Chapter 37.5

1K 26 4
                                    

Tyler's POV

Lumabas ako sa B room dahil mababaliw lang ako sa feelingerang si alex. Hindi naman talaga ako nag seselos eh. Hindi naman nga kasi..kasi mas gwapo ako dun sa lalaki niya! Ugh! Ba't ba ako ganto?? Nakakabaliw ka alex..

Flashback

Nakita kong magka-usap si Alex at Nikki sa hallway. Lumapit ako sa likod nila at balak sanang gulatin si Alex.. Kaya lang naging chismoso ata ako sa pag-uusap nila.. Di naman nila ako napansin na nakikinig.

"Liam name niya girl!" tuwang-tuwang sabi ni alex habang kinikiligkilig na naka tingin sa phone, "and he's so hot! I'm telling you.."

"Saan mo naman nakilala yan?" tanong ni nikki.

"Tanda mo ung araw na problemado ako dahil diyan sa hinayupak na si tyler?" ako? Pano ako nasama dito? "pumunta ako sa bar nun at dun ko na nakilala si liam so hot.. Hihi"

Napiling naman si nikki sa sinabi ng kaibigan. "So kinuha niya number mo at ngayon mag katext kayo?"

"Yup! Mag kikita nga ulit kami mamaya eh.. Hihi! I am zo excoited!!"

Lumayo na ako sakanila nang hindi nila napapansin.. Liam pala huh? Makita nga kung sino yung hinayupak na yun.. Siguraduhin niya lang na mas gwapo yun sakin.. Kung hindi..masasapak ko yung hinayupak na yun!

Nang matapos ang klase namin ay patago kong sinundan si Alex. Pumunta muna ito sa condo nito at lumabas na nka bihis na.

Aba! Ang sexy at masyadong revealing naman ata suot nito?? Ugh! Nag papaganda masyado sa Liam na yun?! Andami tuloy napapatingin sakaniya habang papunta sa kotse niya! Dang alex!

Nang makasakay na siya sa sasakyan ay mabilis na pinatakbo nito ang sasakyan.. Kaya ako naman itong sisunod. Mabilis naman ang naging biyahe namin papunta sa bar.

Nang makababa na siya ay bumaba na din ako.. Pero hindi pa siya nakalalayo ay biglang may tumawag sakin! Nakng! Bad timing.. "Cloyd baby!" lapit sakin nung sexy na babae, "i miss you!" at niyakap ako bigla.

Napatingin naman ako sa gawi ni Alex.. "shit" naibulong ko nalang.. Nakatingin kasi sakin si alex kaya agad-agad akong lumayo sa babae. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta, pero parang ayaw ko lang na makita niyang may lumalapit saking ibang babae. Hindi ko alam kung bakit.. pero siguro nasanay na kasi kaming dalawa na kami lagi ang magkasama?

"Alex!" Habang nag titigan ay napabaling ang tingin ko sa tumawag sakaniya..

"Liam.. hey" Nag balik tingin naman sakin si alex at ibinaling na ulit sa lalaki at tuluyan ng pumasok sa loob.

Yun ba ung liam na yun?? Eh mas gwapo pa pala ako dun eh! Bakit un pa?? Sa dinami-dami ng lalaki!

end of flasback

Ang laki naman kasi ng ginwapo ko dun sa hinayupak na yun! Andito naman ako!

Teka..Sinabi ko ba talaga yun??

***

Angel's POV

"Welcome peeps!" bungad ni tyler nang maka-baba kami sa van. Nauna kasi si tyler dito, pinasunod nalamang kami.

"Wow" bungad naming tatlong babae. Ang ganda nga naman.. Sumalubong samin ang malamig na hangin, puting buhangin at yung mismong resort nila.. "Ikaw na talaga tyler" sabi ko na kinangiti naman niya.

"Tsk. Ours is much better" bulong ni ken sa tabi ko pero narinig ko naman..

"May sinasabi ka?"

"Nothing" at bumitaw na sa kamay ko at kinuha na ang gamit namin.

"So where's our room?" tanong ni ken kay tyler.

"Ah yeah, about that.." sabay kamot sa ulo niya, "we can only occupy three rooms. So sadly, isa satin makakasama talaga ang isa sa mga babae.." napatingin naman siya kay alex at ngumiti na parang may masamang binabalak. "There's no problem with me if alex and i stayed in one room.."

Nanlaki naman ang mata ni alex, "Baliw ka ba?! Ayoko nga!! Asaness!" kontra ni alex sakaniya.

"Baka sumabog ung kwarto pag kayo nag-sama.." pang loloko rin ni kyle.

"Baka maging ninang agad ako.." sabi naman ni nikki. Minsan lang mag-salita pero malaman.. Natawa nalang kami ng mahina.. Habang si alex ay masang nakatingin samin.

"Well I think, kyle and I?" napatingin kaming lahat kay nikki sa suhestyon niya. Nag liwanag naman ang mukha ni Kyle.. Sus! Mga tahimik pero mga pasimple mag lambingan.

"Oh no princess. I'm sorry but your father told me na bawal may makatabing lalaki" singit ni alex. Nalungkot naman ang itsura ni kyle habang si Nikki naman ay tumango na lamang.. Masunuring bata si niks eh. Madaling kausap.

"Me and angel, final" singit naman bigla ni ken na kinalaki ng mata ko.

"Ayoko nga!" habang umiiling-iling pa. Napatingin naman ako kay tyler na nakangisi, "wag ka pumayag tyler.. Please"

"What's the problem with that?" singit nanaman ni ken, "magkasama tayo sa iisang bubong. Minsan sa isang kwarto.." bigla niyang kindat sakin.

Lahat kami napalaki ang mata sa sinabi niya.. "Seriously?!" sabay-sabay nilang sabi samin..

"Kidding" wew. Para akong nabunutan ng tinik.. Loko talaga to! "So where's our room?"

"Second floor, the one in the right side" kaya tuloy-tuloy ng umalis si ken dala ang gamit naming dalawa at di na ako inantay.. Bagay talaga ang "loko" sakaniya.. *sigh*

Nang makapasok ako sa room, naabutan kong nakahiga na si ken. Naupo naman ako sa gilid ng kama.

"You can lay beside me if you want to" with his seductive voice. Napairap nalang ako. Halata namang inaakit ako ng lalaking to! Nako! Tukso layuan mko!

Bigla naman akong napa-isip.. "Ken"

"Hmm?"

"Bakit di kasama si renz?" bigla naman siyang napa-upo sa tabi ko. "Why?" tanobg niya.

"Wala lang. Kasi lagi naman kayo mag kakasama.. Nakakapanibago lang na di siya sumama"

Bumuntong hininga naman siya at humiga ulit, "may kailangan daw siyang gawin na school papers, pero try niya daw sumunod"

Napatango nalang ako.. Bakit ba ako nakakaramdam na para akong nilalayuan ni renz? Wala naman akong nagawang masama sakaniya diba? Weird..

***

More votes readers, please..
Thanks;)

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon