07

1.3K 37 1
                                    

07: Story

"Wala na yata sila." Rinig kong sabi ni Edge. Mag-iisang oras rin kami dito sa Chemistry lab. Pabalik balik kasi yung mga guards dito. Nagsulat ako ulit sa white board at ipinabasa sa kanya.

SI CHUCHU!

"Lintik yang baboy na yan!" Sinamaan ko siya agad ng tingin tapos inarapan  niya ako. Malulungkot ako ng sobra kapag mawala si chuchu. Para sakin kahit weird sa iba, pinapahalagahan ko talaga si chuchu.

"Tss halika na hanapin natin san mo ba nabitawan?" talaga hahanapin namin?  Napangiti naman ako agad at napatayo tapos sumunod naman siya. Nagsulat ulit ako white board.

MALAPIT SA TERMINAL

Binuksan na niya ang pinto at sabay na kaming lumabas. Madilim na sa labas, alasais na yata ng gabi. Agad kaming bumaba at nakisakay ulit ako sa motor niya. Sobrang tahimik pala dito pag gabi  pero may mga estudyante pa akong nakikita.

"Chuchu!" sigaw ko at agad naman na huminto si Edge. Agad akong bumaba at pinulot si Chuchu, naku ang dumi dumi na niya sobra. Sorry nabitawan kita agad ko siyang niyakap.

Napatingin ako kay Edge nong biglang pinaandar niya ang motor. Napatakbo agad ako palapit sa kanya pero pinatakbo niya bigla ang motor sinubukan ko pa siyang habulin pero sobrang layo niya na. Napabuntong hininga nalang ako.

Nakakainis!

Pumasok ako sa terminal pero may nakasulat na mamayang 10 pm pa ang paghatid nila sa mga susunod na estudyante sa dorm, makakasabay ko yata ang mga estudyanteng gabi na may class pa. Swerte naman ng iba dito may mga sasakyan sa loob ng University. Umupo lang muna ako sa waiting area nila. 

Ilang oras pa ang hihintayin ko, hindi ko maiwasang mapahikab. Napagod ako eh.



"Sakay na!" muntik akong mapatalon sa gulat. Nakatulog pala ako tulo laway pa. Pagkatingin ko sa orasan ko 11:03 pm na agad akong sumakay, tatlo nga lang kami na nandito sa loob.

Pagkarating ko sa Dormitory ay hindi muna ako dumiretcho sa loob. Pumunta ako sa washing area nila, kung saan may mga gamit panglaba. Pero konti lang ang gumagamit dito kasi mayayaman naman lahat nagpapalaba nalang ang iba. Ibang area lang rin yung may bayad.  Agad kong nilabhan si Chuchu kasi sobrang dumi na niya pagkatapos ay sinampay ko siya.

Diyan ka lang muna chuchu balikan kita bukas.

Pagkatapos ay dumiretcho na ako sa room at pagkapasok ko ganun pa din nakakailang. Hihiga na sana ako agad nang napansin ko ang baho ng kumot ko at sobrang basa. Paano mababasa ito? Napatingin ako kay Nikkie na agad ay busy sa ellphone. 

Napabuntong hininga ako sa inis. Napatingin ako sa telepono namin dito sa kwarto, every room kasi meron incase daw may problema. Kumunot naman ang noo ko nang hindi naman gumagana ang telepono.

"Pwede namang ikaw nalang pumunta sa Beddings service." Napalingon ako agad sa Jane, ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. Napatingin naman ako kay Frans na kinukuha yung bed sheet tapos kumot ko tapos inabot sakin.

"Ohsige na baka wala kang mahigaan." -Frans, nagsulat  naman ako sa whiteboard ko.

SAAN?

"Hmmm sa labas, after ng canteen bilisan mo lang kasi mag-cucurfew na." Napatingin naman ako kay Nikkie. Bakit naman niya sakin sasabihin kung saan? hindi ba galit siya sakin? Pero kailangan ko ng bed sheet at kumot.

Kinuha ko kay Frans yung kumot at bed sheet ko tapos lumabas na. Pagkababa ko, walang guard na nagbabantay . Pagkalabas ko nandon lang pala si manong guard sa may gilid may kausap.

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon