Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon sa malaking bahay ni Mrs. Carpenter. Dito mismo sa isang mahabang lamesa kasama silang lahat nandito din yong president ng school. Nakayuko lang ako habang katabi ko si Edge alam ko kasi at nararamdaman ko ang lamig niya ngayon. Nasa harapan ko din si Elise.
"I know this is too fast." Nagulat ako sandali dahil sa biglaang pagsalita ni Mrs. Carpenter. Napalingon naman ako kay Edge na kanina pa nagtitimpi na magsalita sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero itinataboy niya lang ang kamay ko.
"Lea," pagtawag sakin ni Mrs. Carpenter. Binigyan niya ako ng isang ngiti at napatulala lang ako dahil hindi ko alam kung bakit siya ngumingiti sa ganitong sitwasyon. Hindi ko rin ang una kong iisipin. Gusto ko ding magsalita kung bakit ako nandito kasama sila. Alam ko din naman na dapat nandito din ako para kay Edge pero hindi na muna ngayon alam ko kasing maraming tanong si Edge at gustong malaman.
"You have been a very good scholar, student and a daughter to me," sabi ni Mrs. Carpenter. Hinawakan naman niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
"Kayo ni Edge diba?" tanong ni Mrs. Carpenter at napalunok ako. Napalingon ako kay Edge na nakapikit ng mariin.
"Don't worry hindi ko namang sasabihin na you're not good my son," sabi ni Mrs. Carpenter. Humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko.
"Actually we're very happy, kaya naman." Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang inaakto ni Mrs. Carpenter.
"This is too fast but I want you two to get married." Binawi ko ang aking kamay dahil sa gulat. Gulat sa narinig ko.
"No!" sigaw bigla ni Edge at tumayo siya.
"Sit down Edge." Napalingon ako sa president.
"Ito talaga ang plano niyo?!" pasigaw na tanong ni Edge, at natigilan ako nang makita ko ang kanyang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.
"You two lied and made me suffer!" Napapikit ako sandali dahil sa pagsigaw ni Edge.
"Wag mong sigawan sila Dad!" sigaw bigla ni Elise.
"You kept me from her, you kept her from me!" sigaw ni Edge nang hindi nakikinig kay Elise. Huminga ako ng malalim at kinagat ang aking dila.
"Ano tanda?! kailan pa?!" pasigaw niyang tanong
"Ang gusto niyo ay nababaliw ako!" dagdag pa niya.
"Kuya!" sigaw ni Elise at nakita ko namang natigilan si Edge. Tumingin siya kay Elise at tumango tango tapos bumalik sa pag-upo. Hinawakan ko ang kamay ni Edge pero itinaboy niya lang ito agad.
Napasinghap naman ako sa gulat nang biglang hilain ni Edge ang braso ko.
"Tell me the truth mute, kasama ka ba sa plano?!" pasigaw niyang tanong sakin. Dahil sa takot ay hindi ko napigilang umiyak. Hindi din ako makapagsalita.
"Ano?! nakisama ka ba sa plano!" sigaw niya ulit sakin.
Umiling-iling ako. Wala akong alam.
"Calm down Edge," rinig kong sabi ni Mrs. Carpenter, tapos padabog niyang binitawan ang braso ko.
"Tangina niyong lahat," bulong ni Edge.
Hindi ko naman napigilan ang hikbi ko dahil sa mga takot na bumabalik sakin. Yinakap ko nalang ang sarili ko.
"This family meeting is over, ikakasal ka kay Lea or if you don't like her to be your wife, go and pick other girls. Not my Elise," sabi ni President at ito ang unang lumabas ng silid.
"Elise!" tinawag niya si Elise at agad naman itong sumunod kay president.
"The fuck mom!" sigaw ni Edge

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner