03: LEA
"Ano hindi mo natapos?" Napalunok ako sa tanong ni Boss Edge. 2nd day ko ngayon dito sa Wilson High University. Napatingin ako sa relo kong suot na bigay ni Mrs. Carpenter sakin nung highschool ako. Mabuti nalang 10 a.m ulit ang first class ko ngayong tuesday. Pagkagising ko dumiretcho agad ako dito sa Dorm nila Edge. Biscuit lang ulit ang kinain ko, mabuti nalang dalawa yon. Kung hindi gutom na gutom talaga ako sa gabi. Ang mamahal pa naman kasi ng pagkain sa canteen hindi pa kasama sa tuition na binabayaran ng mga estudyante dito.
Hindi ko nagawa ang assignments niya pero nalabhan ko naman ang polo niya.
Inangat ko ang polo niya para ibigay at ipakita sa kanya. Hindi ko kayang tapusin ang mga assignments niya kahit pinapasearch lang lahat ng 'yon, kasi naman antok na antok na ako at di ko na kaya ang sakit pa sa mata tapos nakakahiya pa dahil nakikihiram lang ako ng laptop kayna Nikkie. Cellphone lang naman ang meron ako tapos luma pa.
"Ano 'yan?" mataray niyang tanong sabay taas ng kilay sakin, napanguso ako.
"Na..nalab..hahan..ko..n..na.." Hinablot niya ito bigla. Nagulat ako nang itinapon niya ito. Napakurap kurap ako sa ginawa niya, pinaghirapan kong labhan yan. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakipaglaban talaga ako sa mga titig niya dahil sobrang nakakairita siya, sayang ang gwapo pa naman niya. Sino ba siya sa akala niya?
"Istupida ka ba? sino ako para tanggapin pa yan ulit? sigurado akong may mga virus na 'yan galing sayo! baka mamaya mautal utal rin ako." wala naman akong nakakahawang sakit at itong disorder ko hindi naman 'to nakakahawa, inirapan ko siya.
"Oh ito." Napangiwi ako nong may libro siyang inilagay sa ulo ko at agad ko namang hinawakan 'yun baka kasi mahulog. Para saan 'to?
"Umikot ka dito sa garden ng Dorm nang hindi 'yan nahuhulog. Pag nahulog yan balik ka dito sa kinatatayuan ko." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit ko naman gagawin 'to? Nandito ako para ibigay ang polo niya tapos humingi ng pera. Kahapon pa wala akong ayos na kain.
Nahihilo na ako.
"Gawin mo na!" sigaw niya at itinulak tulak ako. Napakasalbahe naman itong anak ni Mrs. Carpenter, naiisip ko tuloy kung dapat ba nanatili nalang ako sa bahay -ampunan. Kanino kaya 'to nagmana siguro naman ako hindi ganoon ang ama niya.
Napakagat labi ako, marami biglang mga lalaki ang lumabas ng dorm, ang iba ay tinatawanan na ako. Hanggang dito ba naman pagtatawanan pa rin ako?
"Gawin mo na at baka ibigay ko sayo allowance mo." Napairap ako, pahirapan pala. Tumalikod ako at nagsimula ng lumakad.
"Wag mong hawakan ang libro! Balance!" Ibinaba ko kaagad ang kamay ko, hindi ako marunong magbalanse nito. Hindi pa nga ako nangangalahati ay nahulog agad ang libro sa ulo ko.
"Balik!" ano bang purpose nito? Napatingin ako sa mga lalaking nakatingin sakin. Sanay na ba sila sa ganito?. Tumakbo ako pabalik sa kanya dala ang libro at umulit ng umulit.
Nong pang limang try ko na ay bigla niya akong sinundan at hinawakan sa braso sabay hila sakin paharap sa kanya kaya nahulog na naman ang libro. Sobrang init na nga dito at nahihilo na ako.
"Ulit ayusin mo." Sinamaan ko siya ng tingin tapos hinablot ang braso ko. Pupulutin ko na sana ang libro nang biglang nanlabo na ang paningin ko. Napaluhod ako at napahawak sa aking ulo.
Hanggang sa dilim nalang ang nakikita ko.
"Wag kang mag inarte diyan! gumising ka na at tumayo!" Napakunot ang noo ko dahil sa boses na 'yon. Bumalik ba ako sa pagtulog? Na--nasan ako? sino ba ang sumisigaw? Napahawak ako sa aking tiyan at napagtantong nagugutom pa pala ako. Baka magkasakit ako? kailangan ko pa naman maging malakas para rin sa kursong pinili ko.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romansa"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner