Nang makarating na ako sa bahay ay agad ako sinalubong ng mga kasambahay ni lolo at iginaya papunta sa may dining table.
"Senyorito andito na ho si miss angel," Sabi naman nito kay lolo na nakaupo na sa dining table. May kausap 'tong tatlong lalaki, parehas silang nakatalikod mula sa pinto kaya hindi ko makita ang mga mukha nila.
"Just right on time," sabi ni lolo at tumayo para makalapit sakin. Nang makatabi 'to saakin ay tumayo na rin ang tatlo, "Gentleman, this is my grandchild, Angel."
Humarap ang tatlo sakin. Isang mukhang may edad na rin pero hindi pa ganon katanda, siguro nasa trenta pataas ang edad nito pero halata pa rin sa itsura nito ang pagka ganda ng lalaki, malakas rin ang dating nito. "Angel, i want you to meet Mr. Martin Sandoval, and this is his son Edward and Blue."
Tumango sakin ung edward daw at nginitian naman ako nung isa. Ung edward parang masungit, poker face lang ni hindi man lang nag react pero infairness naman na ang tangkad niya ah habang eto namang blue ngingiti-ngiti. Mukha namang mabait. Infairness naman sakanila ha, ang gugwapo!
Pero ba't ganon, familiar nanaman sila sakin. Parang narinig ko na ung mga pangalan nila somewhere... Ayoko na isipin pa dahil sasakit lang muli ang ulo ko, hay!
"Good evening po," tumungo pa ako para mag bigay ng galang.
"Let's eat," humiwalay na sakin si lolo at umupo na sa kinauupuan niya. Umupo na rin ako sa kaliwang bahagi ni lolo, nasa tapat ko si Mr. Martin. So eto pala ung importanteng tao na gusto ipakilala sakin ni lolo.
Tahimik lang kaming tatlo nung edward at blue habang kumakain habang ung dalawang matanda ay nag-uusap ata sa negosyo nila.
"So how's the business going?" tanong ni lolo kay Mr. Martin.
"Well, the corporation is great. We already imported guns-"
Guns?! Nanlalaking matang napatingin ako sakanila. Ni hindi ko na narinig ung kasunod na sinasabi nila. "Angel, dont you know that staring is rude?" pag susungit ni lolo.
Napatingin naman sakin sina edward at blue, nakakahiya! Pinagalitan pa ako ni lolo sa harap nila... Eh sa nagulat ako eh! Hayy. "Sorry po, lo."
"Anyway angel, i want you to know that we've planned to have an arranged marriage. You and Edward" muli nanaman akong napatingin pero ngayon kay lolo at edward.
"Po??"
"Why, do you have problems with that?" tanong ni lolo at pinag siklop ang dalawa niyang kamay.
Napalunok ako ng mariin, "W-wala po"
***
Lumabas muna ako sa garden. Napaka laking lupain talaga na meron si lolo, ang lamig pa ng palilgid. Pero pakiramdam ko 'di ako peaceful dahil, "Kuya laki, pwede bang iwan niyo muna ako? Dito lang naman ako eh, ni hindi rin naman akok makakapasok eh."
"Miss hindi po pw-"
"Kuya please... Dito lang naman ako eh, promise. Mukha ba akong makakatakas, hindi rin naman." Napakamot siya sa ulo niya bago tumango siya sa mga kasama niya. Umalis na sila.
I sighed, buti naman! Nag indian sit ako habang nakatingin sa langit. Bakit kaya ganto sakin si lolo? Gusto ko sana mag pakasal sa taong mahal ko. Sa taong aalagaan ako, ung kilala ko na, hindi ung ikakasal nalang kami kumakapa pa rin ako sa dilim. Hay..
Nawala ang pagkakatingin ko sa kalangitan ng may mapansin akong ilaw mula sa bakal bakal na gate, inaninag ko pa 'to ng maayos para makita ng ayos pero nung tatayo na sana ako bigla namang may tumawag sa pangalan ko.
Tumingin pa ulit ako sa may ilaw kanina at inaninag bago ako napatingin kay blue na tumawag sakin. "Hi angel!" bati niya ng makalapit sakin.
"Oh, hello!" kinawayan ko pa siya. Umupo muli siya sa tabi ko pero tahimik lang siya. "Uhm, ang ganda noh?"
Tumingin siya sakin, "Huh?"
"Ayun oh," nginuso ko pa ang madilim na kalangitan pero napaka daming bituin.
"Ah, yeah... Alam mo ba sabi nila, ang mga bituin na daw yan ay halos nakaka kita ng lahat" tinuro-turo pa niya ang mga bituin. Humiga siya sa damuhan bago muli ako sinagot, "Yep. Naniniwala ako sa mga ganong bagay, kahit patay na ata ang matandang nag sabi nun." Tapos tumawa pa siya. Napakunot naman ang noo ko, ano bang pinag sasabi nito?
"Naniniwala rin ako sa kasabihang kung makalimot ang isip, hinding-hindi makakalimot ang puso. Alam mo ba yun?"
"Hugot ba yan?" natatawang tanong ko at humiga na rin.
"Nah. Pero alam ko sitwasyon mo ngayon angel."
"Na ano naman?"
"Na nakalimot ka." Agad akong napatingin sakaniya. Pano naman niya nalaman yun? "Pano ko nalaman? Sinabi samin ng lolo mo kanina nung wala ka pa."
Marunong ba siya mag-isip ng isip ng iba? Tumawa naman siya, "Halata kasi sa mukha mo..."
Tumango-tango ako. "Kala ko marunong ka mag basa ng isip ng iba, creepy!" Naki tawa na rin ako sakaniya. Humarap pa ako sakaniya habang naka sandig sa damuhan ung braso ko, "Pero alam mo, familiar ka sakin blue kahit yang kapatid mo. Pero siguro nakita lang kita somewhere." nagkibit balikat ako at humiga muli.
"Yeah, you're my good friend"
Napatingin ako sakaniya, "Ano sabi mo?"
"Huh? I said, So ikakasal ka talaga sa kuya ko? Hehe" tumawa pa siya. Parang iba naman sinabi niya? Pero di ko nalang pinansin.
"Ah yeah, wala naman akong choice eh"
Muli siyang umupo habang nakatingin sakin na nakahiga, "You know that you'll always have a choice, angel"
Do i?
BINABASA MO ANG
I Got hired by a Gangster
ActionAko si Angel Cortez, galing sa probinsya at nag hahanap ako ng pwedeng pag trabahuhan at para rin maka hanap ng scholarship. And yes, ang swerte ko dahil nakahanap ako parehas.. Malas lang kasi nagkaron ako ng malaMonster na amo, which is Ken Winsto...