02: Disorder
"Nag-iisang anak ni President Henry Wilson." kung anak siya ng may-ari ng University na ito so ibig sabihin asawa ni Mrs. Elena Carpenter ang may ari ng University na ito? May mga kaanungan na sunod-sunod na pumasok sa aking isipan.
Nanlaki ang mga mata ko nang kwinelyuhan ulit ni Edge ang babae at mukhang susuntukin niya ito sa mukha.
"Wala siyang kaibigan dito maliban sa sarili niya, tinatawag siyang halimaw dito sa University, kung ako sayo wag ka ring lalapit sa kanya, napaka-demonyo ang ugali niyan. Maraming takot sa kanya. Kahit yung mga babae dati na nagkakagusto sa kanya natatakot na rin ngayon, pero nilalandi pa rin naman siya. Kung hindi lang talaga maganda a sikat ang University na 'to kung hindi lang ako tinanggap bilang scholar dito, ayoko na."
"Edge!" sigaw ko bigla at lahat ng atensyon ay naibaling sakin, hindi ko na nga narinig ang iba pang sinabi ni Rex. Pero natulala ako sandali dahil nabigkas ko ng buo ang pangalan niya nang hindi nauutal. Napalunok ako tapos umiling.
Ito ba ang ibig sabihin ni Mrs. Carpenter sa pag papabantay niya kay Edge? para lang sa nabuhusan siya ng shake mananakit siya ng babae?
Napalunok ako nang masama ang tingin sakin ni Edge. Pinakawalan niya ang babae na umiiyak na at nanginginig dahil sa takot agad itong tumakbo palayo. Lumakad siya palapit sakin at nagtitigan kami. Hindi ako umiwas ng tingin sa kanya.
Hindi ka dapat pumapatol sa babae, Edge.
Bigla siyang naghubad sa harapan ko kaya agad akong napapikit.
"Labhan mo 'to!" sigaw niya at naramdaman ko ang pagtapon niya sakin ng polo niya. Dahan-dahang kong binuksan ulit ang mga mata ko at nakita ko siyang lumalakad na palayo.
Pinulot ko naman agad ang polo niya. Hindi niya siguro namana ang ugali ni Mrs. Carpenter.
Napahinga ako ng malalim. paglalabhin niya ako?kasama ba ito sa trabaho, siguro syempre dahil binabantayan ko siya. Napatingin ako kay Rex na nakatulala ngayon sakin.Ano pa kayang pangyayari ang makakasalubong ko?
"Ito ang Fine arts building sana naalala mo yung mga dinaanan natin." mabuti at hindi siya nagtanong sa akin ng kung anu-ano, agad lang kaming sumakay ng bus dahil napakalayo ng ibang buildings dito sa mismong entrance gate. Unang major subject ko ngayon, visual perception I.
Tinignan ko ang aking school i.d. Binasa ko ang mga nakasulat gamitnang aking isipan. Lea Macorol, Bachelor of Fine Arts Major in Painting. Hindi ako kagalingan sa pagpinta pero ito ang nakikita kong kurso na malapit sa isa sa mga nakahiligan kong gawin sa Angel's home. Pumayag naman agad si Mrs. Carpenter.
"Sa..sal...sala...salam--salamat."
"Welcome." Iniwan na niya ako, tapos dahan-dahan akong pumasok sa loob ng classroom
Nakakamangha rin ang classrooms may aircon at ang lawak. Malinis tapos maganda. Medyo marami na rin ang nandito sa loob, nginitian ko sila. Agad naman akong humanap ng mauupuan sa likod. Kailangan akong makahiram sa notes nila last week. Last week pa kasi nagsimula ang pasukan dito.
Magiging close ko din kaya sila?.
Biglang tumahimik ang klase nang may pumasok bigla, agad silang tumayo at sumabay lang rin ako sa kanila. Ito na'ata ang magiging guro namin, medyo matanda na-matandang lalaki.
"Good morning prof."
"Good morning." Sinenyasan kami na umupo na.
"So we have a new student here mabuti nakahabol pa Ms. Lea?" kinabahan ako bigla.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner