Kabanata 3

43 10 0
                                    

[Kabanata 3]

"Ano?!saan naman ako sasakay?!eh walang upuan sa likod ang bike mo!"pag alarma ko dahil hindi ko alam kung saan ako uupo.

"P*cha!sa unahan ka!"sigaw nya at agad na sumakay sa bike nya.

"A-ano?!"gulat kong sabi ngunit hinablot nya na ako at pina upo sa unahan ng makita naming nakapang bisekleta narin ang mg lalaking humahabol sa'min at papunta na sa direksyon namin.

Isang pang malakasang padyak ang ginawa ni Ken sa bike na sinasakyan namin ngayon. Napapa-aw! nalang ako sa tuwing natutuhod nya ang hita ko dahil naka binabae  style ang pag-upo ko sa unahan at mukhang halos nakadikit na ang mukha ko sa dibdib nya dahil nakahawak sya sa manibela at nasa gitna ako so parang nakahug na sya sa 'kin.Biglang nanginit ang mukha ko sa naisip!

Sandali....ba't nakakaramdam ako ng ganito...it's so strange... this feeling..,I never felt like this before....

I look at his face.Nakangiti sya na parang hindi nangangambang maabutan ng mga lalaking humahabol samin. Ang bango nya din ngayon,amoy Downy...

"T-Tingin tingin mo dyan?"usal nya na deritso lang ang tingin sa unahan. Nagitla ako sa sinabi niya. Napatikhim nalang ako bago nagsalita.

"W-wala.bilisan mo pa malapit na sila satin".Galit na galit ang matabang lalaki na basag ang ilong at hingal na hingal dahil pilit kaming maunahan.

"Hoy!Kayong dalawa!Tumigil kayo!"sigaw ng matabang lalaki samin na pumapantay na sa takbo ng sinasakyan naming bike."Ulol!Muntanga ka pala Jollibee!may hinahabol bang tumitigil?!abnoy"sigaw ko pabalik sa kanya at binigyan sya ng isang pangmalakasang sipa sa tagiliran nang akmang lalapit na sya samin.Narinig kong napadaing si taba ng ma-out of balance sya dahilan para matumba sya at mabonggo ang isang poste ng ilaw sa kalsada.Ayan antanga kasi ng ilaw 'di umiwas.Nagpatuloy parin kami sa pagtakas habang di naman magkamayaw ang mga alalay ni taba dahil 'di alam kung sino ang unang pupulutin ,si taba na nakahiga sa kalsada o ang bisiklita nito.

Nang dumaan na kami sa palengke,may mangilan-ngilan na tumingin samin.Anyway,ang laswa pala naming tignan.Pinikit ko nalang ang aking mga mata at niyakap ang backpack kong may sandamakmak na Notebooks sa loob na may nakaprint na mukha ni Cardo Dalisay sa cover. Napapangiwi nalang ako sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Coco Martin sa notebook ko,si mama kasi, obsessed masyado sa Ang Probinsyano na gabi-gabi nyang inaabangan.

Papalubog na ang araw at nagiging kulay kahel na ang kulay asul na langit ng dumaan kami malapit sa dagat.Sinalubong namin ang marahan na  simoy ng hangin kasabay ng pagsisiliparan ng mga ibon sa kalsada at kapag kuwan ay lumilipad malapit sa dagat na animoy nagtatampisaw ang mga Ito.

"Wow.....Ang ganda talaga ng sunset no?"sambit ko habang tinatanaw ang haring araw na nag sisimula ng magpahinga mula sa 12 hours na pagbabantay sa mundo.

"Lubos-lubusin mo na ang pagsa-sight seeing dyan, walang 'gaya nyan sa bahay nyo"wika ni Ken na deritso lang ang tingin sa unahan.Tiningnan ko sya ng masama at pinaikotan ng eye balls.

"Tsk!tsk!...'di ka talaga marunong mag appreciate ng ganda ng kalikasan,sabagay....wala kasi nyan sa bukid"sarkastiko kong sabi sa kanya at tinignan ang dimple nyang nagsisimula ng lumabas sa pisngi nya.

"Wow!huh...at pinalabas mo pa akong taga bukid?how could you",napabusangot nalang ako dahil 'di ko na makita ang sunset,nasa San Alfonso na kasi kami at ilang metro nalang ay nasa bahay na kami.

"Himala at nakapag-English ka ngayon?Akala ko kasi puro Temple run lang laman ng utak mo,or baka may sapi ka lang ngayon,noh?"

"Oo,may sapi ako ngayon,at kakainin kita mamaya–"huli na para putulin nya pa ang sasabihin nya,pinagpawisan ako kahit di naman ako pumapadyak. Alam nyang wild ang utak ko at mabilis akong ma green minded sa tuwing may nasasabi syang pweding maiugnay sa mga malalaswang alam niyo na.

"Ambigat mo V,mas mabigat kapa 'ata sa isang sakong bigas"pagrereklamo nya ng itigil nya ang bike sa tapat ng bahay namin.

"Abat kasalanan mo 'yan tsaka ngayon kapa umangal andito na ako sa bahay oh"

"Segi,bye na nga,aalis na ako,baka mahimatay pa si lola sa kaka intay sakin.Wala man lang ba pasalamat diyan?"tanong nya at inayos ang slacks nyang nagusot.

"As usual wala.Kailan pa ako nagpaslamat sa 'yo?tsaka may kasalanan ka pa sakin"
Napatingala nalang sa langit si Ken na palagi nyang ginagawa kapag ayaw nya akong pakinggan sa mga pinagsasabi ko at sa tuwing ginagawa nya iyon ay lumalabas ang nakaumbok na perpektong hugis ng kanyang Adams apple.Medyo may kataasan si Ken,di masyadong mataba di rin naman masyadong payat,matikas ang tindig bagay na mas magugustuhan ng mga dalaga sa barangay namin,may di gaanong makapal na kilay,matang nangungusap,matangos na ilong at mapupulang labi na nakuha nya sa kanyang ina.

"Oh siya,aalis na ako at baka kumisay ka diyan sa high blood"saad nya at agad na sumakay ng bike at nag stop sa pang apat na bahay mula sa bahay namin, actually,malapit lang talaga bahay namin sa kanila at paminsan minsan ay bumibisita ako kay Lola Maring para makikain ng ginawa nyang banana que para samin ng apo nya.

"Chezka,nasan si mama?"bungad ko sa kapatid kong babae na nakaupo sa couch at busy sa pakikipag-chat sa cellphone nya,malamang ay ang mga boyfriends nya na naman ang pinagkakaabalahan nito.Grade six palang Ito at kabila-kabila na ang jowa.

"Namalingke kuya V,ay,nga pala kuya narito na pala si ate Emily sa San Alfonso, dito na raw mag-aaral"sabi ni Chezka na hindi tumitingin sakin habang nagta-type sa phone nito.
Napalingon naman ako sa sinabi nya,Si Emily Corpuz?Nandito na sya sa San Alfonso?Bakit?

"S-Si Emily ba kamo?" utal Kong tanong Kay  Chezka.

**************
#At My Worst

A/N:Abangan ang kasunod na kabanata,babies!Hula-hula na kung ano ang papel ni Emily sa dalawa!

At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon