Kabanata 10

31 5 0
                                    

𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 binabaybay namin ang maalikabok,matao at magulong daan ay kinakanta ko ang paborito kong kanta.

And for you, girl, I swear I'll do the worst

Ooh, ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh-ooh-ooh

Papalubog na rin ang araw at nagkukulay kahel na rin ang langit at nagsisimula ng magpakita ang buwan mula sa pagkakatago sa mga ulap sa mga oras na ito ng dumaan kami sa pier ng San Diego patungo sa tulay ng Lawa ng Luha na nag dudugtong sa daan patungong San Alfonso.

"Masakit pa ba ang paa mo?"panimula kong tanong kay Ken ng bumaba mona kami ng bike at umupo sa sea wall.Magkatabi kaming naupo roon habang tinatanaw ang mga abalang tao na inaakyat ang kani-kanilang bagahe papasok ng barko at pati ang mga taohan ng barko ay labas pasok din.Maya maya pa ay lalayag na ito.

"Hindi na masyado.Sanay naman ako sa ganito"tugon niya habang tinatanaw ang papalubog na araw.Totoo nga sigurong sanay na siya mastrain dahil minsan ay nai-strain din siya kapag naglalaro kami ng lawn tennis sa school minsan.

"Good.i-cold compress mo 'yan mamaya pag uwi mo ng bahay para hindi mamaga"sabi ko na sinabayan ng ugong ng barko na ngayon ay aalis na patungong Maynila."Tara na ,umuwi na tayo"dagdag ko at tatayo na  sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan akong tumayo.

"Mamaya na,diba sabi mo gusto mo ng sun set?sabay nating panoorin hanggang sa lumubog itong tuluyan"nagulat ako sa sinabi nya dahil ang alam ko ay ayaw nya ng Sun set.

"Akala ko ba ayaw mo ng sun set?"tanong ko.

"noon....gusto ko na ngayon"sabi niya na namumula ang mga pisngi.Ano bang nakain nito?sumunod nalang ako at umupo ulit sa semento.

Ilang oras pa naming tinanaw ang papalubog na araw na nagpapakislap sa asul na dagat dahil sa sinag nito.Nanatili kaming nakaupo roon habang dinadama ang preskong hangin at pinapakinggan ang ingay sa tuwing humahampas ang maliliit na alon sa dalampasigan.Alas sais na ng hapon at tuluyan ng nawala sa paningin namin ang barko sa laot at ang araw na pinalitan na ng buwan sa langit.Nagtatakip-silim na at unti-unti na ring nagsisindi ng ilaw ang mga kabahayan.

"N-Nagmahal ka na ba,Ken?"hindi ko alam kong saang lupalop ko nahanap ang tanong 'yan .Napatingin sa siya sa akin at ngumiti.Maaliwalas ang kaniyang mukha at tinatamaan din ng sinag ng buwan ang mata nyang nangungusap.

"hindi pa"pagamin nya sa sinabi ko,"...pero gusto kong matutong magmahal"nakangiti nyang dagdag sa sinabi.

"Bakit naman?"tanong ko sa kanya.

"Dahil sa isang tao....gusto kong maging masaya,maramdaman ang maging masaya dahil sa pag-ibig,malungkot at masaktan dahil sa tinatawag nilang pag-ibig"sabi niya na parang nangangarap ng gising habang nakatingala sa langit.Nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kanya dahil nararamdaman kong may sasabihin pa siya.

"gusto ko lahat 'yon maramdaman.Pero....nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon ngunit alam kong iba ito sa nararamdaman ko noon"

"....binago nya ang pananaw ko sa buhay,natuto akong magpatawad,magpahalaga at magtiwalang muli,natutunan ko rin sa kaniya na kailangang harapin ang mga hamon ng buhay.Gusto kong turuan mo akong magmahal,V"sabi niya sa akin na deritsong nakatitig sa aking mga mata.Nabigla ako sa mga tinuran niya.Subrang nakakapanibago ang mga kilos at sinasabi niya ngayon.Siguro ay confuse lang siya sa nararamdaman ngayon.Tuturuan ko siyang magmahal?sa paanong paraan,sa pagiging tulay?Sino naman ang natitipuhan niya ngayon?para kanino ang pagmamahal na iyan na gusto nyang buoin?

Napatingin mona ako sa mga nagkikislapang bituwin sa langit bago nagsalita,"Hindi natuturuan ang puso,dude.Kusa mo itong mararamdaman at kusa mo rin itong matututunan.Hindi ko alam kong pagmamahal na 'yan.Matututunan mong magmahal kung alam mong iyan na talaga"

At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon