Hi Silent Readers :),
Mag comment and vote naman kayo please, thank you! ^__^
***
Angel's POV
Tita Calling...
Hay. Ang aga-aga pa may tumatawag agad sakin.. Minsan lang kasi may tumawag sa cellphone ko, meron nga lang atang number ko ay ung tita kong nasa probinsya na nag babantay sa mga kapatid ko, dalawa kong best friend at si Zach.
Hindi ko na tiningnan kung sino ung tumatawag at basta-basta ko nalang sinagot
'Hello po?'
'Angel hija?'
'po?'
'Hija, pasensya na kung naistorbo kita ng ganto ka aga ha? May masamang balita kasi ako sayo..'
'ano po un?'
'Hija may nangyari sa kapatid mong si Kyla, nadala kasi siya kanina sa hospital'
'po?! Ano pong nangyari??' napamulat ako sa sinabi ng Tita ko at napaupo sa sobrang gulat at kaba
'Nagka sakit kasi siya at kailangan ng medyo malaking pera para mabayaran ung mga kailangan niya dito sa hospital. Pasensya na rin kung ngayon lang kita natawagan, wala na kasi akong mahiraman pa ng pera dito..'
'pero ngayon po, okay na po ba siya??'
'okay nanaman siya. Pero nka confine pa rin dahil nanghihina pa. At dahil na rin sa hindi pa kami nakakabayad'
Naka hinga ako ng maluwag sa binalita ni tita na okay naman ang kapatid ko. Kasi hindi ko na kakayanin kung pati ang kapatid ko mawala pa sakin..
'tita mag kano pa po ba ung kailangan bayaran?'
'Mga 8,750 hija. Pasensya ka na talaga ha..'
'okay lang po tita, ako nalang po gagawa ng paraan. Paki bantayan nalang po si Kyla at ung isa pa pong bulilit diyan, pasabi na rin po na mahal na mahal ko sila'
'sige hija. Maraming salamat, ibaba ko na ah. Mauubos na rin ung pantawag ko eh'
'sige po, ingat po kayo diyan. Salamat rin po'
-end call-
Hay, hindi pa rin ako nkaka bili ng gamit ko na nasira, kailangan ko pa mag bayad ng inupahan kong tirahan, ung mga pagkain ko pang araw-araw at nadagdag pa ung sa hospital ng kapatid ko. Hala na! Ano na tayo Angel? Hayy.
BINABASA MO ANG
I Got hired by a Gangster
AksiyonAko si Angel Cortez, galing sa probinsya at nag hahanap ako ng pwedeng pag trabahuhan at para rin maka hanap ng scholarship. And yes, ang swerte ko dahil nakahanap ako parehas.. Malas lang kasi nagkaron ako ng malaMonster na amo, which is Ken Winsto...