Author's POV
"I'm ready," nasa kotse pa lamang ay pinag papawisan na ng malamig si alex, marahil sa kaba. Pero ang isinasaisip lang nito ay para sa kaniyang matalik na kaibigan na si angel.
Andito sila ngayon sa harap nang malaking companya kung saan ang nag mamay-ari ay ang lolo ni angel. Kung saan marahil ay andito rin ang dalaga.
"Stay cool. And goodluck" tumingin ito sa nakadamit na pang driver na si tyler. Bumaba na ito at pinag buksan siya ng pintuan ng kotse, nahagip pa nang mata ng binata ang pag tingin ng malaking lalaki sakanila.
Bumaba na ang dalaga mula sa bmw na kotse nito at sinuot ang dala-dala nitong shades. Naka suot ito ng itim na dress, mataas na heels. Kung tutuusin ay di mo na aakalain na isang pilyang babae at estudyante. Mukha itong sopistikada sa suot nito at kagalang-galang.
Hinarang ito ng isang malaking lalaki na naka black suit, "Who are you?"
"Excuse me?" tinaasan pa niya 'to ng kilay. Pero imbis na sumagot ay tinaasan rin ito ng kilay 'Aba! Antipatiko 'to ah!'
Inalis niya ang kaniyang shades, nilagay sa hand bag na dala niya at ginamitan niya ng pasweet na ngiti, "Don't you know who i am?" tiningnan pa niya ang kabuuan ng lalaki nang mapadako siya sa tagiliran nito at napalunok siya nung may nakita siyang baril na nakatago. Pero hindi niya 'to ipinahalata at matamang tiningnan ang malaking lalaki na nasa harap niya "I'm Alex Harper, the daughter of Gregory Harper, the heir of Harper Groups of Company. So now you know me, can you please get out of my way?"
Mabilis naman na umisod ito sa tabi at niyukuan, "I'm sorry Miss Harper" he can't blame the big guy 'cause his father is a well known businessman- and one of the richest in the country.
"Whatever" dali-dali itong pumasok na poise na poise.
Habang nangyayari naman ito, ay matamang nakatingin lang ang binatang si tyler sa loob ng kotse. Tinted ang kotse nito kaya marahil ay hindi naman siya kita ng mga tao sa labas.
Napapangiti pa ito ng marinig ang sagot ng babae kanina na humarang sakaniya ‘Kahit saan talaga ang maldita’. Lahat sila ay may earing piece. Isang hikaw na pwede sila makipag-usap na walang nakakahalata.
Habang si kyle naman ay nasa isa pang kotse sa likod ng malaking gusali at tntrace ang mga dapat dadaanan kung magkagulo man sa loob.
Marami ang hindi nakapansin nang pasukin ng apat na binata nung gabi ang gusali at nilagyan ito ng land bomb, camera, at kung ano-ano pang teknolohiya para macontrol nila ang lahat ng bagay na nasa loob ng gusali. Hindi rin mga nahirapan ang mga ito.
Habang ang binatang si renz ay naging mistulang janitor sa loob ng gusali. Marahil ay dumaan ito kung san madalas dumadaan ang empleyado, nalusutan din nito ang mga nag babantay tuwing may pumasok sa likod ng gusali at nakapang damit rin ito ng mga janitor kaya madali niya lang ito nalusutan. Hinawakan niya ang hikaw nito na di na makita dahil sa mahaba-haba nitong buhok, habang hawak-hawak ang isang mop at ang lalagyanan nito "I can see alex from here."
BINABASA MO ANG
I Got hired by a Gangster
حركة (أكشن)Ako si Angel Cortez, galing sa probinsya at nag hahanap ako ng pwedeng pag trabahuhan at para rin maka hanap ng scholarship. And yes, ang swerte ko dahil nakahanap ako parehas.. Malas lang kasi nagkaron ako ng malaMonster na amo, which is Ken Winsto...