08: Better
Pagkagising ko, ay akala ko nakakulong pa din ako, pero iba ba ang naamoy ko hindi naman anoy sa clinic, amoy sa dorm namin. Kakaiba pero ang bango at sobrang lambot ng hinihigaan ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at napaupo ako.
Napalibot ang tingin ko, sabay kunot noo. Nasan ako?Bakit ang lawak at ang laki ng kama. Napabangon ako, at napalibot, may sofa, may walking closet, na parang kasing laki ng room namin sa dorm, may malaking banyo na iba-iba ang area ng bath thub, shower at toilet. May tv pa tapos may computer at ibat ibang gadgets.
Wow.
Binuksan ko ang pinto palabas, nanlaki naman ang mga mata ko nong maraming lalaki sa labas at may mga kwarto din agad kong isinara ang pinto. Nasa dormitoryo ba ako ng mga lalaki?. kanino namang kwarto ito? ang bongga. Napalapit ako sa mesa may pagkain na, at may maliit na card na may sulat agad ko namang binasa
Kumain ka n.wag kang magkalat nasa kwarto kita.
Edge?
Pano ako napunta dito? binuhat ba niya ako papunta dito?
Napakunot ang noo ko, napatingin naman ako sa mga picture frames, may litratro ng isang batang lalaki at batang babae, ang cute nilang tignan at halatang si Edge yung batang lalaki. Pero sino tong batang babae?
Nasan si Edge ngayon? may pasok siguro siya. Sana makatapos na siya sa kursong kinuha niya,ang sweet sweet na nga niya.
"Hoy!" Napatalon naman ako sa gulat dahil sa sigaw na yon.
"kakagising mo lang ba? Mute?" si Edge agad ko siyang nilingon, teka nasan na whiteboard ko at marker.
"Bingi ka?" Napalingon ulit ako sa kanya.
"Tanong ko kung kagigising mo lang?" Mapatango naman ako.
"Ayos na pala higaan mo don at yang bed sheet ko papalitan ko yan baka may virus na yan galing sayo." Napanguso naman ako hindi naman ako maduming tao ah at wala akong dala dalang sakit. Dito ako natulog sa kwarto niya? bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. at paano ako nakalabas don? dami kong tanong ewan kung masasagutan ba.
Pero san siya natulog? nag-init naman ang magkabila kong pisngi bigla katani ko ba siya?
"Hoy! asa ka tatabi ako sayo 'no!" sigaw naman niya bigla
"Nakitulog ako sa ibang kwarto baka kung san san ka lang pinulot ni tanda eh." Napanguso ako sa sinabi niya, makapagsalita parang sinasabi niya na sa gilid lang ako ng kalsada napulot.
"Kumain ka na at pagkatapos linisin mo kwarto ko ha?" Napairap ako at padabog na umupo sa upuan, makakain na nga lang, nang uutos na naman. Natigilan naman ako nong umupo siya sa harapan.
Sasabay ba siyang kumain?
Kumuha siya ng kanin at ulam at nauna ng kumain nahiya naman ako biglang kumain, binigyan naman ako ng allowance ni Mrs. Carpenter bili nalang ako ng pagkain.
"Kumain ka na nga!" agad kong kinuha ang kutsara at tinidor dahil sa sigaw niya. Huminga ako ng malalim at kumuha na din ako ng kanin at ulam. Pagkatapos kong kumain ay agad akong naglinis siya naman tapos naglaro agad sa computer niya.
Malinis naman ang kwarto niya eh. Pinalitan ko rin ng bed sheets at kumot niya, tapos mga pillows niya. May sarili naman siyang stuck na beddings dito. Nakakapagod.
"Ano ginagawa mo diyan? don ka nga baka mabwesit ako matalo pa kami." Napairap lang ako, tumigil kasi ako at napatulala ako sa nilalaro niya. Ang galing niya at ang bilis ng kamay niya.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Roman d'amour"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner