Nabalitaan ko na ngayon na aalis ng San Alfonso si Ken.Nabanggit ito ni mama habang kumakain kami kanina ng breakfast.Ilang araw na din pala ang nangyaring aksidenti kay Ken at ilang araw ko na din siyang hindi nakakausap at nakikita.Namimiss ko na siya pero ayaw ng mama nya na lumapit pa ako sa kaniya.Tama na ang isang sampal para gisingin ang diwa ko na against siya sa pagmamahalan namin ng anak niya.
Lalabas sana ako ng bahay ng makita kong nasa gate si Ken at papasok na ng bahay.Agad akong tumakbo pataas ng hagdan at mabilis na isinarado ang pinto.Napasandal ako sa pintuan habang hawak-hawak ang dibdib at pinapakiramdaman ang nagguhuramentadong puso.𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰?!
"Magandang araw po tita Tessie,tito Bernard."rinig kong sabi niya sa baba na agad namang tinugunan ng mga magulang ko.
"Nandito po ako para sana magpaalam sa inyo,ngayon na po kasi ang flight namin at ilang years din kaming mananatili roon"
"Ahh,ganun ba hijo?mag iingat ka ron ah?mamimiss ka namin"rinig kong sabi ng mama ko na sinundan ng hikbi at pilit na tawa.
"Basta wag mo kaming kalilimutan Ken ah?Para ka na rin naming anak.Have a safe flight"wika naman ni papa.
"Hinding hindi ko po kayo kalilimutan.a-ah,n-nasan po pala si...V?"pumanting ang taenga ko ng marinig ko ang pangalan ko ng tanungin niya ang mga magulang ko.
"Naroon siya sa kwarto niya,puntahan mo nalang hijo"tugon ni mama at sumunod non ay hindi ko na narinig ang pag-uusap nila.Malamang ay umaakyat na si siya ng hagdan.
Parang kay bilis ng bawat pagpitik ng oras sa mga sandaling ito.Bumibilis na din ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.Naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha ko ng magsimula na siyang kumatok sa pintuan habang tinatawag ang pangalan ko na parang nagmamakawang kausapin ko na siya.Napatakip ako ng bibig para walang lumabas na ingay sa mga labi ko habang tahimik na umiiyak.
"P-please,Bright....kausapin mo na ako please?lumabas ka na diyan....Bright"hikbi nito sa labas ng pintuan na mas lalong nagpasakit sa nararamdaman ko.Subrang sakit sa pakiramdam na ito na ang huli naming sandali sa isa't isa.At pagkatapos nito ay hindi ko na siya makikita,hindi na kami magkikita pa.Hindi ko na napigilan na humikbi bagay na marinig niya ako sa labas.
"V,ikaw ba 'yan?V mahal na mahal kita....mawala man ako sa tabi m-mo s-sana 'di ka parin magsasawang mahalin ako dahil hindi rin ako magsasawang m-mahalin ka.Magkalayo man tayo ng ilang milya sa isa't isa...h-hinding hindi kita kalilimutan....'Wag mo sanang isipin na mali ka dahil minahal mo ako,k-kasi.... nagmahalan lang naman tayo at kailanman ay hindi mali ang magmahal.Lipasan man tayo ng maraming taon pero itong puso ko ay sa iyo parin ito nakabaon,ikaw parin ang tinitibok nito."
" 'wag na wag kang magpupuyat,kumain ka sa tamang oras, a-alagaan mo ang sarili mo.Mauubos na ang oras ko....V..mahal na mahal kita.A-aalis na ako....paalam"basag na boses nitong sabi na parang umiiyak na rin.Alam kong naririnig niya akong humahagulhol sa loob.Ito ang pinakaayaw ko sa lahat,ang magpaalam sa isa't isa.Subrang sakit na parang gusto mong humiling na sana hindi mo nalang siya nakilala,sana hindi mo nalang siya naging kaibigan para sana hindi mo na siya minahal at hindi ka nasasaktan ng ganito kasakit.Gusto ko siyang pigilan,gusto ko siyang yakapin,gusto ko siyang i-𝘯𝘦𝘯𝘪𝘯 sa huling pagkakataon ngunit hindi ko siya kayang harapin kasi mahihirapan lang kami sa isa't isa,magihirapan siya lalong umalis dahil makikita niya ako kung gaano ako nasasaktan dahil aalis na siya,eewan niya na ako.
Rinig ko ang mga yapak niya,sinyales na bumababa na siya ng hagdan.Bawat hakbang na gawa niya ay unti-unti ring nagpapadurog sa puso ko na nalulumbay sa kaniya.Ayukong makita siyang humahakbang palayo sakin dahil hindi ko kakayanin.Parang gumuho ang lahat.Gumuho ang pag-asa ko na magkikita pa kami sa susunod na kabanata ng kwento namin.Hindi ko lubos akalain na ganito ang magiging kahahantungan ng storya naming dalawa.Maghihiwalay din pala kami sa huli.
Unti-unti na ngang nawala ang mga paghakbang niya sa hagdanan dahil nasa baba na siya at nagpaalam kila mama sa huling pagkakataon.Sa mga oras na yun ay hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon na makita siya sa huling sandali.Agad akong tumakbo sa bintana at dinungaw siya sa baba na papalabas na ng gate.Hindi ko na mapigilan ang mga hikbi ko.I want to call his name and say that i really love him too.And i will love him forever,no matter what.
I really missed him.I want to feel his warm hug again,i miss his sweet kisses.I miss his voice ,i want to hear him singing again for me.I want to see him smiling at me.But i hate to hear him saying goodbye and see him waving at me the time i was looking at him at the window and he were smiling back at me.Pagtapos,ay tuluyan na siyang umalis papuntang airport.
Napaupo ako sa kama dahil sa oras na to ay hindi ko na siya makikita pa.Kinuha ko nalang ang larawan naming dalawa na magkasama at mahigit itong niyakap sa ikalawang pagkakataon.Napakahirap tanggapin na wala na siya,na iniwan niya na ako....
"𝗢𝗞𝗔𝗬 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗢"iyan ang tangi kong sagot na sinasabayan ng pilit na ngiti sa mga nakakakita sakin na mugto ang mata.At ngayon ito na ang last na itinugon ko kay Darius at hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya.Agad niya naman akong niyakap ng makita niya akong humahagolhol na ng iyak.Nasa tulay kami ng 𝘓𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘓𝘶𝘩𝘢 at nakaupo kami sa unahan ng kotse nya sa labas at tinitigan ang araw na papalubog na ngayon.
Hinimas himas niya ang likod ko habang isinubsob ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"hush....ok lang yan.Nandito naman ako sa tabi mo.Iiyak mo lang 'yan"sabi niya sakin at umiyak ako ng umiyak habang kinakantahan niya ako at parang hinihile .
"H-hanggang-ngayon-nasasaktan parin ako.Miss na miss ko na siya.Darius a-ayuko siyang umalis pero wala akong magawa!"pagsusumbong ko kay Darius sa gitna ng mga hikbi.Para akong bata na nagsusumbong sa kaniyang ama dahil iniwan siya ng mga kalaro niya.
"Mahal-na-mahal ko siya.I was...I-i was afraid if he'll find someone like me,o-or better then me!.At hindi na kami magkikita pa!"hagulhol kong iyak.
"Mali ba ang umibig?Umibig lang ako pero bakit ganito yung bumalik na sukli sakin?Sakit,pagsisi,at kawalang pag-asa!"
"I HATE LOVE!I REALLY HATE!"pagsisigaw ko sa gilid ng tulay.Nasa kalagitnaan kami at walang makakapansin samin roon kaya ok lang na magsisigaw.
"Ngayon,isigaw mo'yung mga gusto mong sabihin,hanggang sa mapaos ka"nakangiting sabi ni Darius sakin sa gilid ko na nakatitig lang sakin buong oras.Tumango ako.
"ANG DAYA-DAYA MO!MANG-IIWAN KA!"
"FUCK YOU KEN ARBOLIDA!!!MAKAKALIMUTAN DIN KITA!!"
"SIMULA NGAYON,K-KALILIMUTAN NA KITA!ayuko na sayo!waaaaaaaaaaahhhhhhhhh!"pagsisigaw ko hanggang sa mapaos nga ako at wala ng lumabas na boses sa lalamunan ko.Natawa nalang kami ni Darius at siya naman ang sumunod sa pagsisigaw.Iyon ang ginawa namin,shouted out at the top of our lungs and laughe out loud the whole noon.
***********************
#𝐀𝐭 𝐌𝐲 𝐖𝐨𝐫𝐬𝐭
𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢!𝘛𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰!!!!!!!
𝘏𝘺𝘱𝘰𝘤𝘞𝘳𝘪𝘵𝘦𝘴
BINABASA MO ANG
At My Worst
Teen FictionBright and Ken are childhood friend,but what if,isa sa kanila ang ma inlove?mawawasak ba ang kanilang pinagsamahan at pagkakaibigan?o mag bubunga ito ng maganda at makulay na pag-iibigan? Let's find out!