37

921 28 9
                                    

Ako si Lea. hindi nakakapagsalita. Sumunod sa mga sinasabi ni Mrs. Carpenter dahil gusto kong makapag-aral. Pero yon ba talaga ang gusto ko, ang makapag-aral? ang makapagtapos? May tatanggap ba sa tulad ko? Hindi ko na talaga alam ang iisipin pa. Sana imahinasyon nalang lahat ng ito at magising ako.

"Lea?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko namang biglang hinarangan sila ng driver. Nandito silang lahat, Si Rex, Manuel, Alex at Alexis.

Tumayo ako at lumapit sa driver, hinawakan ko lang ang balikat ni manong sandali at lumapit na sa kanila.

"Bakit ka nandito?" Natatawang tanong ni Rex at napalingon ako sa hospital. 

"Chichi," sabi ko lang. Nakita kong kumunot ang noo nilang lahat. 

"Ay alam ko na!" sigaw bigla ni Alex, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Nandito yong alaga mong baboy, anong nangyari, tara puntahan natin wala naman sigurong ibang dahilan para pumunta ka dito." Tapos bigla silang lumakad kaya agad ko silang hinarangan. 

"Wa--wal--wala na si.siya" sabi ko at yumuko. 

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanila kasi parang natatawa si Manuel at Alex tapos nakita ko pang sinuntok pabiro ni Rex ang mga tiyan nila. Dahil sa ginawa nila bigla din akong natawa. 

Inakbayan ako bigla ni Rex.

"Nasaan ang boyfriend mo?" tanong ni Rex, tapos lumakad kaming lahat palayo.

"Ako na bahala kay Chichi, akala ko kung anong nangyari sayo eh," sabi niya. Hindi talaga nila ako maiintindihan. Kung gaano din kahalaga si Chichi sa akin. 

"Miss Lea!" Tumigil kami sa paglalakad at lumingon naman ako sa likuran namin. Yong driver, lumapit siya sa amin.

"Pinapaalala ni Mrs. Carpenter na kailangan niyong maghanda para agad po tayong makabalik kay Mrs. Carpenter at Mr. President." Tumango lang ako bilang sagot. 

Hayaan lang sana ako ngayon makabalik ng University kasama sila Rex. Sumunod ako sa kanila at sumakay sa sasakyan pabalik na ng University dorm. Hindi ko nga alam kung uuwi ba ako sa dormitoryo nila Edge. Ang bilis ng panahon, sa sobrang bilis hindi ko na maintindihan. 

Magulo nga talaga minsan ang buhay ng tao minsan hindi mo na maipaliwanag sa sobrang gulo. Naalala ko kung paano ako sigawan ni Edge kanina. Habang sumisilip sa bintana at binabantayan ko ang daan ay para akong naliligaw. 

"Im sorry Lea." Napalingon ako kay Rex. Nasa unahan kaming dalawa ngayon tapos nasa likuran naman ang iba. Tumango lang ako bilang sagot.

Nakabalik kami ng University at sinamahan naman nila akong makapasok muna ng kwarto ni Edge tapos saka na sila lumakad palayo. Lumakad ako sa loob tapos napaupo sa gilid ng kama. Dahan-dahan akong tumingin sa mga picture frames. Nandito na si Elise, hindi ko pa man alam ang buong kwento nila ni Edge pero ayokong bumalik pa siya, 

minsan naiisip ko kung sana ay tuluyan nalang talaga siyang nawala.

Pagkabalik niya nawala si Chichi, baka magdadala siya ng kamalasan sa buhay ko. Tumawa ako ng mahina sandali dahil sa mga pinag-iisip ko. Pumikit ako ng mariin at naalala ko ang araw kung kailan nagsimula na akong hindi makapagsalita. Sobrang nakakatakot, ang dilim at hindi ako makahinga. 

Tumayo ako tapos sumilip sa bintana. Simula bata ako ay nakaramdam na ako na ayaw sa akin ng ibang tao lalo na si mama. Si Edge, kitang kita ko sa mga mata niya kanina kung gaano siya kagalit sa'kin. Bakit pakiramdam ko kasalanan ko. 

Lahat nagiging kasalanan ko kaya parang gusto nalang ako itapon ng lahat pagkatapos nilang iparamdam sa'kin na may halaga ako. 

Natigilan naman ako kakaisip nang biglang bumukas ang pinto. 

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon