"Lolo, pwede po ba muna ako mamasyal sa mall?" kinakabahang tanong ko kay lolo ng bigla itong tumingin sakin. Wala etong emosyon na nakatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit parang laging galit sakin si lolo.
Wala rin ako matandaan bago ako napunta sa hospital. Nung tinanong ko ung mga kasambahay dito noon kung anong nangyari sakin at nasa hospital ako, ang sabi nila sakin ay na aksidente daw ako at tumama ung ulo ko sa matigas na bagay. Pero siguro naman babalik rin ung mga alaala ko kasi napapanuod ko un sa mga teleserye. Siguro nga masyado lang napasama ung tama sa ulo ko.
Tumango lang naman si lolo sa mga bodyguard na laging nakasunod sakin. Madalang lang ako kausapin ni lolo at kung kausapin pa ako, iilang salita lang then, wala na. Hindi ko alam kung nagalit ba siya kung ano mang ginawa ko bago ako maaksidente dahil sa kapabayaan ko. Minsan iniisip ko kung ano bang ginawa ko at parang laging galit sakin si lolo, pero pag pilit kong tinatandaan, sumasakit lang ulo ko kaya hinahayaan ko nalang. Ung mga bodyguard ko naman tumango lang kay lolo, nakakainis sila! Kahit hanggang pag tulog ko nasa labas sila ng kwarto ko at nakabantay. Para nga akong kriminal na kailangan laging bantayan bawat kilos. Nakakairita!
Napangiti ako sa sinagot ni lolo, "Thank you po, lo!" nang lalabas na sana ako ng office ni lolo ay agad niyang tinawag pangalan ko kaya agad akong humarap sakaniya, "po?"
"You need to be here before 6. I want you to meet someone important," nag tatanong napatitig lang ako kay lolo nang bigla muli siyang nag salita. "And dont you dare talk to strangers. You may leave," masungit niyang pahayag.
Napakamot nalang ako sa ulo. Para nanaman akong bata sinabihan ni lolo ng 'dont talk to strangers' na yan! Hindi naman na ako limang taon. At sino kaya ung someone important na yun ni lolo?
*
Nag lalakad-lakad lang ako dito sa mall, actually nakaka-ilang kasi pinag titinginan ako ng mga tao. Bakit hindi, eh ung anim na bodyguard na laging nakabantay sakin na nakasuot pa ng suit and tie ay parang mga sumasali ng WWE ung mga katawan. Ang lalaki!
Actually pag tinitingnan ko ung mga bodyguard kong 'to na laging nka suit and tie, parang may pilit inaalala ang utak ko. Parang - ay ewan! Kung pilit kong isipin sumasakit lang ulo ko!
Nang tinamad ako mag lakad, pumunta naman muna ako sa isang restaurant. Chinese restaurant, nang matapos akong mag-order ay tumingin ako sa paligid at halos lahat ng customer nakatingin sakin. Ung iba nag lipat ng lamesa na malayo sakin. Ano ba yan! Eto naman kasing mga malalaking lalaking 'to, hindi man lang mapagod sa kakatayo! Nakapalibot p'to sa lamesa ko na nka talikod.
Kinuhit ko ang isa na nakatayo sa tabi ko at nakatalikod, agad naman itong tumingin sakin. "Kuya laki, ayaw niyo umupo? Hindi ba kayo napapagod tumayo?" binalik niya ung tingin niya sa paligid at parang kumausap lang ako ng hangin. Ni hindi man lang sumagot, pfft.
"Hmm, ang sarap naman n'to!" parinig ko sakanila, pero walang effect! Eh di wow!
*
Nang matapos akong kumain ay muli akong nag-ikot, pero habang nag-iikot kami ay biglang sumakit ung puson ko. Sasabog ung pantog ko!
"Mga kuya laki, punta lang akong cr," tatakbo na sana ako pero hinawakan ako sa kabilang braso nung isa.
"Miss, sa bahay na ho." Kung hindi lang sumasakit ung puson ko baka nasuntok ko na 'to! Anong gusto niya maihi ako sa underwear ko?!
"Kuya laki, ihing-ihi na ako! Ano ba!" para pa silang natataranta na tumitingin-tingin sa paligid, bago tumango sakin. Agad naman akong tumakbo malapit sa may cr. Napatigil naman agad ako bago pa tuluyang makapasok, "Don't tell me susunod pa kayo dito??" nanlalaking matang tanong ko sakanila.
Nagkamot naman sila ng ulo. Kita mo nga naman! "Dito lang ako sa cr, wag kayo praning. And can't you see? Madaming nag ccr oh! Tss" tuluyan na akong pumasok sa cr. Nakakaloka!
*
Nang makalabas na ako ng cubicle ko, ay agad akong pumunta sa sink para mag hugas pero hindi ko maiwasan hindi maconscious nung may nakatitig saking babae sa may salamin.
Simple ko lang siyang nginitian. "Uh, may problema ba?" tanong ko.
Agad naman siyang napaayos ng tayo, "Oh! Sorry to be rude, its just that you remind me of someone that is very special to me."
"Its okay. Uhm, kamukha ko ba siya?" nacurious ako bigla. Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako nagkaron ng chance makausap ng ibang tao bukod sa mga tao na nakatira sa mansion ni lolo. Ni wala nga ata akong kaibigan kasi wala namang bumibisita sakin.
Ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki, "Yes! Very!"
Mag sasalita na sana ako ulit ng bigla namang may lumapit na babae samin at bigla akong niyakap! "Girl, i missed you so much!" nanlalaki namang napatingin ako dun sa yumakap sakin. "Excuse me? Do I know you?" weird.
Bigla naman siya hinila nung isang babaeng kausap ko kanina, "Ano ka ba." Pabulong niyang sabi pero rinig ko naman.
"Oh! I'm sorry!"
Alanganin ulit akong ngumiti sakanila, "I guess someone you also know that looks like me?"
"Yeah," tumamlay ung tono ng boses niya pero nakita ko naman na siniko siya nung isang babae na kausap ko kanina. "Uhm, well, we haven't introduced ourselves. I'm nikki and this my friend right here is alex" nilahad pa nila ung kamay nila.
Nikki? Alex? Bigla ako napahawak sa ulo ko, who are they? Bakit, bakit parang familiar- na parang i've already seen them before. Ang sakit! Eto nanaman ung sakit! Ugh!
Agad namang lumapit sakin ung dalawa at inalalayan ako, "Are you alright?" tanong nung nikki.
Marahan akong tumango. "I'm sorry.. Are you sure that we just met, now?" Nagkatinginan silang dalawa at mabilis silang nagtanguhan. "Oh, okay. I just thought na matagal na tayong magkakilala?"
"What do you mean?" tanong nung alex.
Sabihin ko ba? Hindi pa naman kaming ganon magkakilala, pero wala namang mawawala. "Uhm, you see I'm still adjusting with the memories i have. H-hindi ko kasi maalala ung iba."
"Ohh."
Tumayo na ako ng deretso kahit medyo sumasakit pa ulo ko, "Uhm, angel. My name is angel, nice to meet you both but, i really have to go." tumalikod na ako sakanila pero bago ako tuluyang lumabas ay tinawag ako nung alex.
Humarap naman akong nakangiti, "Yes?"
"Uhm, take care!"
"Thanks. You too, alex and nikki!" i waved goodbye.
Its so weird, their names, its very familiar. I just dont know when or where did i hear it. Ugh! This pain is killing me!
BINABASA MO ANG
I Got hired by a Gangster
ActionAko si Angel Cortez, galing sa probinsya at nag hahanap ako ng pwedeng pag trabahuhan at para rin maka hanap ng scholarship. And yes, ang swerte ko dahil nakahanap ako parehas.. Malas lang kasi nagkaron ako ng malaMonster na amo, which is Ken Winsto...