And now, like we have a choice. Usapan ay usapan.
Andito kami ni ken sa kuwadra ng kabayo at sinusuklayan ko ang kabayo ni tyler habang si ken naman ay pinapakain niya ang mga kabayo nila na ginamit kanina.
"Hey are you done there?" tanong ni ken
"Malapit na"
At pinag patuloy ko ulit ang pag susuklay sa kabayo. Nakakatuwa lang na ang behave nila habang sinusuklayan ko sila.
"Ay kabayo!" nagulat ako ng bigla nalang may yumakap sakin mula sa likuran. At hindi na ako mag tataka kung sino ang taong un. Amoy palang, kilalang-kilala ko na.
"Aren't you done yet?"
Humarap ako sakaniya at nginitian siya, "Tapos na po" he smiled and gave me a peck on the lips. I blushed
"You're so cute angel"
Tumalikod ako sakaniya at nag lakad na palayo sakaniya. Ramdam ko ang mas mainit na pisngi ko dahil sa ginawa niya. Ba't ba siya ganon? Bigla nalang bumabanat! Hindi ako naiinform!
"Hey, where do you think you're going?"
"Kyaaa! Ken ibaba mo ako!" binnuhat lang naman ako ni ken na parang pang kasal at lumabas na kami ng kuwadra. Mag gagabi na rin naman, ilang oras din kami nag linis ng kuwadra ng mga kabayo. Loko-loko si tyler eh!
"Nope. No can do babe," then he winked.
Lord, bakit naman po ganto kagwapo ang naging boyfriend ko? Dapat hindi na po bago sakin ang mga ganto niya ah? Pero bakit naakit parin ako sa kagwapuhan niya? Hindi ko magawang masawa-sawa?
"Tsk. Kulit talaga. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang pinag mamasdan ko ang gwapo niyang mukha.
"Tabing dagat" and just like that, binaba niya na ako. Hindi ko napansin na andito na pala kami. Sa bilis niyang mag lakad, hindi ko na namalayan. Well, after all, he's a gangster.
Umupo siya sa buhangin at tinignan ako na naka tayo pa rin, he then patted the gravel, "Come sit" and I did.
Pinag masdan ko ang kapaligiran, tahimik, malamig, ganda ng view and especially, kasama ko pa ang love my life ko. San pa ako? Huminga ako ng malalim para masimoy ko ang hangin na hindi polluted. Ang sarap sa pakiramdam. Tiningnan ko ang lalaking katabi ko na tahimik at nakamasid sa palubog na araw.
Napapangiti nalang ako pag iniisip ko na ang taong to? Ang lagi akong sinasaktan physically, makakasama ko ngayon na hindi man lang kami nag babangayan at ang mas malala pa, nadaala siya sa charm ko. Haba nga ng hair ko eh, but I'm thankful kasi maalaga at mapag mahal siyang boyfriend. Just the way i liked it.
"You know what.." i looked at him with curiousity, pero ang layo pa rin ng tingin niya, "I never thought that I can still love after what happened with my mom". Ramdam ko ang lungkot niya habang sinasabi niya ang mga katagang yun.
"My mom is also a tough woman, she will never give up on anything as long as she knows that its worth fighting for," he looked at me and gave me a sad smile, "Just like you" and a tear fell from his left eye.
Lumapit ako sakaniya at yumakap, "I will never ever leave you, no matter what" yinakap niya ako pabalik. "I love you"
"Thank you for coming into my life, angel. I love you more" lumayo siya sakin ng konti para magkaharap kami at hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko, and we shared a kiss. A magical kiss with pure of love.
*
Kyle's POV
"Oh asan na ung dalawa?" tanong ko kina tyler na nag lalaro lang ng xbox kasama si alex.
"Hindi ko nga alam eh, kanina ko pa rin sila hinihintay dahil may iuutos ung master mo which is me, sakanila" binato ko nga ng unan. Loko loko talaga! Pinag linis ba naman kami ng mga kusina ng resort na to. Eh sa laki nito, hindi lang iisang kitchen? Madami.
Andito na kasi kami lahat sa living area, sina ken at angel nalang ang wala pa. Gabi na rin at wala pa rin sila, kakain na rin kami ng dinner.
"Sige guys, hanapin ko lang."
Tumango lang si alex at tyler. Palabas na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko, "I'm coming with you," si nikki. I just nod.
Saktong pagka labas namin may narinig kami na isang putok ng baril, nagka tinginan kami ni nikki. "Stay here. Call tyler and renz" she just nod.
Nang tumakbo na ako, ay narinig ko pang napalabas rin sina tyler, "Saan un? Kyle! San ka pupunta??" sigaw na tanong ni tyler. Pero hindi ko nalang pinansin at nag tuloy-tuloy sa pag takbo. Narinig ko na rin naman na sumunod na sila sakin.
Sinundan ko kung saan galing ang putok ng baril, at malapit un sa tabing dagat..
Habang tumatakbo ay iba ang kaba sa dibdib ko. Asan na napunta ung dalawa? At bakit may putok ng baril?
BINABASA MO ANG
I Got hired by a Gangster
ActionAko si Angel Cortez, galing sa probinsya at nag hahanap ako ng pwedeng pag trabahuhan at para rin maka hanap ng scholarship. And yes, ang swerte ko dahil nakahanap ako parehas.. Malas lang kasi nagkaron ako ng malaMonster na amo, which is Ken Winsto...