Chapter 1

3.6K 68 3
                                    

Angel's POV

Ako nga pala si Angel Cortez, 17yrs old. Galing ako sa probinsya namin, at ngayon ako'y mag lalakbay kung saan man lumalop ng mundo. Joke!

Pupunta akong Manila para naman makapag hanap ako ng matinong trabaho. At kung swerte mag hahanap narin ako ng university na kumukuha ng scholarship. Hindi niyo na maitatanong na Valedictorian ako nung High school ako, kaya sana nga makahanap ako. Wala na rin akong mga magulang, kakamatay lang nila at isa sa mga rason na kaya ako lumuwas dito sa Manila ay dahilan na rin na ako lang inaasahan ng dalawa ko pang kapatid na naiwan ko.

"Hay ang laki naman nitong Manila.. Saan ba ako mag sisimula??" ang unang sentence na lumabas sa aking bibig pagka baba ko palang sa Bus

Nag lakad-lakad lang ako sa tabi at tumitingin-tingin sa mga stall at nagbabaka sakali na nag hahanap sila ng empleyado. Kahit ung mga tipong waiter, taga linis sa kusina, kahit mga ganon lang.. 

Kinukuha ko na rin ung mga nakalagay sa poste na Job for Hire, makakatulong rin to noh at nag tanong-tanong na nga ako

At napunta ako sa Club

"Uhm. Excuse me po? Mag tatanong lang po sana ako.."

at tumingin sakin ung mukang masungit na babae na asa idad 30+ na at parang clown sa kapal ng make up

"Ano un??"

"Baka lang po nag hahanap po kayo ng Waiter o kaya po kahit taga linis lang po ng Club niyo?" ngiti ko pang tanong sakanya

Pero tiningnan niya lang ako ulo hanggang paa habang ngumunguya ng bubble gum

"Wala na kaming bakante. Pero nag hahanap kami ng dancer, baka gusto mo? Maganda kita dun at mukang okay naman yang katawan mo" 


tumingin muna ako sa loob ng bar at nakita ko ung mga nag sasayaw O.O

Mga nka bra at panty lang ang suot! Susko po!

"A-ay! H-hindi na po. Maraming salamat nalang po!" with hand gesture pa yan


at ayun nga, umalis na ako. Grabe naman.. Kadiri. YUCK!

"Hay ano ba naman un! Gagawin pa ata akong bayaran! Ay ano ba yan! Saan ba ako pwede??"

napansin ko rin na mag gaGabi na, kaya nag hanap nalang muna ako ng pwedeng matutuluyan.. Napadaan ako sa may eskinita at may narinig akong lalaki na humihingi ng tulong, kung kaya't lumapit ako dun pero sumilip muna ako.

"T-tama na po, p-please" sabi nung naka higa na lalaki

"Paki ulit? Wala akong marinig eh" at sinipa ang lalaking nka higa sa tiyan

Dalawang lalaki ang nam bubugbog sa nakakaawang lalaki na naka higa na at puro dugo na

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon