16

1.1K 41 1
                                    

16: Story

"Lea? I heard what happened kaya pumunta kami agad dito." Napatingin ako kay Rex, tapos kayna Manuel. Mukhang nag-a1alala sila sakin. Napahigpit naman ang hawak ko sa bag kong dala dala. Gusto kong umiyak. Hindi ko akalain na mangyayari toh agad sakin, kakaayos ko pa ngalang dito sa University.

"Wag kang magalala hindi magpapakita ang banda kung wala ka." talaga? napatingin ako kay Alex na tumango tango, napangiti naman ako. Pero hindi naman nila pwedeng gawin yun ayos lang naman kung kumuha sila ng ibang singer ulit.

"Nagpatingin ka na ba sa clinic." Umiling ako at tumingin kayna Nikkie at Rose na kagagaling lang sa clinic. Inirapan nila ako at nauna ng pumasok sa bus.

"Magiingat ka don ah." Tumango ako at nag wave goodbye na ako sa kanila.

"Pm mo ako? kung may problema." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Rex, Pm? personal message? Nagsulat ako sa white board ko.

WALA AKONG PHONE.

Napanguso naman siya.

"Talaga kahit anong phone wala?" Tumango tango ako at narinig ko na ang busena ng bus, binigyan ko lang sila ng isang ngiti at sumakay na sa bus. Kasama ko na naman tong dalawang bruha.

Napagdesisyunan ng Guidance councilor na isuspende kami sa klase for three days. Ipapatapon nila kami sa lugar kung saan tutulong kami. Hindi ko pa alam kung saan pero sana maging maayos lang ako. Paniguradong magagalit si Mrs. Carpenter sakin, ang misyon ko lang naman kasi dito sa University ito ay bantayan si Edge at mag aral.

Napatili naman kaming tatlo nong biglaang huminto yung bus. Muntik pang mapasubsub ang mukha ko.

"Lintik!" sigaw nong driver at may biglang pumasok, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Si Edge. May dala dala din siyang bag, napakunot ang noo ko dahil anong ginagawa niya dito?

"Ipinatapon din ako ng school," sabi lang niya agad nong nakaupo na siya tabi ko. Teka kay rami na niyang kagaguhan ngayon palang siya mapapatapon. Baka naman trip niyang magpatapon ngayon.

"Gamutin natin sugat mo," sabi niya at may kinuha sa bag niya isang bulak at isang boteng maliit, gamot yata siguro yun para sa mga sugat. Bakit may dala-dala siyang mga ganyan, ang weird niya talaga minsan.

"Kung ayaw mo sa clinic." Huminga ako ng malalim at napatulala nang kumilos siya at famutin ang sugat ko. Una niyang nilagyan ng gamot ay ang sugat ko sa gilid ng labi ko. Hindi ako makahinga habang ginagamot niya ako dahil sobrang lapit niya sakin. Ramdam ko naman na masama ang titig sakin nong dalawa. Pagkatapos sa may labi ko sa may siko ko naman. Napapokit lang ako sa kirot at hapdi.

Hindi ko alam kung bakit pero okay na ako kung ipapatapon ako, basta nandito siya.

"Chichi." Napatingin naman siya sakin agad

"Iniwan ko lang muna sa katabing kwarto ko, iniwan ko lang muna sa kanila." Bumuntong hininga ako. Kawawa naman si chichi. Kahit kanino lang napapasama, namimiss ko siya, namimiss ko din si chuchu.

"Gusto mong umiyak?" Napatulala naman ako sa tanong niya ngayon. Yinakap niya ako bigla at hindi ko naman napigilang umiyak. Bakit ba kasi siya nagtanong?

"Iyakin ka kasi" Napairap lang ako sa sinabi niya at yinakap siya pabalik. Mas lumakas na ang hikbi ko, kanina ko pa kasi pinipigilan ang iyak ko. Napasilip naman ako sa bintana, palabas na ng University ang bus namin at ngumuso.

Dalawang oras ang lumipas ay tumigil ang bus. Naunang lumabas sila Nikkie, at sumunod kami ni Edge, pagkababa namin yumakap naman bigla si Nikkie sa braso ni Edge pero itinulak lang siya ni Edge.

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon