42

676 17 9
                                    

"She's at the Donovan bldg" binaba agad ni ken ang cellphone niya nang malaman niya galing kay renz kung asan si angel

Aalis na sana si ken nang pigilan ito ni kyle, "Saan ka pupunta?"

"Kukunin ko si angel!" kahit sino atang humarang o pumigil sa binata ay gusto nitong saktan!

"Masyadong delikado" pigil nang kaibigan niyang si kyle. Pero inalis niya lamang ang kamay nitong naka patong sa balikat ni ken.

"WALA AKONG PAKIALAM!" sigaw nang binata sakanila. Bubuksan na sana nito ang pintuan nang harangan yun ng isa niyang kaibigan na si tyler.

"Pre kumalma ka muna. Iniisip lang namin ang kalagayan mo," kalmadong sabi nito pero wala itong paki at parang wala itong narinig! Tinulak nang binata si tyler sa tabi pero hindi ito nag patinag! "UMAILS KA DIYAN!"

"Ayoko" matigas na sabi niya.

"SABI NANG UMALIS KA DIYAN EH!" sinuntok ni ken si tyler nang malakas hanggang napaupo to. Dumugo ang gilid nang labi nito. Sa isip-isip ng binata ay wala siyang paki kung ano mang mangyari sakaniya, ang alam niya lang ay kailangan siya ni angel ngayon.

"Cloyd!" punta naman ng kaibigan ni angel na si alexa sa tabi ni tyler at pilit tinitingnan ang duguan nitong labi. Tumawa lang ito na parang nababaliw at tumayo.

"GANYAN KA NA BA KAG*GO?! IKAW NA NGA ANG INIISIP NAMIN, IKAW PA ANG MAY KARAPATANG MAGALIT?!" suntok din ni tyler pabalik dito. "IKAW LANG ANG INIISIP NAMIN!" suntok muli nito dito.

Balak na sana gumanti ni ken kay tyler nang hawakan ito ni kyle pero pilit pa rin kumakawala sa higpit nang hawak nito dito. Aambag pa sana nang isa si tyler nang hawakan naman nito nang kanina pa nilang kasama na si zach..

"Tama na yan!" sigaw ni kyle sa dalawang gustong mag bugbugan

"HINDI NIYO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO!" sigaw ni ken sa mga ito, "KAILANGAN AKO NI ANGEL!" pilit mang nilalakasan ni ken ang sarili niya pero hindi pa rin niya mapigilan ang pag tulo nang luha nito. "SIYA NA LANG ANG BUHAY KO!" garagal nitong sabi nang bitawan na siya ni kyle.

"Para saan pa kami? Kung isasarili mo lang lahat yan?" kalmadong tanong ni tyler nang bitawan na din ito ni zach. Kalmado na itong naka tingin sa binata. "Andito kami ken para tulungan ka. At hindi ka namin hahayaang mag-isa" napatingin naman si ken kay tyler na ngayon ay seryosong nakatingin sakaniya.

"Kung nasasaktan ka, nasasaktan din kaming makita kang nag kakaganyan. Kaya hindi kami makakpayag na ikaw lang ang gagalaw. Kaibigan rin namin si angel at espesyal din siya samin, kaya wag mo sarilin ang problema dahil andito kami," huminga pa ito ng malalim. "Para saan pa ang matagal nating pag kakaibigan na kung mka asta ay para nang magkakapatid. For short, what are friends for?" napangiti nalamang ito at napa-iling sa sinabi ng kolokoy niyang kaibigan na minsan lang mag seryoso.

Tinapik ni kyle ang balikat ni ken, "Mag plano muna tayo"

"Tama si kyle. Masyadong delikado para sarilinin mo yun. Masyadong mautak si Don Donovas, sa isang iglap, pwede ka niyang patayin ng walang kahirap-hirap lalo nang madami itong tauhan," sabat naman ni zach ang mafia protector 'kuno' ni ken.

"Don Donovas?" singit na tanong naman ni alex habang nakatingin sakanila. Ngayon lang ito nakapa-salita muli dahil sa pagka gulat nang nangyri kanina. Habang ang isang kaibigan naman nitong si nikki ay nakikinig lamang.

"Lolo ni angel," sabat ni kyle. Hindi na nagulat ang mga lalaki dahil nasabi na rin naman ito ni zach kanina pa habang papunta sila sa hospital.

"Wait," napalapit si nikki at napatigin kay kyle. "How did it happen?"

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon