"Mukhang puyat ka ah Lea." napatingin ako kay Rex, kasama niya si Alex.Napatango tango ako at napanguso, sino ang hindi mapupuyat sa ginagawa sakin ni Edge. Wala siyang pinalagpas na mga lessons namin. Para tuloy akong bata na nasa elementarya palang, iniisip ko nga si Mrs. Carpenter, ano ang masasabi niya sakin. Nagsulat ako sa qhiteboard
GANITO PALA KAHIRAP MAG COLLEGE
tumawa naman silang dalawa
"sinabi mo pa. pero worth it naman kung nakapagtapos ka sa estado ko kasi mukhang magtatagal. pa ako dito"- Alex, siguro madami ang bagsak niya dito. Si Rex naman,working studwnt bawal siyang magkaron ng bagsak.
"Balita ko gusto ka daw ni Mike." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Rex, sinong Mike?
"best taekwando player yun dito. pero sobrang yabang" dagdag pa niya, hmm Mike? parang naalala ko ang pangalan yan, parang narinig ko na.
"mag iingat ka don ah. manyak yun" napangiwi naman ako sa sinabi ni Alex
"Iba ahhh madami na naglakagusto sayo since naginf vocalist ka namin." napangiti naman ako, nakakapanibago akala ko pagbalik ko galing sa suspension ay babalik sa dati pero ganun pa din gusto pa rib ako ng mga tao dito parang wala akong kapansanan.
AYOKO NA MAG COLLEGE
"oy wag mong sabihin yan yung iba gustong gusto mag college pero kahit anong gawin nila hindi talaga sila nabibigyan ng chance" sabi agad ni Alex, napabuntong hininga ako, ayoko na eh, tapos pag naiisip ko yung mikhang nakasimangot ni Edge tuwing nag kakamali ako...nakakatakot...
"Kamusta naman bilang girlfriend ni Edge?" napatingib ako kay Rex, napanguso ako, kamusta nga ba? iba kasi yung definition nila ng girlfriend dito eh.
"Alam mo Lea. nagiging nadaldal kami tignan dahil sayo. tahimik haha" natawa lang ako sa sinabi ni Alex.
"Mute." napatigil naman ako, at napapikit sandali dahan dahan akong napalingon sa likuran, napalunok ako,sa kaba si Edge
"Class." napatango ako at nagsulat sa whitwboard
PASOK MUNA AKO.
"Bye lea! see you sa studio!" Pagkatapos ay sumunod na ako kay Edge. Kaklase ko pala ngayon si Edge pang huling class ko ngayong araw. Hindi na siya antukin mas binabantayan niya ako ngayon panay drawing lang daw ako sa notebook ko. Makikita ko din ulit si Nikkie hanggang ngayon hinfi pa rin kami bagi. kakainis.
pagkapasok namin ng classroom ay nandito na ang prof namin kaya pumqesto agad kami sa pwesto namin. Habang nagsasalita si Prof, ginugulo gulo naman ni Edge buhok ko
"Sino mga kausap mo kanina." pabulong niyanh sabi sakin, sinamaan ko siya ng tingin, ginugulo kasi buhok ko. nagsulat ako sa whitwboard
WAG KANG MAINGAY
"sus..naiintindihan mo ba mga sinasabi ng prof. mo?" napairap ako sa sinabi niya, at nag make face lang ako
"hilig hilig mo ba makipag usap sa ibang lalaki ah." sinamaan ko ulit siya ng tingin, kayna Rex at Alex walang kaso yun kasi mga kaibigan ko sila. Napabuntong hininha ako sa inis.
"sige sampalin mo ako 2x ang ibabalik ko sayo." bulong niya nong akmang sasampalin ko siya, nakakainis kasi ginugulo ang buhok ko. Ngayong mga araw ang kulitna niya. Minsan hinihiling ko bumalik siya sa napakawalang pakealam sa mundo Edge version.
"Edge!" sigaw ko bigla kaya napalingon samin ang lahat. natawa tawa naman si Edge, napanguso ako.
"Miss Lea? may problema ba?" napalingon ako kay prof agad akong umiling. at inorapan lang ako ng prof. nagsulay ako sa whiteboard

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner