𝑩𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕 𝑺𝒂𝒏𝒅𝒐𝒗𝒂𝒍
Ang pag pili ng kurso ay para ding pagpili ng librong babasahin.Kung pipilitin mong basahin ang librong sa tingin mo ay hindi talaga pasa sa panlasa mo ay sa simula palang ng kabanata mag i-stop ka na.At kung pipiliin mo naman iyong librong may genre na pasa sa panlasa mo,masaya mo itong tatapusin hanggang sa wakas kahit na napakarami itong kabanata.Kung sa kurso naman,hindi ka magiging masaya kung kinuha mo ang kursong sa tingin mo ay di para sayo,magiging mahirap at boring ang college life mo dahil 'di ka naman talaga interasado sa kursong iyon,pero kung kinuha mo ang kursong isinisigaw ng iyong puso na iyon talaga ang gusto mo,magiging exciting ang lahat at di ka mahihirapan sa pag-aaral.Kaya naiintindihan ko ang gustong ipahiwatig ni Ken.Gusto nya makamit iyong gusto nyang pangarap,hindi iyong pangarap ng parent nya para sa kaniya.
"kailangan mong gamitan ng 𝑔𝑟𝑎𝑝ℎ𝑖𝑡𝑒 sa parte ng mata tapos dagdagan mo pa ng charcoal ang buhok para mas dark"suggest ni papa ng ipakita ko sa kaniya ang in-sketch ko .Nasa salas kami ngayon at nag i-sketch kami ni papa.Sa larangan ng pagdo-drawing ay magaling si papa roon ganoon din sa pagpipinta.Gusto kong mag practice ng magpractice para mag upgrade naman ng kaunti ang mga taong dinudrawing ko,noon kasi kapag nagdudrawing ako ay kung hindi dislocate ang bibig,ang ilong o kaya ang mata.
𝐷𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑜𝑛𝑔...
Napatingin ako sa pintuan ng tumunog ang door bell.Nasa kusina si mama at nasa itaas naman si Chezka so ako nalang ang pumunta sa pintuan.I had to look at the intercom and saw the familiar guy waiting outside our house.Darius Ferrer.
Agad akong lumabas at binuksan ang gate para papasukin si Darius.
"Hi there!"he greeted me and i greet him back."pasok ka!sino kasama mo?"tanong ko at pumasok na kami .
"Ako lang mag isa,galing kasi ako kila Tita Emilia at dumaretso na ako rito!"kaswal nyang sabi.
"Ahh,ba't 'di mo kasama si Emily?"
"Naroon siya sa bahay nong friend mo?the moody guy?he's Ken,right?"
"ah,o-oo.Kila lola Maring"pagsang-ayon ko at pumasok kami ng bahay.Masaya namang kaming sinalubong ni mama ng makitang kasama ko si Darius.Kilala na ng mga parents ko si Darius dahil palagi ito noon bumibisita sakin ng mgkasakit ako.
"Oh.Darius,ihjo nandito ka pala.Halika,samahan mo kami ni V mag sketch!"sabi ni papa ng pumunta kami sa salas.
"wow!magaling po pala kayo mag sketch?!"napahalakhak naman si papa sa pag compliment ni Darius sa gawa niya.
"HAHAHA!hindi naman masyado ihjo!hindi sa pagmamayabang ay palagi akong first place noon ng kabataan ko sa poster making sa eskwelahan,hahaha!"sabi ni papa kay Darius.
"talaga po?hobby ko din po ang pagi-sketch noon pero lately hindi ma ako nakakapag drawing"
Umupo na kami sa couch at ipinagpatuloy ko ang sketch ko habang pinapakinggan lang si Papa at Darius sa kabilang side ng upuan na mukhang nagkasundo sa pag i-sketch.Biglang sumagi sa isip ko si Ken.Ano kaya ang ginagawa niya ngayon kasama si Emily?Hindi ko rin naman matanong kong meron ng 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔 sa pagitan nila ni Emily.Dahil palagi naman silang magkasama noon sa campus ng magsimula akong lumayo sa kanila noon at nakikita ko rin sila minsan sa coffee shop malapit sa campus na magkasama.And speaking of paglalayo,nasira na pala ang plano kung paunting lumayo kay Ken dahil kinunprunta niya na ako last night about the sudden changes kuno sakin na parang iniiwasan ko siya.
***𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊***
"Nitong mga nakaraang araw ay nararamdaman kong nagbago ka......"seryuso nyang sabi na ikinagulat ko.Napansin nya din pala.
"p-paano mo....n-naman nasabi"nauutal kong sagut.
"iniiwasan mo ako"sabi nya ulit para mapatingin ako sa kaniya,may lungkot sa tono ng sabihin nya ang mga katagang 'yon.
"busy lang ako,Ken.Tsaka nariyan naman si Emily para samahan ka"diretso kong tanong.
"....ipinamimigay mo rin ako"dagdag pa niya
***𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊***
Hindi ko alam kong ngingiti ba ako o mangingisay sa kilig dahil naalala ko ulit ang pag-uusap namin ni Ken last night na parang disappointed siya dahil parang ipinamimigay ko na raw sya.Pinilit kong wag mangisay sa kilig dahil nasa harap ko lang si papa at si Darius na nag-uusap about 𝑠ℎ𝑎𝑑𝑖𝑛𝑔 and etc. baka isipim pa nilang nababaliw na ako o inatake ng epilepsy dahil sa pagkikisay.At ang lalaki ay hindi kumikisay gaya ng babae kaya napatakip nalang ako ng sketch pad sa mukha.
"Okay ka lang,V?"nabigla ako ng maramdamang umupo si Darius sa gilid ko.Agad naman akong nag ayos ng upo at nginitian siya.Napatingin naman siya sa in-sketch ko at nasa expression niya ang pagkagulat na agad namang napawi na napalitan ng tawa.Napatingin naman ako sa drinawing ko at nagulat din sa nakita.Hindi ko namalayang ginuhit guhitan ko na pala ang mukha ng babae na idinudrawing ko kanina dahil sa hindi mapigilang kilig na nararamdaman.
"G-Ginaw mo sa drawing mo?hahaha"natatawang sabi ni Darius at tumingin palayo sakin para pigilan ang humagalpak sa pagtawa dahil sa ginawa ko sa babaeng dinu-drawing ko.Madumi na ang mukha nito dahil sa paikot ikot na guhit ng lapis na pumapalibot sa buong mukha.Agad kong pinunit ito sa pad at ginawang bola saka pinashoot sa maliit na trash bin sa gilid ni papa.
"hehe-hindi kasi ako na satisfied sa sketch ko so i decided to draw again"pag sisinungaling ko.
"Oh,I see.Sana samahan mo din akong mag sketch next time"tanong nya sakin.
"That would be lovely"
"Nga pala,sorry pala ulit kagabi hindi kita---huh?"naputol ang sasabihin nya dahil binigyan ko siya ng tahimik-baka-marinig-tayo-ni-papa look at ininguso si papa na busy kaka scketch at kumakain ng cupcakes nya at the same time.
He mouthed '𝑎𝑛𝑜?' and i motion him to lean over.Ng makalapit ang mukha nya sakin ay ginamit kong pangharang ang sketch pad sa mukha namin para makapag bulungan kami."wag kang maingay baka marinig tayo ni papa,patay ako!"mahina kong bulong sa kaniya habang nakaharang parin ang sketch pad sa mukha namin.May six inches pa naman sa pagitan namin kaya hindi awkward tignan at para marinig din namin ang isa't isa
"why?you didn't tell them?akala ko nag paalam ka?!"mahina nya ding bulong sakin
"H-Hindi.Alam ko kasing di nila ako papayagan!kaya shhh!"tugon ko pabalik.Kung titignan kami ngayon ay mukha kaming may ginagawang kapusukan sa likod ng sketch pad kaya itinigil ko na ang conversation namin behind it at chineck si papa kung tumingin siya samin.
BINABASA MO ANG
At My Worst
Teen FictionBright and Ken are childhood friend,but what if,isa sa kanila ang ma inlove?mawawasak ba ang kanilang pinagsamahan at pagkakaibigan?o mag bubunga ito ng maganda at makulay na pag-iibigan? Let's find out!