Ken's POV
Nakita ko ang text na pinadala samin nung isa naming tauhan at nag-init agad ang ulo ko, kaya ngayon papunta na kaming apat sa hide out ng mga blades kung saan namin sinasanay ang mga tauhan namin.
Pagbaba ko palang ng kotse ko ay nakita ko na agad ung mga tauhan namin, at nakita ko ung tatlong miyembro namin na ginagamot na ang mga sugat. Tumayo ako sa gitna para makita nila akong lahat.
"Kayong lahat! Wag niyo papairalin yang katangahan niyo kung ayaw niyo mag mukhang mahina sa harap ng kalaban! Kaya namin kayo tntrain mabuti para maging malakas! Ikaw *sabay turo sa isa sa mga tauhan ko* kalabanin mo ako!" sinugod agad ako ng suntok ng tauhan ko pero naka ilag ako, suntok lang siya ng suntok pero iwas lang ako ng iwas, nung medyo napagod na siya tsaka ko siya sinuntok "kung makikipag laban kayo! wag niyo idaan sa init ng ulo! Wag niyo ibigay ang buong pwersa niyo!" sigaw ko sakanila. Tumayo ulit ung tauhan ko, pagka tayo niya, sinipa ko agad siya sa tagaliran, umikot ako at siniko siya sa may batok pero tumigil ako bago ko man ibigay ang malakas na pwersa na pwede niya ikahimatay "ganyan ka lang kadali pabagsakin ng kalaban mo! Mag train ka pa! Ang hina mo!" sigaw ko dun sa tauhan kong kinalaban ko. Lumayo na ako sakaniya at pumunta dun sa tatlo
"Inaayos niyo ba ung pag tuturo diyan sa mga yan?!" galit na tanong ko kay Tyler
"Oo naman bossing"
"Eh ba't ang hihina?! Tss. Kaya nabubugbog eh!" sabay labas sa may hide out, sumakay ulit ako sa sasakyan at pinaharurot ko ito. Dumeretso ako sa bahay para makapag train ako sa gym namin.
Habang sumusuntok ako sa punching bag, hindi ko maiwasan isipin ang nakaraan, habang iniisip ko lalong lumalakas ang mga suntok ko.
flashback (11yrs ago)
"Hello bata.." sabi nung isang lalaki na may kasama pang dalawang lalaki"Hello po" sagot ko naman habang naglalaro ako sa labas ng bahay namin
"Andiyan ba si Mommy mo?"
"Opo, asa loob po. Nag c-clean po siya"
"Eh si Daddy mo?"
"Wala po siya eh, nasa job po"
hinawakan ako ng mahigpit nung isang lalaki at pinasok ako sa loob, habang umiiyak na ako sa sakit ng pagkaka hawak sakin
"Mommyyyyy!!!" habang iyak ako ng iyak
"Anak?!" sigaw ni Mommy
nung nakapasok na kami sa loob, binitawan ako nung isang lalaki at tumakbo ako kay mommy. Nakayakap lang ako sakanya dahil sa takot
"Sino ba kayo?! Anong ginagawa niyo dito!?" tanong ng mommy ko sa mga lalaki
"Mrs. Winston alam mo ba kung bakit kami nag kakaganito?? Nasira ang pinag hirapan namin buong buhay namin dahil sa magaling mong asawa! Kaya ngayon, mag sisi siya sa ginawa niya samin!!"
BANG!
"MOOOOOOOOOMMY!!!!" sigaw kong hagulgol sa babaeng nasa harapan kong punong-puno ng dugo
"M-mahal k-kita K-ken" habang nag aagaw buhay ang babaeng nasa harapan ko ngayon
-end-
Walang patawad nilang pinatay ang mommy ko! Sa hindi malamang dahilan.. Kaya siguro ako nagkaka ganito, dahil gusto ko pag higantihan ang mga taong gumawa nito samin! Nilabas ko lahat ng galit ko sa punching bag na sinusuntok ko hanggang mawalan akong lakas at patuloy ang pagkawala ng luha ko. Habang inaalala ko ang mga nangyari hindi ko maiwasan magalit, malungkot at mag halo-halo ang nararamdaman ko lalo na nung maalala ko ang mga huling salita na sinabi ng Mommy ko ang 'Mahal kita'.
BINABASA MO ANG
I Got hired by a Gangster
AksiyonAko si Angel Cortez, galing sa probinsya at nag hahanap ako ng pwedeng pag trabahuhan at para rin maka hanap ng scholarship. And yes, ang swerte ko dahil nakahanap ako parehas.. Malas lang kasi nagkaron ako ng malaMonster na amo, which is Ken Winsto...