Edge ano ba!
Gusto ko siyang sigawan, naiilang ako sa kanya, na kinikilig din, gusto kong bitawan niya ang kamay kong hawak niya pero gusto ko ding wag niya akong bitawan.
"Girlfriend kita Lea...ayokong may humawak pa sayong iba." rinig kong sabi niya habang naglalakad kami dito sa field. Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita...sa kwarto niya..naalala ko din na ayaw na ayaw niya sakin at the same time gusto niya din kasi mute ako. tahimik hindi maingay. kung alam lang niya sobrang daldal ko sa isipan ko.
"Sabay tayo mag lunch?" natigilan ako sa tanong niya, naalala ko ulit yung ayaw niya ako bigyan ng allowance pang kain. Seryoso? makikisabay siya mag lunch sakin?. Hindi ko napigilang mapangiti.
"Mute? sabi ko sabay tayo." napatango tango ako, humigpit lalo abg pagkahawak niya sa kamay ko, pati ang kamay ko din. Nakukuryente ako, naalala ko tuloy yung sinabi ng nurse sakin. Pero ano ang dahilan?. diba dapat may dahilan pag magkaka crush ka sa isang tao? kung bakit mo siya hinahangaan?. In love? sa anong dahilan?
"Ano ba!" napatigil kami sa paglalakad nong nabangga si Edge ng isang babae, napakunot ang noo ko panilyar ang babaeng ito. Napahawak naman ako sa labi ko dahil sa gulat. Siya yung...sa first day ko dito sa University
"Bulag ka ba?! Ha?!" pinisil ko ang kamay ni Edge kaya napatingin siya agad sakin, napalunok ako sa kaba.
"tsss." umiwas diya ng tingin sakin at ibinalik ang atendyon sa babae, ito yung babaeng kwinelyuhan ni Edge dahil natapunan siya ng shake sa polo niya. Sana hindi niya na patulan pa.
"sa susunod tumingin ka na sa nilalakaran mo." nagulat ako sa sinabi ni Edge pero mas nagulat ako nong nilampasan lang namin yung babae, hindi ko maiwasang mapangiti ulit. Akala niya kwekwelyuhan niya ulit ang babae. Hindi ko namang maiwasang mapatingin sa mga taong napapatingin sa kanilang dalawa.
"Antayin mo ako dito ah. sabay tayo mag lunch." huminto kami sa tapat ng classroom ko, napatango naman ako, at pars naman akong naging statue nong halikan niya ako bigla sa pisngi, at lumakad na siya palayo. Naalala ko naman bigla na iniwan niya ako at si Rex ang nagturo sakin sa classroom ko. Ngayon siya na at gagawin daw niya ito palagi.
"Miss Lea?" napatingin ako agad sa Prof.
"Halika iha." napatingin naman ako sa mga Classmates ko, na nakatingin din sakin.
"Gusto mo bang maging Juliet?" napakurap kurap siya, Juliet?!
"Alam mo kasi isa ako sa mga naghahandle ng Musical Theatere dito. at narinig ko ang ganda ng boses mo." Nahiya naman ako bigla.
"Kung interesado ka. ito" inabutan ako bigla ni Prof ng isang papel, tinanggap ko naman agad kasi nakakahiya.
"lets start." sabi ng Prof kaya dumiretcho na din ako sa pwesto ko. Napatingin ako sa papel, Romeo and Juliet?. Musical. Napanguso ako, bakit naman ako? bagay ba akong maging Juliet?. Junior high ako nong nabasa ko tong kwento by William Shakespeare. Naiyak nga ako sa ending eh.
Pagkatapos ng class namin ay agad akong lumabas, napangiti naman ako agad kasi nandito si Edge, sabay talaga kaming mag lunch, so wala na akong virus?
"Halika na." sabi niya at inabot ang kamay niya, napalunok ako sa kaba, parang nalulutang ako sa ipinapakita sakin ni Edge. Tinanggap ko naman ang kamay niya.
"Ano gusto mong kainin?" rinig kong tanong niya habang naglalakad kami, magkahawak kamay, hindi ba ito bawal dito?. napanguso ako, basta ayoko ng karne simula nong naging alaga ko si chichi ayoko na ng mga baboy, isda at gulay nalang.
"Gu...lay.." sagot ko kay Edge. Tumango naman siya agad.
"Ito na po Mr. Edge sabi ng mama mo paborito mo daw po ito." pagkapasok namin sa canteen ay nakakagulat ang pagsisilbi ng mga tauhan dito kay Edge, dahil ba anak siya ng may ari ng University. Napangiwi naman ako pagkatingin ko si Karne
"Ayaw mo ba? ito naman gulay mo eh." rinig kong sabi ni Edge, nagsulat agad ako sa white board ko
NAALALA KO SI CHICHI
"tss ano ba?! ayaw ko na tuloy kumain din." napanguso ako, pinaiwas ni Edge agad ang mga karne, kumain nalang din siya ng gulay at kanin.
"ano yan?" tanong niya sabay hablot sa papel na hawak hawak ko
"Romeo and Juliet? mag audition ka?" napatingin ako sa kanya, at sabay sulat sa white board
HINDI AKO SIGURADO. PERO GUSTO NG PROF SUMALI AKO.
"hindi ka bagay." napanguso naman ako ulit sa sinabi niya, sabi na eh hindi ako bagay maging Juliet.
"kung hindi ako ang Romeo." napatigil naman ako sa sinabi niya. An..ano daw?
"Hindi ka pwedeng sumali kung hindi ako ang Romeo." napatulala ako sa sinabi niya, gusto niya bang maging romeo?
"Wag kang mag audition." napaiwas ako ng tingin, ayokong mag audition pero parang gusto ko ding sumali. Nahihiya ako pero parang gusto ko din
"Wag kang mag audition kasi ayokong maging Romeo, hindi tayo mamatay noh." Napataas ang isang kilay ko, hindi ko siya naintindihan eh, anong hindi kami mamatay?
"wag kang papayag maging Juliet ng iba ha?"napatulala na naman ako, ngayon ko lang napansin parang may lahi si Edge, alam mo yung parang half pinoy lang siya. Ang puti puti at ang kinis kinis ng mukha niya. Dati, kasi pag napapatingin ako,sa kanya para talagang halimaw eh, ngayong sobrang linis niyang tignan.
"narinig mo ako?" agad akong tumango, at kinuha ang papel sa kanya. Gusto ko pero wag nalang...nauutal ako magsalita eh, pero musical naman siya siguro kakanta kami don
"Gusto mo bang maging Juliet?" natigilan naman ako sa tanong niya
"Hmm."
"Pwede naman kitang maging Juliet eh. kaya wag ka ng sumali okay?" naramdaman ko namang nag init ang magkabilang pisngi ko, ano ba tong nangyayari sakin? ano din ba ang nangyayari kay Edge?. Nakakailang na ewan. Parang malulunod ako sa kinauupuan ko. Pagkatapos naming kumain ay hinatid naman niya ako sa sunod kong class.
Nobg malapit na kami sa classroom ko ay may biglang humarang samin, yung maliit na naman na babae, mag iinterview na naman atah
"Sasali ka pa rin ba sa Quiz bee National Mr. Wilson?" tanong nong maliit na babae, napatingin ako kay Edge, oo nga pala usap usapan na ipapadala pa rin siya para sa kompetisyon kasi lung hindi sa kanya hindi mananalo ang Yellow star.
"Totoo po ba na in a relationship ka na? kilala ba siya ni Mr. Wilson?" hinila naman ako palakad ni Edge bigla. Sumunod naman samin ang nang iinterview.
"ang linis linis niyo atah ngayon! bagay sainyo!" rinig kong sigaw ng babae, idineretcho lang ako ni Edge sa classroom namin
"Wag mo pansinin ang mga taong chesmosa ah." Huli niyang sabi at hinalikan ang noo ko. Sasali pa kaya siya? mapapanood ko siya sa tv kung sumali siya. Grabeh ang katalinuhan niya kahit sa final round nag walk out siya.
"Hi Juliet!" napatingin naman ako sa mga classmates ko, napangiwi naman ako, ako ba?
"Mag audition ka na! lahat kami dito bet na maging Juliet ka" Nakakahiya naman. Itong mukha ko? Juliet? Dumiretcho nalang ako sa Pwesto ko.
J: Thank you.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Lãng mạn"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner