Kabanata 29

24 4 0
                                    

𝙏𝙝𝙞𝙧𝙙 𝙋𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣 𝙋𝙤𝙞𝙣𝙩 𝙤𝙛 𝙑𝙞𝙚𝙬

"Nasaan ang mga bata?....o siya,uuwi na din ako at may dadaanan lang sandali"sabi ng lalaking nasa forties na at mukhang matanda tignan dahil sa pagod at problema na kinakaharap.Siya si Carlos Arbolida,ang ama ni Ken na ngayon ay may bago naring pamilya.

Hiniwalayan siya ni Judy na ina ni Ken dahil isa itong lasenggo noon at palaging wala sa bahay at kapag umuuwi naman ito ng bahay ay palaging away ang kinahinatnan.Nagkaroon ng isip si Ken at ganoong sitwasyon ang kaniyang pinagmulatan.Nang mag anim na taong gulang na si Ken ay hindi na ipinagpatuloy pa ni Judy ang kapabayaan ng kaniyang asawa dahil kusa na siyang nakipaghiwalay rito.Napagdesisyunang mangibang bansa ni Judy para matustusan nya ang pangangailangan ng anak niya at ni lola Maring dahil doon niya ipinagbilin si Ken.Naghirap kasi sila dahil wala man lang napundar si Carlos na kaniyang asawa noong nagsasama pa sila.

Si Carlos naman ay nag-asawa rin at iyon ay si Joan.May anak narin si Joan sa dating asawa at hiwalay din ang mga ito.Nagsimulang magbago noon ni Carlos at paglipas ng panahon ay naging isa siyang manager sa isang company dito sa San Alfonso.Ngunit hindi naglaon ang kanilang karangyaan ay unti-unting nawala ng magkasakit ng tuberculosis ang asawa niyang si Joan,nagresign siya sa trabaho para alagaan ang kaniyang asawa.Mayroon silang limang anak,isang babaeng nag-aaral na sa highschool na anak ni Joan sa dating asawa at ang apat lalaki na nag-aaral na din sa elementary na galing naman sa kaniya.Naghirap sila at halos maubos na ang mga gamit sa bahay nila dahil ipinagbili na ang mga ito ni Carlos para sa gamot ni Joan at ang naiwan nalamang sa kanilang kabuhayan na pinagkukunan nila ng pangtustos sa araw-araw ay ang computer shop ngunit hindi parin ito sapat upang makaahon sila sa kahirapan.

Tumawid si Carlos sa isang kalye at dumaretso sa isang coffee shop para bumili ng kape dahil papauwi na siya sa bahay nila galing sa computer shop.Dala-dala niya ang color black na bag na pinaglalagyan niya ng baon at ilang damit kapag nagbabantay siya ng shop nila.Dahil sa pagod ay inilagay niya muna ang dala niyang bag sa isang upuan.Pagkamaya-maya ay pumasok rin ang isang lalaking nasa midtwenties at nasa 5'6 ang taas,nakasuot ito ng black na cap,black na jacket at black din na pants,at mayeoon din itong bag na kapareha kay Mang Carlos.Lingid sa kaalaman ng lahat ay isa itong pusher o nagtutulak ng droga.Inilagay nito ang bag sa kabilang upuan na nasa kanan na nasa kaliwang ipuan naman ang kay Mang Carlos.Pagkatapos ay nag order din ito kape sa isang barista.

"Magandang hapon Mang Carlos!Kamusta po ang araw natin?"masaya at energitic parin na bati ni Agatha sa kaniya.Isa itong barista sa Coffee shop na iyon at kilalang kilala na siya nito dahil suki siya ng shop nila.Pilit ang ngiti sa labi ni Carlos ng tumugon siya kay Agatha.

"M-mabuti naman."tugon niya at sinulyapan ang nakaitim na lalaki na nasa gilid niya na naghihintay din ng order.Hindi na siya nagsabi ng kaniyang order dahil alam na iyon ng barista na ngayon ay ginagawa na ang kaniyang kape.Sinuri muna nito ang kaniyang mukha kung hindi ba taliwas ang sinabi niya rito.

"Eh bakit parang ang tamlay niyo ho  ata ngayon?"tanong ulit nito  at ibinigay na ang order nya at ibinigay niya rin dito ang bayad.

"Salamat,hija.Medyo mahina kasi ang kita ng shop namin ngayon.O siya!kailangan ko ng umalis!"sabi niya rito at tumalikod para kunin nya ang kaniyang bag ngunit nalito siya dahil may dalawang bag na magkapareha sa kaliwa at kanan ng upuan .Nalito siya kung nasaan ang kaniya dahil nakalimutan niya kung nasa kaliwang upuan ba o nasa kaliwa niya nilagay ang kaniyang bag.Hindi naglaon ay kinuha nya nalang ang bag na nasa kanan at tuluyan ng lumabas ng coffee shop.

Nang makuha naman ng lalaking nakablack kanina ang order nito ay nabigla ito ng makitang wala na ang kaniyang bag na naglalaman ng drugs na idideliver nya sa kaniyang mga parokyano.Doon niya lang napansin na mayroon ding kapareha sa kaliwang bahagi ng upuan.Agad siyang tumakbo palabas para kunin ang bag niya kay Mang Carlos dahil nagkapalit sila ngunit hindi nya na ito nasumpungan pa sa labas.Napapadyak nalamang ang lalaki sa inis dahil malalagot siya dahil bayad na ang mga ito.


                      ⬤⬤⬤⬤

𝑩𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕 𝑺𝒂𝒏𝒅𝒐𝒗𝒂𝒍

❝𝐁-𝐁𝐑𝐈𝐆𝐇𝐓?pwedi bang pumasok?"rinig kong sabi ni Ken sa labas ng kwarto ko.Umaga na pero hindi parin ako lumalabas ng room ko para mag almusal.Nahihiya akong lumabas dahil mugto ang aking mga mata at wala din akong lakas para bumaba.It was supposed to be the second day of staying here in my granny's farm but i want to go home.Wala nang dahilan para magsaya at i-enjoy ang pag-i-stay ko rito sa farm.

Nanatili akong nagtulog-tulogan at hindi tumugon kay Ken na nasa labas.Hindi ko pa kayang harapin siya at magkunwaring ayos lang ako at magpatay malisiya na wala akong nakita o nalaman.Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kung ano ang gagawin kong alibi sakanila kapag tinanong nila ako kung anong nangyari sakin.Sa tingin ko kasi ay hindi naman nila ako namataan at nakita ng umalis ako sa pinagtataguan ko kagabi.Nagpanick yung kaluluwa ko ng marinig ko ang pagclick ng pintuan sa room ko at sumunod ang mga yapak na papalapit na sa kama ko.Iningatan kong hindi gumalaw sa pagkakahiga habang pikit parin ang mga mata.𝐺𝑜 𝑎𝑤𝑎𝑦!𝑎𝑦𝑢𝑘𝑜 𝑚𝑢𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑎!

"V...bumangon ka na riyan.Alam kong nagtutulog-tulugan ka lang"tinawag nya ako sa palayaw ko.Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama at tinapik ako sa braso.I ignore him.

"V,i want to talk to you..."tumagilid ako ng higa para talikuran siya.Nabigla ako ng hablutin nya ang braso ko para bumalik ako sa huwisyo at para hindi ko siya talikuran.Kumulo ang dugo ko sa ginawa niya at hindi na ako nakatiis kaya bumangon na ako.

"Ano ba problema mo?!"bulyaw ko sa kaniya na ikinagulat nya.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo.Bakit mo ako tinutulugan?"

"Dahil pagod ako at gusto kong magpahinga"walang ganang sabi ko sa kaniya at bumalik sa pagkakahiga.Nakita ko sa peripheral vision ko na seryuso lang siyang nakatitig sakin.Hindi ko siya tinignan at diretso lang ang tingin ko sa kesami.

"Kung tapos ka na sa pag-iinis sakin,pwedi bang lumabas kana?wala akong gana makipagbiroan sayo"sabi ko at pumakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"I-i'm sorry.Kung n-nasaktan kita"😲napatingin ako sa kaniya.Sinabi niya iyon habang nakatingin sa bintana.Nakaupo parin siya sa gilid ng kama ko.

"A-ano bang....pinagsasabi mo?"pag mamaang-maangan ko.𝑂ℎ 𝑛𝑜!𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎!Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.Uminit ang pakiramdam ko dahil sa hiya.

"Iyong kagabi,nakita mo pala kami.At hindi ko din alam na masasak--"

"Stop!bakit ka ba nagpapaliwanag?"

"Gusto ko lang sabihin na hindi ko gusto si Emily dahil may iba na akong nagugustuhan!"tumawa ako ng mapakla sa kaniya at umayos ng upo.

"Ano bang pinagsasabi mo?Narinig kong sinabi mo sa kaniya  na minahal mo siya noon!A-and besides,wala naman akong pake kung malaman ko na mahal mo siya!Hindi ba dapat ay maging masaya din ako para sa inyo dahil susuportahan ko kayo b-bilang kaibigan!"

"K-kaibigan...."paguulit nya sa sinabi ko at nagpatuloy, "kaibigan nga lang ba?ba't ka umiyak?ba't ka nasasaktan?"

"Anong nasasaktan?haha!WALANG TAYO para masaktan ako kung maghalikan man kayo ni Emily!Wala akong KARAPATAN para mag selos sa inyo,Ken!naiintindihan mo ba?Kung nakita mo.man ako kagabi na umiiyak ay hindi iyon para sayo!"pasigaw kong sabi sa kaniya.Why he look like beng hurt and broken?nasasaktan siya sa sinabi ko?

"Hindi ka n-nasaktan ng halikan ako ni Emily?wala lang pala ako sayo....but why Darius told me that you like me?"nakayuko nyang sabi sakin.Tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

"Alam mo naman pala eh?!bakit ka pa pumunta rito?!P-para ano?p-para...p-para ipahiya ako?!"sunod-sunod kong sabi sa kaniya at hindi ko na napigilang umiyak.Humagolhol ako ng iyak at inalo-alo niya ako pero lumalayo ako sa kaniya.Maya-maya ay tumayo na siya at naglakad papalayo tsaka huminto sa pintuan.

"Pinigilan ko si Emily sa nararamdaman niya para sakin.Pinutol ko na ang ugnayan ko sa kaniya dahil sayo"sabi niya at malakas na isinarado ang pintuan.Hindi ako nabigla sa pagkakasarado niya sa pintuan kundi nabigla ako sa huling sinabi niya.Umalingawngaw iyon sa isip ko bagay na ikinalito ng isip at puso ko.



********************

#𝐀𝐭 𝐌𝐲 𝐖𝐨𝐫𝐬𝐭

----𝐇𝐲𝐩𝐨𝐜𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐬

At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon