06

1.3K 34 1
                                    

06: Chuchu

"Ayos ka na?" Napaupo agad ako at napalibot ang aking tingin sa paligid. Nasa clinic ako at tumama ang aking tingin sa nakaupo sa may gilid ko, si Edge.Napapikit naman tapos napahawak sa tiyan ko dahil gutom na talaga siguro ako. Napatingin ako sa mesang katabi lang rin ng hinihigaan ko, may pagkain. Napatingin ako sa bintana at umuulan pa rin, iba na rin ang suot ko ngayon. Hindi pa nga ako nagtatagal sa University, ilang beses na akong naisugod sa clinic.

Hinawakan bigla ni Edge ang noo ko tapos umiling siya.

"Mabuti nalang at hindi ka na masiyado mainit." Napahawak naman ako sa leeg ko.

"Mute. kumain ka na." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, pinapakain niya ako? Nakakatakot naman, baka ano lang gawin niya sakin.

"Kumain ka na, nga pala pakihatid na mga assignments ko mamaya," sabi niya at sabay lakad palapit sa pinto. Napatitig naman ako sa pagkain at napangiti. Baka mabait siya ngayon.

"Salamat nga pala dahil nahimatay ka at pinaalis na rin ako sa field." dagdag niya at tuluyan ng lumabas. Napanguso lang ako sa sinabi niya.

"Girlfriend ka ni Edge!" halos mapatalon naman ako sa gulat nang may biglang sumigaw at pumasok, si Rex.

Nagulat ako!

"Bakit ka naging girlfriend ni Edge! Sinabihan kita dati na wag kang lalapit sa kanya." Umiwas lang ako ng tingin kay Rex at napaupo ng maayos. Big deal ba? sabagay.

"Nasa usap-usapan ka na dito sa buong University kababago mo palang sikat ka na."

Tala.. talaga?

"Magkakaron ka rin ng basher niyan." Nanlaki naman ang mga mata ko, ayokong magkaroon ng basher. Napanguso ako, pero bakit naman ako magkakaroon ng basher?

"....at kapag makilala mo si Nikkie Galvez? naku... patay na patay yun kay Edge."

Nikkie Galvez? Naalala ko bigla si Ate Nikkie, pero baka magkapangalan lang.

"Sumikat nalang ang babaeng iyon dahil sa mga kabaliwan niyang ginagawa para kay Edge. Nanakit ng ibang babae na magkakagusto rin kay Edge. Siya lang ang matapang na babae na umamin kay Edge kung gaano niya ito kamahal. Nakakatakot kaya ang taong yun. Hindi ko nga alam sa ibang babae eh, magaganda sila at mayayaman tapos kay Edge lang mahuhulog, eh halimaw naman yang si Edge eh. Bilib ako sa iba na hindi nagkakagusto sa kanya, nakakabadtrip kaya ang mukha ni Edge. ikaw? bat ka naging girlfriend niya.?" Huminga ako ng malalim at napayuko lang.

Ilang minuto ang lumipas ay tumahimik na si Rex nagtanong rin siya kung nakapasok ba ako maging working student at ano ang backgrounds ko syempre wala akong maisagot, ayaw ko ring mag-effort na magsalita. Pagkatapos ng isang oras ay hinatid ako ni Rex sa dorm. Pero hanggang sa labas lang siya.

Pagkapasok ko ay nanibago ako kasi hindi ako binati nila Frans, Jane at lalo na si Ate Nikkie. Mas nakakagulat kasi inirapan niya ako. Nahihiya tuloy akong pumasok. Ano ang problema? Nakayuko akong pumasok, isasara ko na sana ang pinto nang may biglang pumigil.

"Miss Macorol?"

Isang matandang lalaki, agad akong napatango, may inabot siya biglang na isang sobre.

"Allowance mo ngayong buwan galing kay Ma'am Wilson." Napakunot ang noo ko pero agad akong napangiti.

"Baka raw nagkakaroon ka ng problema sa anak niya parte sa allowance mo." huli niyang sabi at lumakad na palayo. Isinara ko naman agad ang pinto.

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon