Chapter 26

1.8K 44 2
                                    

Awww. Thank you angielyenanor sa pag support ng story ko. Sana ipag patuloy mo lang, hehe :D

Silent readers,

Mag paramdam naman kayo. Vote and comment lang naman eh, please? Hindi naman siguro masasayang ung effort niyo sa pag pindot ng vote and kahit konting comment lang diba? Please. Thank you :)

***

Angel's POV

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Tumingin ako sa tabi ko kung saan ako nakahiga at nakita ko si Ken na mukhang tulog at naka ulo sa kama ko. Sa likod nito ay si Alex na katabi si Kyle at Tyler na tulog rin. Hinahanap ng mata ko si renz kung okay lang ba siya?

Umupo ako ng ayos at mukhang nagising ko si ken sa pagkaka galaw ko, "hey, are you alright?" pag tatanong niya. Napahawak ako bigla sa ulo ko na may bandage dahil bigla itong kumirot. Hinawakan naman ni ken ung isa kong kamay, "oo, okay lang ako. Salamat" sagot ko. Nagising rin naman ung tatlo at bigla akong niyakap ni Alex.

"Gel! Buti nalang walang nangyari sayo, i'm so worried when tyler called me last night" humiwalay ako sa yakap at nakita ko naman na umiiyak si alex, pinalo ko siya ng mahina sa braso at pinahid ung luha niya, "tss. Ba't ka umiiyak? Tingnan mo buhay pa ako! Hindi naman ako namatay kaya wag ka ng umiyak! Pumapanget ka" natawa naman si Tyler sa sinabi ko kaya tiningnan siya ng masama ni alex. Nako tong love birds na to! Tsk.

"Kamusta ka na angel?" pag tatanong ni Kyle sakin

"Okay na ako, salamat sainyo. Asan nga pala si renz?" tanong ko pabalik sakanila. 

"Ahh. Bumili lang ng pagkain, kanina pa rin kasi un nag babantay sayo eh, nagutom lang.." sagot naman ni kyle. Siguro naman okay siya noh? Buti nalang walang nangyaring masama sakaniya. Sobrang pasasalamat ko na dumating siya, kundi baka patay na ako kagabi pa.

"Ang galing pala ni renz lumaban noh?" proud na sabi ko sakanila. Nakita ko naman na dumilim ung itsura ni ken at umupo sa couch. Hindi ko nalang pinansin, tss. "haha oo, isa siya sa pinaka magaling pag dating sa labanan" sagot naman ni tyler.

"Oo nga eh. Ang lakas niya kaya! Biruin mo un napatumba niya ung anim na lalaki? Ang lalaki pa, pero parang di man lang siya nagalusan, although nasuntok siya" bigla akong nalungkot kasi nasaktan pa siya dahil sakin. Bigla naman bumukas ung pintuan at nakita ko si renz na nakangiti at may dalang fruits.

"Renz!" tawag ko sakaniya na ngiting-ngiti. Lumapit naman siya sa tabi ng kama ko, "oh kamusta na pakiramdam mo?" tanong niya.

"Okay na okay! Salamat sayo ah" hinila ko siya para mayakap, "siguro kung hindi dahil sayo, wala na ako dito sa mundong ibabaw ha-ha" naramdaman ko naman siyang tumango, "wala un. Buti nalang at ligtas ka" habang pinipispis niya ung likod ko, mas niyakap ko siya ng mahigpit. Buti nalang talaga at andun siya, para siyang si knight in shining armor ko.

Bigla akong nakarinig na malakas na suntok at pag sarado ng pinto kaya napahiwalay agad ako sakaniya at napatingin sa may pintuan. "Sino un?" pag tatanong ko kyna kyle. Napakamot lang sila ng ulo at ngumiti. Eh?

Maya-maya pa ay pumasok na ung doctor, "good afternoon ms. cortez. Kamusta pakiramdam mo?" ngumiti ako at huminga ng malalim, "okay naman po" tumango naman siya, "i see. You can discharge by tomorrow. Bibigyan nalang siguro kita ng gamot para maiwasan ung sakit na nararamdam mo diyan sa ulo mo" tumango nalang ako nag pasalamat.

***

Nang bandang gabi na ay nag paalam na sakin sina kyle, tyler at alex. Pero bago pa sila makalabas ng pintuan ay tinawag ko si tyler "oh?"

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon