Kabanata 32

18 4 0
                                    

Nagulat ako ng tinawid niya ang ilang dipa sa pagitan namin at hinawakan ako sa batok saka marahas na inilapit ang mga labi niya sa labi ko.

Parang feeling ko may pumutok na fireworks sa langit kahit umuulan ng hagkan niya ako.Marahas man ang paghalik niya ngunit nagustuhan ko iyon.Paulit-ulit niyang inaangkin ang aking labi para sabihin ko sa kaniya na mahal ko siya at hindi lang siya bilang kaibigan sakin.Parang hindi alintana samin ang malakas na ulan na bumubuhos sa katawan namin ngayon.Pareho kaming nagnanais at sinisigaw ng aming mga puso ang isa't isa.Ngayon ay batid na namin ang tunay naming nararamdaman.Sa una ay umalma ako ng inangkin nya ang labi ko ngunit hindi pinatakas ng mga labi niya ang labi ko.His kisses deepen and more romantic.This rainy day is like no other.

Naramdaman kong bumaba ang kamay niya papunta sa likod ko at mas lalong inilapit ang basa kong katawan sa katawan niya.Tumigil lang siya ng mapugto ang aming hininga.Habol ang aming hininga  sa mga oras na 'to.Inilapit niya ang noo niya sakin at nagsabing, "Tell me that you love me"

Parang siyang nagmamakawa ng sabihin niya iyon,na sabihin kong mahal ko din siya.Napakalapit namin sa isa't isa at nararamdaman ko rin ang init ng katawan niya.Ang mga bisig niya na nakayakap sakin ay parang nagsasabing sakanya lang ako. "Kung hindi kita mahal ay siguro sinuntok na kita kanina pa"biro kong sabi sa kaniya.Magkadikit parin ang mga noo namin at mukhang wala siyang balak na pakawalan ako.He kissed the tip of my nose and gave another smack on my upper lips.

"s-so...is that your new version of i love you too?"mahina at pabiro nya ring sabi na sinundan ng mahinang pagtawa.Tumango nalang ako.

"Matapos man ang pagbuhos ng ulan sa paligid,ngunit hindi matatapos ang pagmamahal ko sayo,Ken.Mahal na mahal kita"pag-amin ko sa kaniya.

"I love you to,baby..."paanas niyang sabi.Kung kanina ay nagsisigawan kami,ngayon ay paanas na naming sinasabi ang aming totoong nararamdaman sa isa't isa.Humiwalay lang siya sa pagkakayakap sakin ng may dadaang tricycle sa daan.Natawa kami sa isa't isa ng matapunan kami ng maruming tubig na nasa  kalsada ng dumaan sa gilid namin ang tricycle na iyon.ℎ𝑚𝑝!𝐵𝑖𝑡𝑡𝑒𝑟 𝑠𝑖 𝑀𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔!

Gumagabi narin kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.Hawak ko na ngayon ang black na payong ko na lumipad kanina sa kung saan.Subrang saya ko!parang gusto kong magvideoOk sa subrang saya na nararamdaman.Humirit pa siya ng isang halik at yakap sa gilid ng bahay namin ng papauwi na siya.Todo ingat naman ako dahil baka makita kami ng pamilya ko at ni aleng marites na kapit bahay namin.Hinatid ko mona siya ng tingin habang papauwi sa bahay nila.Unti unti naring tumila ang ulan.

I was about to open the door when i saw my sister chezka walking towards me.Saan ito galing?Nakapayong din ito at mukhang nagdadalwang pumasok ng bahay.Takot at pangamba ang makikita sa mukha niya.

"Chezka!saan ka galing?"tawag ko sa kaniya ng huminto lang siya sa gitna ng kalsada at nakatingin lang sa bahay namin na kinakabahan.Napansin kong mukhang kanina ko pa siya hindi nakikita.

"K-Kuya...tulungan mo ako"sabi nito na nauutal.Naguguluhan ako sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"A-ayukong pumasok ng bahay m-magagalit si papa kapag nakita niya ako"

"Bakit?Saan ka ba galing?"

"h-hindi ako umuwi kagabi.Nagkayayaan kami ng mga barkada ko na magparty kasama ang mga boyfriend namin at hindi ako umuwi kaninang umaga dahil alam kong pagagalitan ako ni mama at papa"pag aamon nito habang nakayuko.Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"ANO?!My god chezka!magagalit talaga sayo sila mama lalo na si papa!Kababae mong tao at anong oras ka ng umuwi tsak nagparty pa kayo?!"sabi ko na may halong gulat at galit na tono.

"Pinagsabihan na kita na layuan mo na iyong boyfriend mo na iyon dahil bawal pero ano?sinuway mo ang kabilin bilinan ni papa sayo!"pagpapa alala ko sakaniya.Napakuyom nalang ako para pigilan ang sariling saktan ang kapatid ko.Nagsimula ng pumatak ang mga luha niya.

"S-soryy kuya...tulungan mo ako."pagmamakawa ni Chezka sakin habang hinahawakan ang braso ko at pinipilit akong tulungan siya.Naawa ako sa kaniya pero kailangan niyang matuto sa mga pagkakamali niya.Nagulat kami ng bumukas ang gate namin at linuwa roon si papa na galit na galit na  nakatingin sa kapatid ko na takot na takot na ngayon.

"p-pa"

"Pasok...Pumasok ka!"sigaw ni papa kay Chezka.Ngayon ko lang ulit nakita si papang nagalit.Nakakatakot.Nanginginig si Chezka na nakatingin sakin at humihingi ng tulong."hindi na kita matutulungan"mahina kong sabi sa kaniya.

"ANO,CHEZKA?GUSTO MO PA BANG KALADKARIN KITA PAPUNTA SA LOOB?!!"nangagalaiti nitong bulyaw para mapasunod si Chezka at agad na pumasok ng bahay.Agad na sumunod si papa na galit na galit at pumasok sa loob.Kasunod niyon ay narinig kong napatili si Chezka at pumulahaw ng iyak.Naramdaman ko nalang na mabilis ng tinatahak ng mga paa ko ang pinto ng bahay namin.

Pagkapasok ko ay nadatnan kong nakahawak ang kamay ni papa sa buhok ni Chezka at malakas itong sinampal na ikinasinghap ko at ni mama na inaawat narin ngayon si papa.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO NA UMUWI PA RITO! 'DI BA SABI KO SAYO NA BAWAL KA MAGBOYFRIEND?pero anong ginawa mo?PUMUNTA KA PA SA PARTY NA MAY KASAMANG LALAKI!"galit na galit na sabi ni papa at isa pang sampal ang inabot ni Chezka na nagmamakawa na ngayon habang sapu ang kabilang pisngi dahil sa malakas na sampal na dumapo sa mukha niya.

"S-sorry po pa!hin-di n-na mauulit!s-sorry sorry!"sabi ni Chezka sa gitna ng mga hikbi.Nasa semento na siya ngayon habang nagmamakawa.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka!Anong oras ka ng umuwi!Akala mo hindi ko napapansin ang madalas na paglabas mo ng baghay,ha?!"bulyaw pa ni papa at akmang sisipain pa sana si Chezka ngunit napigilan na namin siya ni mama.

"Bernard,tama na!"

"Pa!tama na po!"

"Dapat na bigyan ng leksiyon ang batang iyan Tessie!Isang disgrasyada!!

"Pagkatapos namin kayong palakihin ng ganito tapos ito lang ang isusukli nyo?!!!wala kang utang na loob!"kinailangan kong harangan si papa para hindi niya maabot si Chezka na nakatayo na ngayon at umiiyak parin.Takot na takot.Si mama naman ay umiiyak na nakayakap sa likod ni  papa para pigilin din si papa.

"s-sorry po pa!h-hinding h-hindi na ako uulit,patawad po......"umiiyak na sabi ni chezka sa likod ko.

"Siguraduhin mo lang!dahil kulang pa ang sabunot at sampal na aabutin mo kapag umulit ka!!!Minsan lang akong mag disiplina sa inyo,kaya wag nyo akong pupunuin!!!"

"Pumili ka Chezka!Aral o boyfriend,ha?!!!"tanung nito kay chezka na nakayuko lang at humihikbi ."Wag mo kong paulitin ,Chezka!sumagot ka!!!"

"Mag-aaral p-po ako ng m-mabuti!Hihiwalayan ko na po ang b-boyfriend ko!"hikbi ni Chezka at tumakbo na papunta sa kwarto niya sa taas.Nakahinga naman ako ng maluwag ng umupo na si papa sa couch na nakatiim-bagang.Basa na ang t-shirt nito dahil sa pagyakap ko kanina.

"Ang kapal talaga ng babaeng iyon!jusko,Tessie"sabi niya kay mama na nagpupunas ng luha.

"Tama na Bernard,kakausapin ko nalang siya mamaya"tugon ni mama at pinainom ng isang basong tubig si papa.

Hindi ko akalain na mangyayari iyo ngayon.Napabuntong hininga nalamang ako.Paano kung malaman ni papa na nagkakagusto ako sa kapareha ko at nagkakamabutihan na kami ni Ken?Bigla akong kinabahan sa mga iniisip ko.



****************************

#𝐀𝐭 𝐌𝐲 𝐖𝐨𝐫𝐬𝐭

𝑨/𝑵:𝑰𝒇 𝒚𝒐𝒖 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓.𝑷𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒗𝒐𝒕𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒄𝒐𝒎𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒏𝒂𝒓𝒊𝒏,𝒕𝒉𝒂𝒏𝒌𝒊𝒆!

---𝑯𝒚𝒑𝒐𝒄𝑾𝒓𝒊𝒕𝒆𝒔








At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon