(To be edited, read at your own risk)
Kinakabahan ako kaya tumitingin nalang ako sa mga mata ni Edge na nakatingin din sakin, nababawasan ang takot at kaba ko. Lumabas ang lalaking ipapakasal sakin sa play na ito. Ang sarap sa pakinggan ang musika sa at mga instrumento sa aming likuran na sinasabayan ang aming bawat pagkanta at paggalaw.
Iniwan na siya ng mga kabigan niya, at bunigyan kami ng space sa gitna para makita kami ng mga tao sa baba ng stage. Huminga ako ng ilalim at ginawa na namin ang tinuro na gagawin namin. Bumagsak ang malaking kurtina samin, kaya agad namang inayos nila ang settings ng stage at umakyat ako sa balcon kunwari na ginawa nila. Pagkatapos ay umangat ulit ang kurtina.
Nagsimula na ang linya ni Edge, kinanta na niya ang linya niya pero ang tunay talaga na kumakanta ay si Kris. At ginawa ko naman ang dapat na gagawin ko. Patingin tingin at patingin tingin sa kunwari langit.
Bawat pagsara ng kurtina ay mabilis kaming kumikilos para sa pagpalit ng settings sa stage at sa susuotin namin.
Hanggang sa malapit na kami sa Ending. Yung palagi kong iniiyakan. Sumunod si Juliet sa plot na binigay sa kanya at peneke niya ang pagkamatay niya, nakahiga na ako ngayon at kunwari natutulog. Hinihintay ang Romeo ko. Nakisabay ang tugtog sa lungkot ng kwento.
Huminga ako ng malalim kung sana lang ay natanggap ni Romeo ang mensahe.
Bigla kong naalala, kaarawan ni Edge isinisigaw niya na kasalanan niya ang pagkamatay ng kapatid niya. Hindi ko alam lung bakit naalala ko yun dito sa kalagitnaan ng play namin.
Naramdaman ko na ang paglabas nila Edge at ng makakalaban niya. Nagalit si Romeo, parang binabalaan niya si Paris na wag lumapit sa isang lalaking mukha ng desperado...Napatay niya ito at nagsisi din sa huli.
Naramdaman ko ang paglapit ni Edge sakin,naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Gusto kong sumigaw na,gising na Juliet! gising na!. Pero hindi...dahil hindi ko ito kwento. Nagising ako na nasa tabi ko na si Romeo wala ng malay,hindi ko napigilan ang mga luha ko.
Nakakalungkot lang isipin na nauwi ang kwento nila ng ganito.
Narinig ko ang malakas na palakpakan. Kaya lahat kami ay tumayo sa stage magkakahawak kamay, napatingin ako kay Edge na kumindat sakin. Napangiti ako, mabuti nalang hindi kami sina Romeo at Juliet, mababaliw atah ako non. Mas okay na ito. Si Lea ako at siya si Edge. Sabay sabay kaming kumaway kaway sa mga tao, nakita ko naman si Mrs. Carson na todo palakpak siguro ay proud na proud siya kay Edge. Napatingin ako kay Edge.
Sobrang bilis talaga ng buhay, at masaya akong isama si Edge sa kwento ko.
Nakatanggap naman ako ng bouqet of flowers, at nahiya ako sa mga compliments nila sakin, sa amin. Nagong success ang show namin. Sabay na kami ni Edge na dumiretcho sa Back stage at nakasalubong namin si Mrs. Carson
"Congratulations!" sigaw ni Mrs. Carson at niyakap niya si Edge
"Magtigil ka nga tanda." inis na sabi ni Edge kaya napanguso ako, niyakap din ako ni Mrs. Carpenter.
"Ang ganda mo iha." sabi niya at nag init ang magkabilang pisngi ko.
"Mauna muna ako. Mukhang may celebration kayo after this. May aasikasuhin pa kasi ako. Ill text you later Edge" sabi ni Mrs. Carpenter at parehas kami hunalikan ni Edge sa pisngi, lumabas na siya ng back stage.
"San ka pupunta? Juliet?" napatigil naman akonong hawakan ni Edge abg kamay ko, natawa ako at itinuro ko ang cr
"Mag antay ako dito." at napatango naman ako at lumakad na, pagkapasok ko ng cr ay agad akong nagbihis.Pagkatapos naman ay agad akong lumabas. Napakunot naman ang noo ko si Edge nalang ang nakikita ko.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner