Chapter 9

2K 43 2
                                    

Angel's POV

Hay sumakit nanaman ulo ko ngayong araw, nakakainis talaga! Napatingin nanaman ako sa mga gamit ko na sira-sira. Lagyan ko nalang mamaya ng scotch tape ung mga pencil ko habang hindi pa ako nakakaSweldo.

Mamaya pa naman pasok kong 5, kaya pupunta muna ako sa Library para mag-ayos ng mga libro. Pag pasok ko sa library ay nakita ko si Zach na may binabasa

"Good afternoon Ms. Niel" bati ko

"Oh good afternoon din Hija" ngiti nitong sagot sakin 

"Wala pa namang gagawin ngayon Angel, you can read some book muna like Zach" pahabol nito

"Okay po, thank you"

Binaba ko muna ang mga gamit ko sa lalagyanan ng mga bag at kumuha ng libro about sa Architecture at umupo sa tabi ni Zach na hanggang nagyon ay nag babasa pa din at mukang di ako napapansin

"Hi Zach, mind if I join you?" tanong ko 

"Ikaw pala Angel! Sure" sagot nito at ngumiti, bumalik na rin ito sa pag babasa at umupo na ako sa tabi nito

"Ano yan Zach?" tanong ko, kasi mukang seryosong-seryoso siya sa pag-babasa eh. Hehe. Gusto ko sana mangulit pero baka magalit naman si Zach-zach.

"May homework kasi kami na kailangan namin mag basa ng isang article at kailangan namin iSummarize un bukas kaya eto"  sagot niya habang nakatutok pa din sa binabasa niya. Hay ang boring naman ngayon ni Zach (" - w -)

"Ahh. Anyway, may job na ako! Wiiiii! (^_^)" proud na sabi ko sakanya. Hehehe! Napatigil siya sabay tingin sakin

"Oh?? Saan?" tanong nito sakin

"K&E shop? Sa may mall un! Ung malapit na mall dito? Hehehe" 

"Ahh" sabay basa ulit

"Hindi ako makakasabay sayo pag-uwi kasi may trabaho pa ako mamaya eh" lungkot kong sabi sakanya

"Ahh, okay lang. Sunduin kita mamaya gusto mo?" Yiieeee. Kinikilig ako!!! (^__^)

"Talaga?! Hehe! Sige-sige! 9 tapos ng trabaho ko!! Punta ka ha!" 

"Sige"

Hehe! Ang saya naman! May mag susundo sakin, ang chwit ni Zach-zach ko! Hehehe! Habang nag hihintay ng oras ay tumingin tingin muna ako ng mga structure nung mga bahay, ung mga style ng bahay. Ang gaganda nila (*O*)

Nung nag 4:30 na ay nag paalam na ako sakanila. Nginitian lang naman nila ako at dumeretso ako sa locker ko para kunin ung uniform ko sa trabaho na malapit sa may gym. Habang kumukuha ako ng uniform ko a locker may naririnig akong bounce ng bola. 

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon