Chapter 19.
Sam’s POV
Di ko alam kung anong dapat kong gawin, naninigas ako sa kinatatayuan ko ngayon, nangingilid na rin ang mga luha ko, oo nasasaktan ako..
Kasi aminado naman ako diba? Aminado ako na may gusto ako kay Christian, ay di lang pala yun mukang nafafall na talaga ako sakanya, ay hindi Mahal ko na ata siya?
Hindi lang ako nasasaktan kasi magkausap sila at Masaya sila, pero dun sa fact na baka nakalimutan nanaman ni Christian magmove-on at maetchapwera lang ako sa buhay niya..
Nagulat ako nung biglang napatingin sa way ko si Christian, at dun bigla akong natauhan at agad akong tumakbo pero nung paglingon ko nakita ko siyang hinahabol ako..
“Sammie, Sammie! Wait!”
Hindi ko na ulit siya liningon eh kasi pano ba naman tumulo na yung luha ko mula sa mata ko, nasasaktan ako kasi sinabe niya sakin magmomove-on na siya pero ano yun?! Gaguhan na ba Christian?!
Akala ko patuloy na akong makakalayo kaso bigla akong natalisod at nadapa, ANO BA SAM NAPAKALAMPA MO NAMAN =______=
“Uy Sammie okay ka lang ba? Masakit ba? Bakit ka ba kasi takbo ng takbo? Ano ba yan Sammie talaga tsk”
“Pwede ba Christian, bitawan mo nga ako..”
Hinahawakan niya kasi yung kamay ko, Naiinis ako kasi kung makapagsalita siya parang wala lang, parang wala lang na nasasaktan na ako..
“Sammie, galit ka ba sakin? May problema ba? May nagawa ba ako?”
“AY HINDI, HINDI AKO GALIT SAYO, WALA KANG GINAWA PUNYEMAS!”
“Ha? Sammie ano bang nangyare?”
“Wala bitawan mo nalang ako, aalis na ako bumalik ka na lang dun kay Krisha, baka hinahanap ka na niya..”
Tumalikod na ako, I was about to leave when Christian suddenly laughed..
O___O tawa lang siya ng tawa dun, di ko alam kung bakit pero nairita talaga ako nung narinig ko siyang tumawa..
“Anong tinatawa mo diyan?!”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA Ano kase Sa—HAHAHAHAHAHA”
GRRRRRR.. Nakakabwiset tawa siya ng tawa para siyang timang =___=
Pero aminin, ang cute niya tumawa, AYY ERASE ERASE!! Galit nga ako dba? Di ako pwedeng ma-attract, Aish Ano ba!!
“Ewan ko sayo!! Nakakabwiset ka na ha!!”
Tapos tumalikod na talaga ako sakanya..
Kaso pinigilan niya ako at hinawakan niya yung kamay ko..
![](https://img.wattpad.com/cover/3658997-288-k204014.jpg)
BINABASA MO ANG
A Perfect Love Story
RomanceThis is a story about a girl who met a boy in such a unexpected way, just like other love stories they fell for each other, unexpected things may invade their love story but still they manage to keep their undying love for each other, but not like o...