𝐁𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐨𝐯𝐚𝐥
𝐍𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 kaming gumawa ng wine ngunit hindi na nag join si Emily.Tumingin lang mona siya sandali at nag excuse kay lola Tiyang na magpapahinga na siya sa room nya dahil masakit raw ang tyan nya because of menstration.Itinago na namin ang mga ginamit namin sa 𝑤𝑖𝑛𝑒𝑚𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑡𝑜𝑟𝑖𝑎𝑙 ni lola Tiyang.
"Masaya akong nagawa niyo ng maayos ang paggawa ng wine"masayang sabi ni lola Tiyang samin pagkatapos naming mag ligpit ng kalat.
"Kami din ho,la.Malaking achievement na po samin iyon,diba?"tugon ko at tinignan si Darius na kanina pa nakatitig sakin at si Ken na nakacross arms na mukhang kanina pa lutang.
"Y-yea.Sana turuan nyo kami ulit,lola Tiyang at sa susunod ay white wine naman!"ani Darius at inakbayan ako.Ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan ni Darius dahil napakalapit nya lang sakin.Medyo umisog ako palayo sa kaniya para di nya mahalata na namumula na ang pisngi ko,hindi kasi sanay na may um-akbay sakin.
"O siya.Magsitulog na tayo,nagbyahe pa kayo kanina at alam kong pagod na kayo,good night mga ihjo!"iyon ang huling sabi ni Lola Tiyang at umakyat na sa kwarto niya.Humikab mona ako at nag stretch ng kamay bago naglakad papunta sa hagdan.Huminto ako sa paglakad at lumingon ng maramdamang hindi kumilos ang dalawa na nakaupo lang sa couch.
"Hindi pa ba kayo matutulog?"si Darius lang ang tumingin sakin at sumagot na matutulog na din siya ngunit hindi man lang lumingon sakin si Ken kundi tumayo lang at walang ano-anong pumasok sa kwarto nya sa right side na ilang metro lang sa salas.𝐴𝑛𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑜𝑏𝑙𝑒𝑚𝑎 𝑛𝑜𝑛?
Hindi ko nalang siya pinasin at nag 𝑔𝑜𝑜𝑑 𝑛𝑖𝑔ℎ𝑡 na kay Darry na pumasok narin sa kwarto nito na nasa kabila lang ng kwarto ni Ken.
Madilim na ang buong bahay dahil pinatay ko na ang lahat ng switch.Tamad na tamad akong naglakad sa paikot na hagdan na mukhang walang katapusan,gusto ko tuloy mahiga nalang sa hagdan dahil mukhang aabutin ako ng madaling araw at hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ko.
Ilang hakbang pa ang ginawa ko at mukhang makakarating na ako ngunit natigilan ako sa paghakbang ng mapansin ko ang isang babaeng nakaputi at nakaupo sa hagdan na nakayuko at yakap-yakap ang mga tuhod.
𝐷𝑢𝑔𝑑𝑢𝑔𝑑𝑢𝑔𝑑𝑢𝑔𝑑𝑢𝑔!
Sumikdo ang puso ko ng makita ang nakaputing babae.Hindi ko alam ang gagawin,kung tatakbo ba pababa ng hagdan o 'di nalang siya pansinin.Dapat pala inalam ko mona ang history ng mansion na ito!Nanindig ang balahibo ko ng mahulog pa ang mga hibla ng buhok nya sa unahan.
"B-Bright?"
"AAAAAAAHH!"napasigaw ako sa gulat ng tumayo ang babaeng nakaputi at sinambit ang pangalan ko.Napahawak ako sa dibdib para pakalmahin ang sarili.
"Phew!Tang*na,ikaw pala 'yan Emily!"
"Grabe ka naman makasigaw.Para kang nakakita ng multo"
"eh,B-bakit ba kasi nakaupo ka riyan?napagkamalan pa tuloy kitang white lady" hindi parin maawat sa pagkabog ang puso ko dahil sa pagkagulat,takot at kaba.
"Hindi pa ako dinadalaw ng antok eh.Tapos na 'yung tutorial?"pag-iiba nya at inayos ang buhok na nakabuhaghag.Linapitan ko siya at sinamahan siya sa pagkakaupo sa hagdan.Nawala din naman ang antok ko eh...sasamahan ko nalang siya.
"Ano bang bumabagabag sa isip mo?"tanong ko sa kaniya.Tahimik lang mona sya at pumakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"Bright....maganda ba ako?"napabuga ako sahangin ng tanongin nya iyan sakin.
"Ano bang klaseng tanong 'yan?kaya ba 'di ka makatulog kasi iniisip mo kong maganda ka ba talaga o hindi?hahaha!"biro ko sa kaniya na ikinangisi lang nya.Kaya nga nagustuhan ko siya noon dahil maliban sa mabait siya,friendly at maganda pa sya.Kung tutuusin ay wala ka nang maipintas pa kay Emily.Kaya walang duda na hindi siya magugusuhan ni Ken.Sumikip ang dibdib ko dahil sa iniisip kong perfect match sila.
"May sasabihin ako sayo."sabi nya
"oum,ano yun?"
"Y-Yung friend ko kasing babae nagkagusto siya sa bestfriend nyang l-lalaki.Tapos nagconfess sya dun sa besfriend nya na... na gusto nya ito.After that,aksidenti nyang narinig na mukhang may nagugustuhang iba iyong guy.Ano ba dapat ang gawin nya?hayaan at kalimutan nalang yung guy...or kakausapin para liwanagin ang lahat at para malaman nya na kung may gusto rin sa kaniya yung bestfriend nyang lalaki para....p-para hindi na siya umasa pa"napakunot ang noo ko ng sabihin iyon ni Emily na mukhang apektadong-apektado sa sinabi nyang friend kuno.
"Anong masasuggest mo?"tanong nya pagkatapos.Napakurap mona ako ng dalawang beses.Ang sarili nya ba ang tinutukoy nya?May nagugustuhan na bang iba si Ken na mas maganda pa sa kanya?
Ayuko namang sabihin ang unang option na sinabi niya dahil alam kong hindi effective iyon dahil ilang beses ko nang iniwasan at kinalimutan si Ken pero hindi naman gumana.
"Mas mabuti sigurong kausapin nalang nong friend mo 'yung guy para malaman nya kung may pagtingin man o wala iyong guy na yon sa kaniya.Kasi if ever man na hindi nga siya gusto at least ay alam nya na at hindi na siya aasa,oo ,masasaktan sya ofcourse kasi it's inevitable....hindi mo maiiwasang masaktan.At least,hindi nya gagawing tangga yung sarili nya ,siya na yung kusang lalayo at unti-unting bibitaw sa pagkakakapit sa guy na yon"paliwanag ko sa kaniya.
"Nagmahal ka na ba?"
"ah-huh?!ba't mo naman natanong?"tugon ko habang napakamot sa batok.
"Kasi...sa sinabi mo palang ay mukhang nakaexperience ka na.Parang minsan ka na ding sinubok ng pag-ibig"
"ahh...ano ka ba,it's just my perception lang naman.At saka mukhang ---hay....matulog na nga tayo"sabi ko at agad na tumayo para di na siya magtanong pa ng kung ano-ano.
"Sige na,mauna ka na"
"oh,ikaw bahala.Huwag mo ng masyadong isipin yung friend mong babae,kaya nya 'yan"nakangiti kong sabi sakanya ng nilingon ko sya at dumaretso na sa room na nasa kanan dahil nasa kaliwa ang kanya.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa isang king size bed na nasa room ko.Alam kong ang tinutukoy ni Emily ang sarili nya kanina.Paano kong sundin nya ang ipinayo ko kanina?hayyyy....
"Ken Arbolida.....mas ginulo mo ang sitwasyon,nahihirapan na ako....."
𝑇𝑖𝑐𝑘...𝑡𝑜𝑐𝑘...𝑡𝑖𝑐𝑘...𝑡𝑜𝑐𝑘!
Pumakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.Pang thirty times ko na ata ginawa iyon dahil di parin ako makatulog.Bumangon nalang ako at isinuot ang pares ng tsenilas kong kulay blue na mabalihibo.Pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan.Napansin kong may konting sinag ng ilaw sa baba.
"h-hindi kasi ako makatulog"rinig ko na sabi ng boses babae sa baba.
"Ganun ba?P-pagtitimpalahan kita ng gatas--"tugon ng boses lalaki.Habang papalapit ako ay maliwanag ko na ring naririnig ang pag-uusap nila.Napaupo ako sa hagdan at tumago roon para hindi nila ako makita.Nakita kong hinawakan ni Emily si Ken sa braso para pigilang pumunta sa kitchen." 'Wag na,hindi na k-kailangan.A-ang totoo nyan gusto kitang makausap"
𝑂ℎ 𝑚𝑦--𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑔𝑎 𝑛𝑖 𝐸𝑚𝑖𝑙𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑘𝑜!
"Ah,ano iyon?"
"Gusto ko sanang sa labas tayo mag-usap.Ok lang ba?" tumango lang rito si Ken at sumunod sa likuran ni Emily na tinatahak na ang pintuan papalabas.
***************************
#𝐀𝐭 𝐌𝐲 𝐖𝐨𝐫𝐬𝐭-HypocWrites
BINABASA MO ANG
At My Worst
Teen FictionBright and Ken are childhood friend,but what if,isa sa kanila ang ma inlove?mawawasak ba ang kanilang pinagsamahan at pagkakaibigan?o mag bubunga ito ng maganda at makulay na pag-iibigan? Let's find out!