A Perfect Love Story - Chapter 2 "I Miss You daw"

1.8K 30 0
                                    

CHAPTER 2.

Christian’s POV

 

It’s been 3 days since nung nakilala ko si Sam, well nakakatuwa siya maging kaibigan she’s bubbly, she’s pretty, she’s lively, she has a sense of humor but the thing I hate about her she has a broken heart..

 

I know kakakilala palang namin pero, sobrang naawa kasi ako kay Sam para kasing every minute of the day umiiyak siya nang dahil lang dun sa walang kwentang ex niya..

 

Ewan ko pero gusto ko siyang protektahan, kasi parang napaka-precious niya..

 

Pero don’t get me wrong wala naman akong gusto kay sam, it’s just that natutuwa lang ako sa personality niya..

 

“Chris dota tayo mamaya” Aish walang kasawaang dota nanaman..

 

“Hmm.. Sige anong oras ba?” “Pagkauwi-an deretso nalang sa dating lugar”

Mga tropa ko talaga walang kasawaang dota nalang ang inaatupag, hahaha..

 

Kamusta na kaya si Sam? Hmm.. di manlang kasi siya nagreply sa text ko kaninang umaga eh.. lagi kasi yun nagrereply pero kanina wala eh..

 

Baka walang load.. tutal break na naman surpresahin ko kaya siya sa department nila..

 

Oo tama, baka kasi umiiyak nanaman yung batang yun eh..

 

Sam’s POV

“Hoy bessy! Kumaen ka na kaya, tulala ka nanaman diyan eh..”

“Eh pano ba naman di ako matutulala bes, ang sakit kaya ng sinabi mo sakin.. tagos na tagos dito oh” sabay turo ko sa dibdib ko, ewan ko pagkatapos sabhin sakin yun ni Julia, parang lalo pang nadagdagan yung sakit..

 

“Sorry na bessy, akala ko kasi pag sinabe ko yun matatauhan ka na eh, alam mo namang ayaw kitang Makita na nagsusuffer sa pain diba?” ano ba yan naiiyak nanaman ako pero hindi dahil kay Philip, pero dahil natotouch ako sa mga sinasabe ni Julia..

 

“Oh sige na nga, para sayo sisikapin kong wag na umiyak..”

“Wag lang para sakanya, para sakin din, tska oo Sikapin mo talaga”

o.O

O.o

O.O

“Chri-chri-chris-christia-aan?” “Kailangan utal-utal? Hahaha” sabay ginulo niya yung buhok ko..

 

Hindi ako makapaniwala si Christian, nandito siya sa department namin.. anong ginagawa niya dito? :O

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon