinaharap sakin.Tinanaw ko mona mula sa bintana ang mga taong naglalakad sa kalsada bago sumagot.

At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon