Chapter 31

1.4K 40 4
                                    

I dedicate this to you.. Thank you sa votes and please keep on supporting ^__^

Sana comment din para sa opinion or suggestion, salaaaamat :D

Good vibes!

***

Third's POV

May mga nag-aaya kay angel para maisayaw, kaya lang nasa harapan palang ito ay napapahinto na sila at babawiin ang pag tatanong kung pwede ba nila maisayaw si angel dahilan na rin na ang selosong ken ay sinasamaan na agad ng tingin. Tuwing titingin naman si angel sa binata ay napapakipit balikat nalang ito at wari'y walang alam. 

Nang mag simula ang pangalawang tugtog ay nag lakas loob na ayain ni ken ang dalaga "Can I have this dance? Just for this night" pag tatanong ng binata sa dalaga. Mariing sinuri muna ni angel ang binata dahil asa isip ng dalaga na pinapag tripan lang ito at baka bawiin rin agad. Nang mapansin naman na seryoso ang binata ay kinuha naman nito agad at pumunta na sila kung saan maraming nag sslow dance

Nilagay ng binata ang dalawang kamay ng dalaga sa batok nito at nilagay naman ng binata ang kamay nito sa bewang ng dalaga.. 

You're in my arms

And all the world is calm

The music playing on for only two

So close together

And when I'm with you

So close to feeling alive

Sa pag sayaw nila ay hindi pa makatingin ng deretso ang dalaga sa kasayaw nito dahilan sa hiya at hindi mawari'y pag bilis ng tibok na nararamdaman niya. Kinakabahan siya na baka marinig ito ng lalaki sa sobrang lakas.

A life goes by 

Romantic dreams must die

So I bid mine goodbye and never knew

So close was waiting, waiting here with you

And now forever I know

All that I want is to hold you

So close

Hinawakan ng binata ang baba nang dalaga para makita ang dalagang namumula. Matagal na tanggap ng binata na natuto siya mag mahal dahil lang sa isang babaeng iniyakan siya dahil sa pagka pilyo nito. At ang kaisa-isang babaeng nag lakas loob lumaban at suntukin ito sa harap ng maraming tao. Ang kaisa-isang babaeng nag pa-ibig sakaniya na hindi niya nalalaman..

So close to reaching that famous happy end

Almost believing this one's not pretend

And now you're beside me and look how far we've come

So far, we are, so close 

Sa pagkakataong 'yon, ayaw man aminin ng dalaga pero nakakaramdam na ito ng isang espesyal para sa binata na asa harapan niya. Onti-onti ay nilalapit ng binata ang dalaga upang mayakap man lang ito. Sa isip ng binata 'kahit ngayong gabi lang, mayakap man lang kita'. Aminin rin ng binata sa sarili niya ay nasa delikadong sitwasyon ang dalaga pag nakasama pa siya nito ng matagal. Pero siguro, isa lang talaga siyang maka sarili at gusto niya talaga makasama ang dalaga

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon