30

976 26 0
                                    

"aray!" kanina ko pa naapakan ang paa ni Edge, tapos minsan naman siya ang nagkakamali, sumasayaw kami ngayon para sa Romeo and Juliet, nahihirapan talaga ako basta sayaw. May ball kasing magaganap sa Romeo and Juliet, kaya ito nag eensayo kami.

"Ayusin niyo naman!" rinig kong sigaw ng prof samin, hindi ko din maiwasang mapatingin kayna Nicole at kris, si Kris nasa gilid ng stage, siya kasi ang magiging boses ni Edge. at kay Nicole naman na extra extra sa play. Siya pala at si Kris palagi ang gumaganap ng Romeo and Juliet, nahihiya ako bakit biglaang naging ako si Juliet? . tapos ito namang si Edge inagawan pa ng role si Kris.

"ang sakit na ng paa ko." hindi ko mapigilang matawa kay Edge, kanina pa namin hindi makuha ang steps ng mabuti.

"Nakakapagod naman toh." napairap ako sa kanya, siya itong gustong maging Romeo eh.

"Oh Romeo anong gagawin mo?" rinig kong tanong ng prof napangiwi, ako bigla akong inilibot ni Edge at dinala palayo sa sayaw.

"Wait wait halina muna kayo Juliet and Romeo." Lahat naman tumigil

"Andito na mga costume niyo." Nakangiting sabi ng prof,agad naman kaming pumunta sa dressing area, syempre kasabay ko si Edge

"bagay sayo toh Lea!" kinikilig na sabi nong nagdesign ng mga susuotin namin, napangiti naman ako.

"Isukat mo dali. para kung may problema ay maayos natin." napatango naman ako agad at tinanggap ang dress na para talagang kapanahunan nila Juliet at Romeo, pumasok ako sa fitting area, may sumama naman sakin para matulungan akong suotin siya. Medyo mahirap kasi eh.  Ilang damit din ang susuotin ko para sa play.

Medyo masikip

Napapangiwi ako, sobrang sikip sakin parang hindi ako makahinga, lumabas ako ng fitting area at lahat naman napatingin sakin. Nailang agad ako sa titig ni Edge.

Medyo nakikita ang dibdib ko.

Nahihiya ako agad kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang mga braso ko.

"Ayos lang ba sayo?" napatingin ako sa nagdesign umiling ako agad.

"hi...hin...di..ma..ka.hi..nga" nahihirapan kong sabi, sobrang sakit sa dibdib at sa may tiyan ko.

"Ay sige. ih adjust lang natin toh. sukatan kita ulit" sabi naman nong nagdesign napatango tango naman ako

"Pwede din ba pakitakpan ang dibdib niya?. Ako lang dapat makakakita non." bigla namang nag init ang magkabila kong pisngi sa sinabi ni Edge. Napalunok ako at bumalik na sa fitting area.

Nakahinga na ako ng maluwag nong nakapagpalut na ako at lumabas na, tinignan ko din ang mga ibang susuotin ko at sinukatan din nila ako ulit. Natatawa din ako sa suot ni Edge para siyang isang kagalang galang na prinsipe, nakipag kaibigan din ako sa iba pang gaganap sa play.

Pagkatapos ng practice, rehearsals ay sabay na kaming lumabas ni Edge. Hindi ko talaga maipaliwanag ang kuryente na dumadaloy sa katawan ko, pag magkahawak kamay kami ni Edge.

"Thank you for being my living angel." Napangiti ako nong naalala ko ang sinabi niya nong nakauwi siya galing sa competition. Natutuwa din ako na medyo maayos naman na ang pagkaluto ko ng adobo.

Living angel.

"Have you tried therapy?" napatingin ako sa kanya, at napakunot ang noo ko. Papunta kami ngayon kung saan niya pinark ang motor niya, napansin din naman niya na hindi ko naintindihan sinabi niya

"Nasubukan mo na bang humingi ng tulong? para ma improve mo pag sasalita mo" napabuntong hininga ako, huminto kami sa may motor niya, sumandal naman siya don. Tumango ako

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon