𝑩𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕(𝑽) 𝑺𝒂𝒏𝒅𝒐𝒗𝒂𝒍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 na akong nilalagnat at hindi nilulubayan ng ubo't sipon dahil naulanan ako ng nakaraang gabi.Ang gabi ng masaksihan ko pagkatapos ng pag-amin ni Emily ng kaniyang nararamdaman kay Ken.Pagkatapos din ng gabing iyon sinimulan ko nang lumayo kay Ken.Dahil napagtanto kong walang patutunguhan ang pag-ibig ko para sakaniya at hindi lang pala ako ang nagmamahal sa kaniya,pati na pala ang isa ko pang kaibigang si Emily.Kung iisipin ay wala akong puwang sa puso ni Ken,alam kong straight siya at may pangako pala siya kay Emily noon na darating sya tuwing kailangan siya nito at magiging Knight in shining armor sa tabi nito.Habang naliligo ako sa ulan noon pabalik sakay ang bike ay siya ring hindi maawat na pagpatak ng luha ko na sumasabay sa pagpatak ng ulan.
Unti-unting nadurog ang puso ko ng makitang nagyakapan sila sa gilid ng tulay na iyon.Ngayon,sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon na ng koniksiyon ang lawang iyon sakin,dahil doon din sa lawang iyon naganap ang dahilan ng pagkawasak ng aking puso at pagdaloy ng luha kong puno ng kalungkotan.Kaya pala Lawa ng Luha .Napakahirap magmahal ng isang kaibigan dahil hindi mo alam kong magbubunga ba ito ng magandang kahihinatnan or worst ay mawala pa ang inyong pinagsamahan.Hindi ka rin sigurdo kung mala-love back ka ba ng taong minamahal mo o hindi.
Pabalik-balik narin si Emily sa pag dalaw sakin ngunit tango at ngiti lang ang itinutugon ko sa kanya.Pati si Ken ay bumibisita rin pero tinutulugan ko siya at sinasabihan ko sila mama na hindi mona tumanggap ng bisita at baka mahawa sila.Pero ang totoong dahilan ay para hindi na pumunta si Ken dito at gusto ko monang mapag-isa.Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil narin siguro sa lagnat ko.
𝑇𝑒𝑒𝑒𝑡!𝑡𝑒𝑒𝑡! Kinuha ko na ang thermometer sa kili-kili ko at tinignan ang tempereture ko. It says 𝑡ℎ𝑖𝑟𝑡𝑦-𝑛𝑖𝑛𝑒 𝑑𝑒𝑔𝑟𝑒𝑒 𝑐𝑒𝑙𝑐𝑖𝑢𝑠 (39° 𝑐).Jusmeyo!kaya pala mukhang naduduwal ako at pakiramdam ko ay nililipad ang hinihigaan kong kama sa ere!Subrang init ng pakiramdam ko na naluluha na ang mata ko dahil sa subrang taas ng lagnat ko.Mainit narin ang hininga ko at namamawis na pati ang aking sentido na sinasabayan ng malakas na pintig roon.
Pinilit kong bumangon para buksan ang electric fan sa paanan ng kama ko malapit sa drawer.I turned the number three at kasunod nyon ay nagsimula ng umiihip ang malakas na hangin.Ipinikit ko na ang mata ko na tumutulo parin ng mainit na luha.𝐼 ℎ𝑎𝑡𝑒 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝑓𝑒𝑒𝑙𝑖𝑛𝑔.𝐵𝑒𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑐𝑘 𝑖𝑠 𝑠𝑜 𝑑𝑎𝑚𝑛!
Maya-maya ay parang hindi na ako halos makahinga.Nangangatal na ang baba ko dahil sa lakas ng hangin na umiihip sa aking buong katwan.Ramdam ko ang unti-unting paghina ng pintig ng puso ko dahil parang na freeze ang aking puso .
"M-Ma!h-ha!.........m-mah!"nangangatal kong tawag kay mama sa baba pero parang hindi nila ako naririnig sa baba dahil nakasarado ang pinto ng kwrto ko.Nngangatl at nahihirapan na akong huminga ng pilit kong binangon ang electric fan para patayin.Nagkamali akong binuksan ko pa ang electric fan na iyon.Nawalan ako ng balanse sa pagtayo at nasalampak ako sa sahig.Mas lalo pang humina ang pintig ng puso ko.
"M-Ma!....tu-tulong.....!"naiiyak kong sabi habang pilit na inaabot ang off button ng electric fan.Lumalabo na rin ang paningin ko.Hindi ko na kaya ang lamig!Bago ko man maabot ang off button ay sa huling pagkakataon bumukas ang pintuan ng kwarto ko .Doon na ako nangatal ng subra at tuluyan ng lumabo ang paningin ko ngunit naaninag ko parin kong sino ang dumating.𝐷𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎.......
Then everything went black.Hindi ko na marinig kong anong sinisigaw niya.Ang naiintindihan ko lang ay sinisigaw nya ang pangalan ko.
𝐓𝐇𝐈𝐑𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐕𝐈𝐄𝐖
BINABASA MO ANG
At My Worst
Teen FictionBright and Ken are childhood friend,but what if,isa sa kanila ang ma inlove?mawawasak ba ang kanilang pinagsamahan at pagkakaibigan?o mag bubunga ito ng maganda at makulay na pag-iibigan? Let's find out!