A Perfect Love Story - Chapter 6.2 "Fallin' for you?"

1.2K 26 4
                                    

Chapter 6.2

Sam’s POV

Hindi, hindi yun ma-aari.. hindi ako pwedeng kiligin, hindi ako pwede makaramdam ng spark, hindi hindi at mas lalong hindi ako pwedeng magkagusto kay Christian :( kasi baby sister lang ang turing niya sakin..

“Oh baby sister bakit parang ang lungkot mo? May nangyare ba?” Oh diba baby sister.. ewan ko ba mood swings nanaman ako.. eh kasi naman Ugghh eraaaase eraaaaaaase nakakahiya na to..

“Ahh hindi no, pasensya ka na tara doon na tayo.. nandun sila Daddy hinihintay tayo”

Tapos nag-nod nalang siya, and pumunta na kami sa Dining room.. as Expected nandun na nga sila Mommy and Daddy..

And guess what? kitang kita sa mga mata nila ang pang-aasar ng Makita kaming dalawa ni Christian..

“ *cough* nandito na pala kayo eh, osha maupo na kayo dito..”

“Ahh, Mommy Daddy si Christian nga po pala, Kaibigan ko po..” “Good Evening po Ma’am, Sir..”

“Good Evening din iho, halikayo umupo na kayo rito ng maka-kain na tayo..” Ngayon palang obvious ko na, my mom likes chirstian.. Don’t get me wrong hindi yung like na as in like.. yung like na as in like niya na maging kaibigan ko, gets?

“So Christian, since kailan pa kayo magkaibigan netong anak namin?” Ok so eto na -___- start na ang interview.. hahaha

“Ahh ano po nung….” Aish! Oo nga pala nagkakilala kami nung araw na nakipagbreak sakin si Philip, nung nahimatay ako, nung nagstay ako sa ilalim ng ulan. Pssssshhh!! Bakit di ko manlang naisip yun?! Gaaaahd di pwedeng malaman nila Mommy na pinababayaan ko ang sarili ko.. Ok eto na ata ang time para umeksena ako..

“Ahh.. ano sa school kami nagkakilala mommy.. kasi ano transferee siya eh..”

Sana maconvince… sana maconvince…

“Ahh okay.. so I bet same course lang kayo?” “Ahhmm.. sa katunayan po ma’am hindi po HRM po kasi ang course ko”

“Oh? Eh paano kayo nagkakilala?” “Ano kasi mommy, magkasabay kami ng break tapos nalaglag ko wallet ko one time, oo tama nalaglag ko ayun binalik niya sakin kasi siya yung nakakita eh.. kaya yun unti-unti naging friends kami..”

“Sige pasado na yan, mabait naman siya sa anak natin eh..” Pasado? O______O Hanuuuuudaaaaaaw?! Anong pasado naman kaya tong pinagsasabi ni daddy? Aish ang gulo ng pamilya ko..

“Ah ganun po ba ^___^ salamat po” Oh? Nagpasalamat pa tong si Christian? May pinagusapan ba silang di ko alam? Bat siya nagtha-thank you?! Anong meron? Psshh..

“Oh sige na kumain na tayo..”

So kumain na kami, onting kwentuhan… tapos tawanan, nakakatuwa kasi okay si Christian sa parents ko, yooon! Hindi na mahirap pag one day sinabe ko sakanila na kami na, o___o ayyy pfft!! Ano ba yan!!! Naca-carried away ako masyado aish…

“Sige po Tita, Tito mauna na po ako, medyo pa-gabi na rin kasi, thank you po sa pag-invite ang sarap po ng luto niyo, Salamat po ulit..” “Ano ka ba Christian, wala yun sige na mag-iingat ka ha? Sam ihatid mo na tong si Christian sa labas..”

“Opo My..” Tapos yun naglakad na kami ni Christian papalabas ng bahay..

“Sige bye-bye na big brother.. magiingat ka ha? Thank you nga pala sa pagpunta nagenjoy ako, and I’m sure nagenjoy din parents ko.. hehe”

Tapos bigla niya akong hinug ng sobrang higpit, sheeeems bakit ganito parang nakakaramdam nanaman ako ng matinding spark..

“Sus wala yun para sa Baby sister ko I’ll do everything…” tapos kumawala na siya sa hug and tumingin sakin habang nakalabas ang kanyang killer smile..

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon