Chapter 35

1.5K 36 6
                                    

[A/N: B room is ung Meeting room nila ah. Or secret room ng blades, that's all. Enjoy reading :D]

Third's POV

Late umuwi si Ken sa kanilang mansion dahil na rin sa sugat na natamo nito. At ayaw niya rin makita ito ni angel na madalas ay hinihintay siya. Ayaw niya ito mag-alala pa.

Nang kinaumagahan ay hindi rin ito sumabay sa tamang oras ng pasukan nila dahil ayaw pa rin nito makita si ken na may bandage sa braso nito. Kaya habang nag kaklase ay dumeretso ito at pinatawag ang tatlo na pumunta sa B room.

Habang si Angel naman ay panay ang tingin sa katabi nitong upuan at nakalumbaba na tumingin ulit sa harap kung saan nag didiscuss ang prof nila. Sa isip-isip nito ay kung anong nangyari dito, dahil na rin sa hindi rin ito nakita mula kahapon na umalis sila. Nag hintay siya pero walang ken na dumating..

Kahapon rin habang lunch nila ay nabasag ang plato na hawak nito dahil na rin sa ibang pakiramdam niya ay natakot siya, dahil sa probinsya ay may kasabihan sila na pag may nangyari sa tao at iba ang pakiramdam mo at may bumagsak na bagay ay maaring may nangyaring kung ano sa espesyal na tao sa buhay mo. Kaya hindi siya mapakali hanggang ngayon dahilan na rin sa hindi pa rin ito pumasok.

Hindi naman niya maitatanggi na natutunan na rin niya ito mahalin at balak na rin niya ito sagutin.. Para saan pa ang pan liligaw ng matagal kung dun din naman sa lahat mauuwi? Malaki ang tiwala nito kay ken dahil sa mga pinapakita nito sakaniya.. Hindi lang pag-ibig kundi pati ang pag titiwala..

"Ken asan ka na ba?" lungkot nitong sabi. Kahit text ay wala rin itong natatanggap, kahit ang mga kaibigan ni ken na sina tyler, kyle at renz ay hindi pa rin niya nakikita. 'Ano ba talaga ang nagyari sakanila?' sa isip-isip niya.

Sa kabilang banda naman ay nag-uusap ang apat dahil na rin sa sugat na natamo ng apat, pero hindi naman ganon kasakit at kalala, ang malala lang ay ung sitwasyon ni ken dahil sa bendang nakaikot sa braso nito. "Kailangan ko alisin to!" inis na sabi ni ken sa tatlo

"Pag inalis mo yan, ikaw lang rin ang masasaktan" kyle

"At ano naman kung makita yan ni Angel?" tanong naman ni tyler kay ken

"Ayoko kasing mag-aalala siya. Sigurado ako baka sungitan nanaman ako nun, hindi ko kaya.." sagot nito sakanila

"Iba talaga ang inlove!" tyler

"Oo, iba ang nagagawa ng in love kaya mag girlfriend ka na. Ligawan mo na si alex" pang-iinis naman ni kyle kay tyler habang nakangiti ng sobrang lawak.

"Ewan ko sayo! Wag kang epal!" sagot naman ni tyler sakaniya

"Ken pano kung ipulupot mo nalang yang benda sa loob ng uniform mo. Kahit hindi mo na isabit yang kamay mo, pero baka masakit nga lang" suhesyon ni tyler 

"Oo nga noh! Salamat bro!" habang ngiting-ngiting sagot ni ken sakaniya. Napailing na lamang ang tatlo. Ibang ken ang pinapakita nito ngayon.. Malaki ang pinag-bago nito mula nang nakilala nito si angel. At masasabi ng mga ito ay 'they saw the better version of ken winston'.

***

Nag lalakad lang si angel papunta sa cafeteria. Wala rin ang mga kasama nitong si alex at nikki dahil iba ang schedule ng klase nila at hindi sila sabay sa break ngayon. Si Zach naman ay no where to be found kahit ang bagong transferee niyang kaibigan na si blue. Kaya mag-isa ito ngayon patungo sa cafeteria..

Nang papasok na ito ng cafeteria ay bigla ito nakarinig na malakas na tilian ng mga estudyante malapit sakaniya. Kung hindi siya nag kakamali ay baka isa sa grupo o ung mismong grupo ni ken ang nandito na, kaya dali-dali niyang hinanap ang tilian at nang tumingin ito sa likod, ung apat ang nakita niya. Pero nasa harapan si ken, ang kanina pa niyang inaantay. Nakangiti lang ito sakaniya habang nakatingin rin sakaniya, nakapamulsa at may dalang isang rose. May mga galos rin ito, pero mas nakadagdag dating rin nito sakanila.

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon