Chapter 20

2K 45 1
  • Dedicated kay JelousyGirl
                                    

Wow guys, thank you sa mga votes niyo!! Sana comment din kayo pag may time, hehe :D

Thank you kay JelousyGirl for voting. Keep on supporting :D

***

Angel's POV

Nag commute lang ako ngayon papuntang school, hindi ko ata kakayanin na harapin siya ngayon pagka tapos nung nangyari nung isang araw. Hindi ko rin naman siya nakita kahapon at kagabi kasi late na siya umuwi at maaga naman siya umalis kahapon. So ngayon, nag commute nalang rin ako dahil ang awkward talaga ng sitwasyon ko pag sumabay pa ako sakaniya, hindi ko alam kung ganon rin siya pero ang awkward talaga.

Pag lampas ko sa may guard house, nakatingin nanaman sakin ang mga estudyante, ung iba nag bubulong-bulungan. Nag tataka siguro kung bat di ko kasabay ung prince nila. Ano pa nga bang bago? Kaya nag tuloy-tuloy ako ng lakad papunta sa classroom. Pero nung asa hallway na ako at paakyat na sana ng hagdan, may humarang saking tatlong babae. Ano nanaman bang problema nila??

"Oh hi Ms. Angel Cortez" nanaman. Meaning sila ung nanabunot sakin sa cafeteria na patay na patay kay Ken. Hindi na ako sumagot at lalagpasan sila, kaya lang hinawakan nanaman ni EP1 ung braso ko kaya napaharap ako sakanila,

"Look. About what happened sa cafeteria, i dont regret doing that!"arteng sabi ni EP1. Pero nakatingin lang ako sakaniya,

"Aww look girl, she's not even talking to us! Ang bastos!!" and there they go again, that's EP2

Tinaasan ako nang kilay ni EP3 "Oh! Girls, nakalimutan natin mag pakilala sakaniya kaya siguro di niya talaga kilala ung binabangga niya! Haha"

"Oyeah!! That's right. Kasi wala naman talaga siyang alam hahaha" EP2. Binatawan naman ni EP1 ang braso ko,

"Hey poor girl! I'm Glenn Domingo" pag papakilala ni EP1 with flip hair pang nalalaman,

"I'm Nicole Pangilinan" sabay tingin sa nails niya. O-kay?

"And I'm Julia Hernandez" sabay irap sakin. Hindi ko naman tinatanong sakanila eh.

"Ahh" yan nalang sinabi ko with tango-tango. And again, hinila nanaman niya ung braso ko,

"Now you know us, back off! Most especially kay Prince Ken! Don't you dare touch him or even talk to him" Glenn. Marahass niyang binitawan ang braso ko. Hindi ako nag-salita, at naka tayo lang sa harap nila,

"UGH! I AM F*CKING IRRITATED WITH YOUR FACE! UMALIS KA NA NGA DITO!" biglang tawa nung dalawa niyang jurlalay. Kaya tumalikod na ako at simulang nag-lakad

Sabi nga nila, bigyan mo ng Silent treatment at sila rin ang mapapagod kaka dadak. At napatunayan ko un, nakakatuwa lang

^__^

Paakyat na ako ngayon sa classroom at tamang-tama naman na nakita ko si Zach na sumisilip sa room namin, kaya tumakbo ako papalapit sakaniya,

"ZACH!" sabay yakap ko sakaniya, nanching lang? Hehe. Hindi noh, kung dati si Zach, ngayon si Renz na ;). Malandi? Hindi ah, crush lang naman eh. "Anong ginagawa mo diyan? Sino hinahanap mo?" pag tatanong ko ng maka hiwalay ako sa yakap, halata namang nabigla siya pero naka bawi rin naman agad,

"Ah- eh Ikaw sana eh" sabay kamot niya sa batok

"Namiss mo ako noh?? Haha"

I Got hired by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon