A Perfect Love Story - Chapter 10.1 "In love na kaya?"

1.1K 21 5
                                    

Chapter 10.1

Julia’s POV

Arianne? Huh? Step sister? Ano daw? Di ko gets? Sinong step sister?! Tska since kelan pa nagkastepsister tong si Sam? Okay ang chismosa ko ba? Well di niyo ko masisisi nasa harap ko lang kaya sila nag-uusap, tapos dito na daw titira yung stepsister ni sam, eh sino ba yun?

“Pero mom, bakit kailangan niya dito tumira? Don’t she have a own house?!” Uh-oh mukang ang laki ng galit ni Bessy sa step sister niya, nacucurious na talaga ako sino kaya yun? :-?

“Anak, kasi gusto nung nanay ni Arianne na panindigan naman ng daddy mo yung kasalanang nagawa niya” “Aish fine, pero number one rule, I WONT SHARE ROOMS WITH HER, and WHAT’S MINE IS MINE SHE WON’T GET TO SHARE ANYTHING WITH ME”

Bessy really hates Arianne huh? Sino ba kasi yun! Sabihin niyo nga dali, :P para di na ako maloka kakaisip, mabilis pa naman malowbat utak ko!!

“Calm down anak, Okay okay she won’t get to share anything with you” Sa tingin ko mukang napilitan lang tong si Tita na um-oo para hindi na magwala pa tong si Bessy, isip bata kasi masyado well ano bang magagawa ko na-spoiled na kasi yan palibhasa only child, tapos eto ngayon may step sister pa pala siya.

Nagnod nalang si Bessy yung kaninang mad look niya parang naging serious and sad look, Moody lang? pero eto nanaman ako nacucurious talaga ako sa Arianne na yan sino kaya siya?!

“Sige na anak, bababa na ako sumunod nalang kayo ni Lia para maka-kain na tayo ha?” Tapos nagnod nanaman si Bessy at lumabas na si tita.

“Bessy!! Sino si Arianne?” “Yung step sister ko :|”

“Ahh siya pala yun -.-“ pasalamat tong babaeng to mahal ko siya kaya di ko siya sasaktan.

“Anong itsura?” “Si Bea” Ha? Ano daw? May sapok ba tong babaeng to? Sinong bea? Naka-droga ata to eh!!

“Si bea yung step sister ko..” HA? Kala ko ba Arianne? Bakit bea? Tungnuh. Pasensya na slow mind. Pero may sapok kasi ata tong kausap ko di ko gets :|

“Sinong bea? Hoy bessy kanina ka pa ha! Di naman kasi ako manghuhula, sino ba yung Bea na yun? Akala ko ba Arianne? Bakit nagpalit ng pangalan?”

“Si Bea siya yung step sister ko..” “EH SINO NGA KASI YUNG BE—“ “Si Bea yung girlfriend ni Philip” Yung Girlfriend ni Philip? So siya yung pinalit sakanya ni Philip?! WOAW! What a small world :O

Kaya pala galit na galit si Bessy dun sa bea, kasi siya pala yung Gf ni Philip. Si bea pala kasi si Hipon :))

“Grabe bessy kaya pala ganyan nalang galit mo dun sa step sister mo, eh si Bea pala kasi yun” “Exactly, enough of Bea na nga nasisira lang araw ko tara na sa baba kumain na tayo gutom na ako”

Lumabas na kami ng kwarto ni Bessy at sumakay sa Elevator, pero syempre joke lang yun, bumaba na kami at ang unang bumungad samin ang muka ng isang hipon.

“Oh Good Morning My lovely sister, tara kain na tayo” “Ah sige bes mamaya na tayo kumain nawalan na kasi ako ng gana eh”

Nag nod nalang ako tapos nag-giggle hahaha, palaban talaga to si Bessy eh.

“Okay edi mamaya ka kumain sa tingin mo ba napaka-kawalan kung di ka pa kakaen? Tss” ABA EH LUMABAN PA ANG HIPON! Nakita ko sa muka ni Bessy ang sobrang pagka-inis.

“Alam mo bes? Sa pagkakaalam ko ang Hipon, ay inihahain sa lunch or dinner lang eh bakit ngayon may hipon sa almusal? Tsk! Nakakawala talaga ng gana tss”

“ANONG SINABE MO?! HIPON AKO?!” “Bakit may sinabe ba ako? Napaka-guilty mo ha”

Opps mukang nagkakainitan na sila, grabe ang intense eh yung mga mata nila parang inaapoy na sa galit pero, GO BESSY!! ^___^

“Wag ka nga t*nga obviously ako ang tinutukoy mo, malamang ako lang naman kasi nandto sa dining table, stupid bitch” “EH ALAM MO NAMAN PALA EH, TATANONG KA PA BOB*”

Okaay, umaapoy na sa galit si Bessy. Julia to the rescue na ba? Eh kaso family matter to eh, pero sige JULIA TO THE RESCUE!!

“Tsk, Bob* na nga Hipon pa. ano ba yan girl!” “HOY WAG NA WAG KA MANGI-NGEELAM DITO DI KA PARTE NG PAMILYA NAMIN!!”

“HOY HIPON! Wala kang karapatan na pagsalitaan ang best friend ko ng ganyan, kasi kahit naman ikaw di ka parte ng pamilya na to! Kaya wag kang maginaso diyan!!”

“Anak ako ni Daddy!! ANAK NIYA AK—“ “ANAK KA NIYA SA LABAS, KAYA NARARAPAT SAYO AY LUMABAS!!!!”

“ANONG KAGULUHAN ANG MERON DITO?!?” Uh-Oh si Tito Steve biglang dumating galit na galit siya, nako dapat pala di nalang ako sumali sa usapan mas lalo tuloy nagkaroon ng intense sa paligid..

“uhh.. Daddy oh si Sam inaapi niya ako :’( grabe dad, pinapamuka niya sakin na anak lang ako sa labas ang sakit daddy” Tapos kumapit si Bea sa arms ni Tito Steve tapos nage-emote, Shht! Ang plastik talaga nung bruhang yun!!

“Hoy ang kapal naman ng muka mo para siraan ako sa sarili kong ama, Grabe ka ang kapa—“

“SAM STOP!! Go to your room Now!!” Hindi na nakaimik si Bessy, tumakbo na agad siya paakyat tapos si Hipon naka-akap kay Tito steve kunwari umiiyak, sinundan ko agad si Bessy sa taas, naabutan ko siya nakasandal sa may pader nakaupo sa sahig.

“Uy bessy, pasensya ka na kasi sumabat pa ako, kung di naman ako nakisali sa gulo niyo di naman lalala yun eh” “Hayaan mo na yun bes nangyare na eh, hindi lang talaga ako makapaniwala na nasigawan ako ni Daddy …”

“… First time niya kaya ako sigawan, never pa sa buhay ko na nasigawan niya ako, nakakagulat lang na dahil lang dun sa Bea na yun nasigawan ako ng daddy ko, di ko ineexpect yun akala ko ako kakampihan ni daddy, pero parang mas lamang pa yang bea na yan sakanya”

Halata sa Boses ni Bess yang depression, Oo sa tingin ko nga yung kanina nga yung first time na sinigawan ni Tito si Bessy kasi sa napansin ko talaga mahal na mahal ni Tito yang si Sam eh, pero bakit nga ganun nung dumating lang si Bea bakit parang nagbabago na ang lahat?

“Hindi ko nga alam bes kung ano bang meron diyan sa bea na yan eh, bakit lamang na lamang siya sakin :( bes natatakot ako..”

“Ha? Saan?” “Natatakot ako na baka makuha ni Bea ang lahat ng meron ako, kasi tignan mo una si Philip, ngayon naman unti-unti niyang kinukuha yung loob ni Daddy natatakot ako na baka di magtagal loob naman ni Mommy kunin niya, tapos ikaw, tapos baka pati si Christian kunin niya sakin :’(“

baka pati si Christian kunin niya sakin’ patay kang bata ka, in love na kaya si Sam kay Christian?

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon