04

1.6K 39 0
                                    

04: Please

Pagkarating namin sa Dorm ay sinimulan kong tapusin ang ibang assignments ni Edge. Humiram ulit ako ng laptop kay ate Nikkie. Pagkarating ko nga marami silang tanong sakin tungkol kay Edge dahil nakita ni ate Nikkie kanina na natutulog sa tabi ko si Edge at mukhang sweet raw kami. Hindi naman nila ako kinulit nong hindi ko sila sinasagot.

Ayokong sagutin sila hindi ko naman alam ang sasabihin ko maliban sa hindi ako makapagsalita.

"Kanino ba ang assignments na 'yan dami ah." Napatingin ako kay Frans na nilalaro laro ang bolang hawak niya. Napanguso lang ako. Ako nga wala pa akong assignments dapat nagpapahinga ako baka next week marami na rin kaming gagawin at kailangan ko talaga ng maraming ideas at dapat peace ang isipan ko.

"Kain kami sa canteen sama ka?" Napatingin ako kay Jane, agad akong tumango, at napatayo sabay inat. Sa ngayon, malayo ang mga ugali nila sa mga kasama ko sa bahay ampunan.

"Tara! oy Nikkie bumangon ka na! nagugutom na ako!" sigaw ni Frans kay Ate Nikkie na nakahiga sa higaan niya. Napabuntong hininga siya at bumangon na. Sabay sabay na kaming lumabas, may natira pa naman sa 1000 na bigay sakin ni Rex kanina eh. Nakakaawa naman ako.

"Kung mag-padeliver nalang tayo eh." parang bata na sabi ni ate Nikkie, nang nakalabas na kami ng dorm.

"Hay naku exercise rin pag may time," sagot sa kanya ni Frans. Silang tatlo ang nauuna, nasa likuran lang nila ako. Natigilan naman ako nang nakita ko si Edge, lumagpas samin. Hindi manlang niya ako tinignan.

"Nakakatakot talaga ang presence niya," sabi ni Jane

"Pero ang hot niya." rinig ko namang sabi ni Ate Nikkie. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad, at tumigil ako hindi ko kasi maiwasang mapalingon kay Edge.

Napakunot ang noo ko dahil saan kaya siya pupunta? parang dadaan siya sa likuran ng Dorm namin. Napatingin ako kay Jane, na busy sa mga chika nila. Palihim akong tumakbo palayo sa kanila at sinundan si Edge.

Bakit dito siya dadaan may entrance naman at exit pero bawal na rin sa mga estudyante ang lumabas ngayon. Habang sinusundan ko si Edge, palayo kami ng palayo sa Dorms at sa canteen.

"Saan ka pupunta?" Napatigil kaming dalawa nong may humarang sa kanya na Guard. "San kayong dalawa pupunta?" Napalunok ako nang napatingin rin sakin yung Guard. Napaatras ako nang konti nung lumingon bigla sakin si Edge, nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Hindi ko 'yan kasama," sabi niya.

"Mga kabataan talaga ngayon bumalik na kayo sa mga dormitory niyo" Napatakip naman ako ng bibig nong sinipa niya yung an..ano ng guard. Kaya napaluhod ito habang hawak hawak nito ang ano niya.

"Lintik ka talagang bata ka," sabi ng guard na namimilipit sa sakit. Sinuntok pa siya ni Edge. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Patay ka talaga bukas," sabi ng guard na nakahiga na. Napatili naman ako nang lumingon si Edge sa akin tapos lumakad siya palapit sakin, agad akong napaatras.

"Lalabas ako ng University kaya wag mo akong sundan." Hinawakan ko kaagad ang braso niya, lalabas siya? ngayong oras na? Huminga ako ng malalim, hindi pwede. Kaya pala siguro pinapabantay 'to sakin, pero bakit ako? nakakatakot kaya katawan ni Edge baka ako masaktan rin niya.

"Wag mo akong pigilan," inis niyang sabi sabay hablot sa braso niya, muntik pa akong mawalan ng balanse.

"...at wag mo akong susundan." sabay lakad palayo napailing iling ako. Dapat siguro tawagan ko na si Mrs. Carpenter pero tumakbo ako at sinundan pa rin siya.

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon