Chapter 23

1.7K 34 2
                                    

Angel's POV

Lately you've been questioning

If i still see you the same way

Cause through these trying years--

Lex Calling..

"He--"

"Waaaa! Gel!! Its my first day!!"

"Ang aga-aga ang hyper mo. Saan naman?"

"Ano ka ba Gel! Sa winston!!"

"Ano?!" napamulat ako at napa-upo

"Diba nasabi ko na sayo un??"

"Aish. Oo nga pala" napahawak ako sa ulo ko. Oo nga pala, dun siya mag-aaral. Ang late naman, tsk. Basta mapera tatanggapin nila..

"Osige na! See you gel! Love you"

-end call-

Napatingin ako sa paligid. Dito nga pala ako pinag pahinga ni Ken sa room niya, anong oras na ba?? Tiningnan ko phone ko, 6:30 na pala! Dali-dali akong bumaba ng kama at tiningnan kung okay na ba ung paa ko, satingin ko naman ay okay na. Siguro nilagyan niya to ng gamot habang tulog ako. Napangiti ako bigla. Hinanap ng mata ko si Ken na natutulog sa couch, nilagyan ko siya ng kumot at duneretso na sa baba.

Pagka dating ko sa may kusina ay hinanap ko si manang, pero parang ako lang ata tao dito sa bahay? Makaluto nalang nga ng breakfast namin, pero napansin ko ang papel na naka dikit sa may ref 'Angel, pinag leave muna kami ng young master mo. Alagaan mo muna ang alaga ko ah? Mag ingat kayo at Ikaw na bahala sakaniya :) -Manang esme' may pasmile faces pang nalalaman si manang, hehe cute.

Nag labas na ako ng spam at itlog, okay na siguro to, breakfast lang naman eh. Pagka tapos ko mag-luto, kumain at naligo na ako. Bago ako umalis, nag timpla na ako ng kape at nag-iwan nalang ng sticky note.

Malapit na ako sa may school ng may nakita akong grupo ng lalaki na pinag kakaisahan ung isang lalaki. Tinutulak-tulak nila ito at mukhang hindi ito taga school namin..Mukha siyang nerd, bakit nerd? Kasi naka eye glasses ng malaki at naka brace. Nakakaawa talaga ang itsura niya ngayon. Kaya bilang isang matapang na nilalang, hindi ako nag-sayang ng oras at lumapit sakanila,

"Hoy! Anong ginagawa niyo sakaniya?? Ha?!" sigaw ko sa limang lalaki na malalaki habang palapit sakanila

"Miss wag ka ng mangialam dito" sabi nung isang bakulaw

"Anong wag mangialam?? Kawawa na nga ung tao eh!" sigaw ko pabalik sakanila at tiningnan ung lalaki na nakahiga na

"Miss wag kang pakielamera! Hindi kami nanakit ng babae!" sigaw niya pabalik sakin. Medyo kinabahan na ako nun, kaya lumapit ako sa lalaking naka higa, mukhang okay pa naman siya kaya itinayo ko siya at bumulong sakaniya, 'okay ka lang ba?' pag tatanong ko sakaniya, naramdaman ko naman siyang tumango. Bumaling ang atensyon ko sa mga bakulaw,

"Maawa naman po kayo samin, please" pag mamakaawa ko sakanila. Habang nag sasalita sila ay bumulong muli ako, 'pagka sabi ko ng GO, tatakbo tayo. Okay?' muli, naramdaman ko nanaman siyang tumango.

"Aba't di ka talaga aali--"

"GO!" hinila ko na siya papalayo sa mga bakulaw. Tumingin ako sa likuran ko at hinahanol nila kami,

"HOY!! TUMIGIL KAYO!! LAGOT KAYO SAMIN PAG NAABUTAN NAMIN KAYO!!" narinig kong sigaw ng isa sa mga bakulaw.

"Kaya mo pa?" pag tatanong ko sa lalaki habang tumatakbo ng mabilis, "O-opo" sagot niya. Sakto may nakita akong isang maliit na eskinita kaya dun kami dumaan at nag tago sa mga malalaking puno,

"Aish! Asan na ba ung mga un??" rinig kong sinabi nung isa,

"Bwisit! Okay na un eh! Pinakialaman pa ng babaeng un! Bwiset! Tara na nga! Nag sasayang lang tayo ng oras.." sagot naman nung isa. Narinig ko naman na umalis na sila kaya sumilip muna ako para makasigurado,

"S-salamat po ah" sabi nung nerd guy, kaya napalingon ako sakaniya na naka tungo

"Okay lang un, ano bang kailangan nila sayo?" pag tatanong ko habang andun parin kami at nag tatago sa puno, "Ah-eh madalas po kasi nila ako pag tripan. A-ako nga p-po pala si Blue" pagpapakilala niya.

"Ahh, angel-angel cortez. Nice to meet you Blue" at nginitian ko siya, gayon din naman siya. Tumingin muna ako sa paligid bago kami umalis sa pinag tataguan namin at baka bigla kaming makita. Nung okay na naman, hinila ko na siya palabas sa pinag tataguan namin, "So saan ka nag-aaral?" pag tatanong ko habang nag lalakad

"Sa Willford Univ" saan un? At mukhang nabasa niya naman ang nasa isip ko, "limang kanto lang hanggang Winston univ, dun ka nag-aaral diba?" tumango lang ako bilang sagot.

"Anong year mo na?" pag tatanong ko sakaniya, kasi mukha siyang bata pa eh, "first yr college" eh? Bakit parang ang bata pa niya? Pag cnompare mo ako at siya ay mukha niya na akong ate

-___-

"Oh? talaga? Parang hindi naman, haha! Anong course mo?"

"IT" tumango nalang ako, "eh ikaw?" pag tatanong niya,

"Archi. Blue hatid na kita ah?" gentlewoman ako eh, hehe. Tumango siya, "salamat ha. Pero baka malate ka"

"Ahh okay lang un! Late na rin naman eh, haha" nginitian niya ako. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa harap ng school niya, and I must say na malaki at maganda rin 'to. Mas malaki lang ng onti ung Winston.

"Salamat ulit angel ah? Bye" nag wave na siya at pumasok na. Nag wave na rin ako at dumeretso na sa school ko.

Pagka pasok ko ng gate ay nakita ko nanaman na may pinag kakaguluhan, aino pa ba? Tsk. Nilampasan ko lang sila at papaakyat na sana sa hagdan ng biglang may humila ng braso ko, kaya napatingin ako sa hinayupak na humila ng braso ko

"K-ken- este y-young master"

"Where have you been? Bakit ngayon ka lang pumasok??" galit ba siya? Bakit ganyan siya kung mag tanong?

"A-aray! Nasasaktan ako.." napapangiwi ako sa higpit ng hawak niya. Hinila naman niya ako papunta dun sa meeting room ng blades at sinara ang pinto sabay bitaw sakin,

"Ano ba problema mo??" pag tatanong ko sakaniya, eh kasi naman ang oa niya eh! "Ikaw ang problema ko!!" sigaw niya sakin,

"Eh ano bang ginawa ko?!" pasigaw ko pabalik sakaniya. Nakita ko naman siyang huminga muna siya ng malalim na para banag cinocontrol ang inis niya, "basta! Mag ingat ka nalang!" sabay labas. Ano bang problema niya? Nakakapagod na nga ung takbo ko kanina, isipin pa na kakagaling lang ng paa ko sa bali ah! Tapos papag isipin pa niya ako ng problema niya, tsk. Kainis!

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon