To: Baby
may nakilala akong girl. sobrang weird niya :3Napabuntong hininga ako, hindi naman talaga sobrang weird, ibig kong sabihin hindi naman talaga siya Weird, sobrang ganda nga niya eh, ako yung weird. yung nararamdaman ko ang weird. Kinakabahan ako na ewan? hindi ko maintinfihan, sobrang panilyar ng nukha niya na oarang nakita ko na. At kapangalan niya ang kapatid ni Edge. tapos same last name pa.
From: Baby
why? eh di lumayo ka.Huminha ako ng malalim, at napakamot sa batok. Baka kamag anak? bakit hindi ko tanungin si Edge? . Bakit oarang ayaw ko ding tanungin. Napatingin ako sa pagkain na nasa harapan ko. Lunch time na at wala akong ganang kumain
From: Baby
Kumain ka na po :*Napangiti ako at pinatay ang cellphone. Ikakain ko nalang toh, lahat naman ng mga sagot nasa tabi tabi lang malalaman agad.
"Lea?!" napatingin ako sa sumigaw, nanlaki ang mga mata ko sa gulat siya ulit. May dalang tray na may pagkain, lumakad siya bigla palapit sa akin at umupo sa tabi ko
"Mabuti nalang nakita kita. nahihirapan kasi ako makipagkaibigan dito" ssbi niya sabay ngiwi sakin, napapansin ko naman ang mga bulungan ng tao dito sa canteen, at parang siya ang pinag uusapan ng lahat. Sigurado ako dahil sa ganda niya. Binigyan ko siya ng isang ngiti.
"ganito pala ang pakiramdam na makapasok ulit sa isang school." nakangiti niyang sabi at sabay kumain. Napataas naman ang isang kilay kung sa anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya?
"hmmm ilang taon din kasi ako kinulong sa bahay. Home school." napatango tango ak, at kumain na din
"Marami ka na bang mga kaibigan dito?" Ilan na ba kaibigan ko dito, sila Alexis, Alex, Manuel...Rey..si..Edge. Gamit ang mga kamay ko sinasabi kong lima ang kaibigan ko
"Sorry Lea...i forgot...you cant speak pala." nahihiya niyang sabi, nahiya din ako. Pero wag siyang mag alala mas madaldal naman ako kung nakakapagsalita lang ako
"Anong room ka sa dorm?" naoangiwi ako kasi hindi naman na ako sa dorm mismo ng mga babae umuuwi, sa kwarto naman ako ni Edge. Sasabihin ko ba? hindi ko pa naman siya gaanong kilala eh. Kumain nalang ako.
Pagkatapos ng klase ngayong araw ay dumiretcho na ako sa studio. iba sa pakiramdam na walang Edge ngayon, bukas at hindi ko alam hanggang kailan.
"Hey! baby girl!" sigaw ni Alex at inakbayan agad ako pagkapasok, nagkatitigan naman kami ni Rey, pero agad ako umiwas ng tingin.
"Ay baby girl ka pala ni Edge" natatawang sabi ni Alex, napailing iling naman ako at napaupo. Nagsulat ako sa white board
ANO KAKANTAHIN NGAYON?
"Paturo ka kay Rey." sagot ni Manuel na inaayos ang drums niya. Huminga ako ng malalim at lumakad palapit kay Rey.
"Lea..." tawsg niya sakin. Ngumiti naman ako. Nakakailang
"Sorry sa paghalik ko sa pisngi mo. sorry fin na wala kami don nong inapi kayo ng mga estyudyante dito." huminga ako ng malalim at nagsulat sa white board
AYOS LANG. SORRY DIN
Ngumiti naman siya pabalik at inabot sa akin ang lyrics ng kanta, itinuro naman niya sakin ang tono ng kanta, agad naman akong napapasabay sa kanya
"Ey Lea?!" ilang minutong oagtuturo sakin ay bigla akong tinawag ni Manuel
"Sa Intramurals nga pala. Hmm siguro sa 4th day maglakaroon ng Battle of the bands." napangiti naman ako, masaya yun, gusto kong manood.
"Syemore hindi na tayo pwedeng mag compete." napatingin naman ako kay Alex. Inakbayan naman ako bigla ni Rey
"at tayo ang magiging judge." sabi ni Rey.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner