10: Lighter
Gumising ako ng mas maaga para puntahan si chichi, ang saya saya ko naman. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Natutulog pa ang iba kaya dahan dahan lang ako sa pagkilos. Naligo ako at nagbihis pagkatapos ay bumaba na ako para puntahan si Chichi, isisigaw ko nalang pangalan ni Edge o makikisuyo sa guard. Nakakatawa.
Pagkarating ko ay napatulala ako kasi nasa labas na si Edge at si Chichi, may hawak na maliit na sanga ng puno si Edge, napa cross arms ako. ano gagawin niya? itinapon niya bigla yung sanga si Chichu naman parsng inaamoy amoy yung lupa
"Fetch boy. fetch!" Napanganga ako at napailing iling. Linapitan ko sila at binuhat ko si Chichi
"Napakaboring naman ng baboy na yan!" sigaw niya bigla inirapan ko siya , gagawin atah tong aso.
Good morning chichi! pinakain ka ba ni Sungi?!
"Oh ano? dadalhin dalhin mo na yan araw-araw?" Napatingin ako kay Edge, napalunok ako. Hindi naman lahat ng teacher papayagan ako atsaka sa isang subject lang naman kami magkaklase ni Edge. Napanguso ako.
"Pu...ma-pa-sok k-ka b-ba s-sa ma-mga cla-ss m-mo?"
"Pake mo?!" hindi talaga kami makapagusap ng maayos. Pero narinig ko, matalino daw 'tong si Edge, ilang beses na din siya iniimbita sa mga contest pero siya lang ayaw at pag hindi niya nagugustuhan yung guro hindi niya talaga pinapasa yung subject. Hanggang ngayon nandito pa rin siya. kasidaw anak siya, ilang beses na din siya nakick out sa iba ibang school. Sayang naman talino niya sana sakin nalang.
"Labhan mo mga dami ko mamaya ah" Napatingin ako sa kanya, napanguso ako. Nakakainis talaga ginagawa talaga akong katulong niya. Mayaman naman siya pwede namang magpalaba nalang siya.
"Isama mo yang baboy na yan!" Niyakap ko nalang si Chichi. San naman daw ako maglalaba. Inabot ko naman sa kanya si Chichi ayaw nga niyang tanggapin pero pwinersa kong tanggapin niya.
"Ma...m-may cla-class ak--ako." tapos sumulat ako sa white board
BALIK AKO DITO MAMAYA. MAGLALABA.
Inirapan kosiya st lumakad na palayo
"Hoy! ano balak mo sa baboy! kainin ko toh eh!" rinig kongsigaw niya pero hindi ko lang diya pinansin. Duniretcho na ako sa may sakayan ng bus, isa lang naman class ko eh kasi wash day ulit. isasabay ko nalang labahan ko sa mga damit niya.
Nong naglalakad ako papunta sa classroom ko, nakasabay ko biglaan si Rex, may dala dala siyang gitara.
"Nakikinig ka ba samin tuwing sabado? tumutugtog kami." Wah talaga? ang galing naman. May nahanap na kaya silang singer.
"Nakakainis late na naman yung vocalist namin. kaka-start pa nga lang niya palaging late." Napanguso lang ako sa sinabi niya.
"Aan ka papunta ngayon? may white board at marker ka na ah.". Napangiti naman ako sa sinabi niya, at nagsulat ako.
PAPUNTANG CLASS.
"Mabuti ako tamang tambay lang at nakita kita." Tumango ako sa sinabi niya. Hinatid niya nalang ako hanggang sa class ko. Kahit inaaway naman ako halos ng iba dito may kaibigan pa rin naman ako. ewan ko kung magkaibigan talaga kami minsanan lang kasi kami magkita.
"Okay...class dismissed." napa-YES ako sa isipan ko nong tapos na ang class makakauwi na ako. Bumagsak naman ang mga balikat ko dahil maglalaba pala ako hindi ko pa malalaro agad si chichi. Agad akong lumabas ng classrom at dumiretcho sa terminal mabuti nalang umandar agad yung bus na sinakyan ko.
Pagkarating ko sa dormitories, ay agad akong dumiretcho sa dormitoryo bg mga lalaki, nakita kobg may hawak hawak si Guard si na baboy si Chichi atah yun.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Любовные романы"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner