"Renz" napatingin naman ung anim na nag tutulungan para mapasok nila ako sa van, "sh*t!" singhal nung isa sa mga gustong dumukot sakin.
Binitawan ako nung apat at hinarap nila si renz. Ano ba to? Kaya niya ba tong mag-isa? Asan na ung tatlo pa niyang laging kasama? "renz please mag iingat ka!" sigaw ko sakaniya. Sinimulan na nila sugudin si renz. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Nasasaktan na ako sa hawak nila!
Dahil na rin sa kanina pa ako kumakawala, nanghihina na rin ako. Kaya madali ako napasok nung dalawang naiwan sakin, isinakay ako sa sasakyan at sinara ang pinto. Pumunta sa driver seat ung isa at nasa tabi ko naman ung isa. Bago pa man mapaandar ung van, sinabunutan ko ung mag drive at sinasalpok ang ulo niya sa manebela dahil un lang naman ang magagawa ko, para mapigilan siya mapaandar ang sasakyan pero hinahawakan ako sa bewang nung isa kaya agad ako napasandal. Sasampalin sana ako nung isa, pero bago pa niya magawa un ay bumukas ung pinto ng van at hinila ni renz palabas ung lalaki. Sinuntok niya ung lalaki kaya napahiga ito, "renz!" tawag ko sakaniya kaya napatingin sakin si renz at akmang hihilahin na ako palabas ng van pero sinuntok siya nung lalaki. Akmang baba na rin ako pero hinawakan ako nung lalaki na nasa driver seat sa braso kaya di agad ako nakaalis at pinaandar niya na ung sasakyan.
"ANGEL!!" narinig kong sigaw ni renz, pero hindi ako makaalis dahil hawak pa rin ako nung lalaki, habang ung isa naman niyang kamay ay nasa manubela, "wag kang malikot!" sigaw sakin. Pero pilit ko pa rin tinatanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya, "bitawan mo na kasi ako!!" sigaw ko pabalik sakaniya. Napapangiwi na ako sa sakit. Habang pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan may narinig akong pumutok, "sh*t!" singhal nung lalaki.
TUG!
Nung nabitawan ako nung lalaki ay di na ako nag dalawang isip at tumalon na ako sa van. Naramdaman ko nalang na nag pagulong-gulong ako habang may narinig akong sumabog at sumalpok na ako sa bato. Bigla nalang nag dilim ang paningin ko.
***
Renz POV
Palabas na ako ng school at napansin ko si angel na nag lalakad. Tatawagin ko sana siya para ihatid nalang siya sakanila dahil gabi na rin, pero may napansin ako na pag labas niya ng school gate ay may naka sunod sakaniyang lalaki. Masama ang pakiramdam ko. Kaya dali-dali akong pumunta sa kotse ko at pinatakbo ito. Pag labas ko palang ng school gate ay nag palinga-linga ako pero 'di ko na nakita si angel "ugh!".
Tinuloy ko ang pag hahanap ko. Ilang minuto na rin akong paikot ikot pero nung madadaanan ko ang isang madilim na parte ay nakita ko na may van na puti na humarurot, kaya sinundan ko ito at dun ko nakita na may tatlong nakahawak kay Angel, at may tatlo pang bumaba na lalaki at pilit pinapapasok si Angel sa van. Kaya di na ako nag aksaya ng oras at bumaba na ako.
Binitawan nung apat si angel, may natira pang dalawa pero hinayaan ko muna. Narinig ko naman na sumigaw si angel, pero hindi ko na ito nagawang tingnan dahil sinugod na ako nung apat. Susuntukin sana ako nung isa pero nakailag ako at inunahan ko siya ng suntok, ung isa ay sisipain sana ako pero umatras ako kaya hindi niya ako natamaan at siya ung sinipa ko ng malakas. Inunahan ko na ung dalawa ng suntok kaya agad naman silang napahiga. Pero nung papunta na ako sana sa van, biglang tumayo ung isa sakanila at inilabas ang balisong. "Papatayin na kita ngayon Prince renz of blades, tss" sabay dura niya. Napangisi nalang ako "make sure na matatamaan mo ako". Kaya sinugod niya na ako, pero iwas lang ako ng iwas. Nung umilag ako patabi at dumaan sa harap ko ung braso niya at balisong ay agad ko naman hinawakan ung wrist niya at sinuntok ang siko niya kaya ang nangyari ay nabitawan niya ang balisong at nabali ko ung braso niya. Napaluhod naman siya kaya sinuntok ko na siya ng malakas. Ganon din ang ginawa ko pa sa tatlo, nung tulog na silang lahat ay tumakbo ako sa van at binuksan iyon, nakita ko naman na umiiyak na si angel kaya hinigit ko palabas ung lalaki at sinuntok ng malakas. "renz!" tawag sakin ni angel, nung akmang kukunin ko na siya para makababa, nasuntok naman ako nung lalaki 'sh*t!'. Napahawak ako sa pisngi ko, "malakas ka ha". Binigyan ko siya ng sobrang lakas na suntok, at bago pa ako makalapit ulit sa van ay bigla ito humarurot sa bilis, "ANGEL!!" sigaw ko pero masyado na silang malayo, kaya sumakay agad ako sa sasakyan ko at hinabol ang van, nilabas ko ung walther ppk with silencer kong baril at tinarget ung gulong para mapabagal sila ng takbo. Nung mabaril ko na ay pilit pa rin nito pinapaandar ng mabilis, kaya binaril ko pa ung isa. Saktong pagka baril ko ay tumalon si angel mula sa van kahit mabilis pa itong tumatakbo. Kaya hininto ko agad ung kotse ko, kasabay naman nang pag ikot ng van at pagsabog nito.
Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at pumunta kay angel na ngayo'y wala ng malay. Hinawakan ko siya at nagulat ako nang may nakitang dugo mula sa ulo niya "sh*t angel!". Binuhat ko agad siya papunta sa sasakyan at dumeretso na sa hospital. Tinawagan ko na rin ung tatlo na pumunta nalang dun.
***
"Doc kamusta na po si angel?" pag tatanong ko namg makalabas ang doctor sa ER.
"She's already fine" nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig un mula sa doctor, "and she is one lucky girl dahil hindi malala ang pagka bagok niya. At buti hindi siya nagkaron ng blood clot sa ulo. She just need rest" tumango nalang ako nag pasalamat.
Ilang minuto pa ay sunod-sunod dumating sina Ken, "is she okay now??" pag tatanong ni Ken. Halata naman sa mukha niya na nag-aalala siya, tsk. Inlove na to! Pero bakit kay angel pa? Hay. Tumango ako bilang sagot.
"Bro! Anong nangyari??" pag tatanong ni Kyle.
"Nakita kong may naka sunod kay angel pagka labas ng school, masama ang lakiramdan ko kaya sumunod ako at tama nga ang hinala ko. Pilit nilang isinasakay si angel sa van kaya di na ako nag sayang ng oras. Pero ung isa naka takas kasama si angel kaya hinabol ko, sakto naman na tumalon si angel sa sasskyan at tumama sa bato kaya nawalan ng malay"
"Sino satingin mo ang may gawa nito?" pag tatanong ni Tyler.
"Satingin ko ang mga black scorpion dahil sila lang naman ang kumakalaban satin"
"Bakit si Angel?" tanong ni tyler. Kaya napaisip kami sa tanong niya, ba't nga ba si angel? Hindi kaya dahil ka--
"Because of me" sagot ni ken na may seryosong-seryosong mukha.
"Tama! Dahil leader ng blades si ken at alam nilang ito ang pinaka malakas kaya kinukuha nila ung babaeng mahalaga o clise kay ken" pag eexplain ni Kyle
"Pathetic" bakit kailangan pang may madamay na tao? Bakit si angel pa? Ugh! Ngayong araw ay may namatay, at un ung kasama sa pag sabog.
"This is all my fault" bulong ni ken sa sarili sabay upo at hilamos ng dalawang palad niya. Napailing nalang kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
I Got hired by a Gangster
AksiAko si Angel Cortez, galing sa probinsya at nag hahanap ako ng pwedeng pag trabahuhan at para rin maka hanap ng scholarship. And yes, ang swerte ko dahil nakahanap ako parehas.. Malas lang kasi nagkaron ako ng malaMonster na amo, which is Ken Winsto...