18: Laugh
Pinabalik kami ng guidance councilors sa school. Masaya naman ako na makakabalik na ako sa University. Pagkarating namin sa University agad akong nagpaalam kay Edge na punta akong studio, pinayagan naman niya ako na hindi nagdadabog o nagagalit. Himala lang.
"Nice! kamusta don? naalala ko dati pinagkolekta talaga kami ng mga basura kada bahay haha!" Tawang tawa na sabi ni Alex, hindi daw maiwasang gumawa ng kagaguhan dito sa Univerdity lalo na malayo sa parents. Marami akong namiss sa subjects namin.
"Unfair nga minsan kasi si Edge never pang nasuspende yan! ngayon lang! at unfair pa rin dapat kasi expelled na yan eh" Napalingon naman ako kay Manuel na pinupunasan ang bass niya.
"Practice na tayo? may class ka?" Umiling agad ako sa tanong ni Rex, mamayang hapon pa naman class ko. Kinuha ko naman yung papel na may lyrics na bago kong kakantahin.
"Excuse ulit kita." Natawa lang ako sa sinabi niya, baka hindi na ako pag-aralin ni Mrs. Carpenter. Naalala ko bigla si Edge nandito ako tapos hindi ko siya mabantayan. Parang hindi ko na nga alam kung ano ginagawa ko dito sa University. Sa pagkakaalam ko kasi pinilit ko si Mrs. Carpenter kasi gusto kong makapagtapos. Ngayon na nahanap ko ang sarili sa pagkanta. Mas gusto ko pangkumanta ngayon kesa magpinta.
Inayos nila muna yung mga instruments tapos ako naman pumili kung anong mikropono ang gagamitin ko.
"Alam mo ang tahimik mo talaga Lea 'no? Kung si Nicole pa yun palaging nasigaw." Tumingin ako kay Manuel, napakunot ang noo ko. Oo nga pala naalala ko dati may narinig akong pangalang Nicole.
"Ex ni Rex, isa rin sa mga ex vocalist namin noon." dagdag ni Alex at biglang tumahimik ang paligid. Lalo na si Rex. Bakit kaya umalis ng banda si Nicole? at bakit sila nag hiwalay, napailing ako. Heto na naman ako sa mga katanungan ko.
"Palagi yung galit pag nagkakamali kami," sabi ni Alex habang tumatawa tawa.
"Nakakamiss din si Nicole." Nailang naman ako sa sinabi ni Manuel. Napatingin naman kami kay Alexis na nag sign language bigla, agad naman akong tumingin kay Alex para sa translation hindi ko pa kabisa ang mga sign languages eh.
"Sabi niya buo na tayo kasi may Lea na." Nag-init naman ang magkabila kong pisngi at napatingin ako kay Alexis na nakangiti sakin. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. Nong naayos na nila ang tugtog pinakinggan ko muna sila. Namamangha talaga ako sa nga kamay nila. Sa pagkilos nila,sa position. Tapos nong tinawag na ako ni Rex, nakisabay na ako sa kanila. Grabe parang nasa langit ako, habang sumasabay sa kanila.
Hindi ko akalain na magugustuhan ko talaga ang pagkanta.
Natapos kami gabi na hindi ako pumasok, pero nangako naman ako sa sarili ko na papasok na talaga ako bukas. Ewan siguro magagalit na sakin at madidismaya sakin si Mrs. Carpenter hindi ko nga mabantayan si Edge ng mabuti eh. Sabay sabay kaming lumabas ng studio. Pagkalabas namin ng building ay nakita ko agad si Edge, nakasandal sa pader.
"Hindi ka pumasok." agad niyang sabi pagkalapit ko sa kanya napayuko naman ako. Nagpaalam naman sila Rex sakin isa isa. Para namang niyakap ako ng isang malamig na hangin nong dalawa nalang kami ni Edge
"ako dapat binabantayan mo. hindi ikaw ang dapat binabantayan ko. kailangan bang gabi kayo matapos? wag ka ngang sasama sama sa mga yun umalis ka na agad sa bandang yan, hindi ka makakapagtapos." napaiwas lang ako ng tingin, hindi ko alam siguro nong napunta ako dito marami akong na naranasan. Sng sarap lang sa pakiramdam na may nasusubukan akong mga bago. Parang nakakalimutan ko din yung mga masasamang nangyari din sakin dito.
Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinablot, kaya napasunod naman ako sa kanya. Pinuntahan namin yung lumanh building kung saan sa taas siya tumatambay palagi. Nakakatakot dito lalo na gabi na. Ano gagawin namin. Napatili naman ako nong tumakbo siya at binitawan kamay ko kaya napatakbo din ako paakyat.
"tignan mo sa baba!" Hiningal ako nang makarating na kami sa taas.
"Chichi?!" nandito si chichi. Iniwan niya dito mag isa si chichi! agad ko naman siyang binuhat.
"Pati si chichi di mo muna pinuntahan." Napatigil ako sa sinabi niya at sumunod sa kanya. Namangha rin ako sa nakita ko sa baba ang field puno ng mga kulay, ganito pala dito pag tuwing gabi?
Chichi ang ganda!
"Bakit ka pumayag maging girlfriend ko?" Napatingin naman ako sa kanya. Huminga ako ng malalim, sa totoo lang naguguluhan na ako kung isa itong kwento nakakaumay siguro basahin. Walang magtatangkangbasahin ang kwento ko. Boring na nga magulo pa.
Una hindi ko magawa ng maayos ang sinasabi sakin ni Mrs. Carpenter, pangalawa hindi naman ako nakakapagaral ng maayos. Wala na ako sa goal ko.
Pero yung sinasabi nilang demonyo na katabi ko ngayon. Bakit parang hindi na kulay itim na pakpak ang nakikita ko sa kanya. Parang isa lang siyang anghel na hindi maintindihan ng iba. Anghel na parang hindi makalipad. Naalala ko dati napakademonyo talaga ng mukha nito pero patagal ng patagal parang nawawala ang sungay niya.
Kung paano siya nakipagusap sakin, kung paano niya ako kwinekwentuhan. Kung paano niya ako yakapin at hawakan.
"Chichi!" sigaw ko nong mapansin na nagpupu siya sa kamay ko. Wala kasi siyang diaper. Ang baho pa naman! Galit yata ito sakin. Dahan-dahan ko siyang ibinaba.
"Chichi." naman! Nagkalat siya sa braso at damit ko napatingin naman ako kay Edge na tumatawa. Napangiti ako, para akong nakarinig ng anghel na tumatawa.
Napanguso ako at pinahiran ko ang polo niya ng pupu ni Chichi sabay takbo palayo, tapos ako naman ang tumawa.
"Ano ba! Mute! lalabhin mo 'to bahala ka!" nag-make face lang ako. Kaya nainis siya at hinabol habol ako tawa kami ng tawa. Tapos nakikisabay samin si Chichi. Habulan dito sa rooftop.
"Galit pa nga ako sayo eh! anong oras ka natatapos sa praktis niyo!" Rinig kong sigaw niya,
"Gusto mo bang gawin kong letson yang baboy mo!" sigaw niya at natawa lang ako narinig ko naman ang pagsigaw sigaw ni chichi. Nong napagod kami ay napahiga naman kami.
"An--ba-bb-aho m-m-mo ch--chichi!" sabay tawa naming dalawa. Nandito pa rin samin nakadikit yung pupu ni chichi. Sobrang baho!
"Paano pa kaya kung tumanda na yang baboy!" mas natawa kami, napangiwi ako nong umakyat si chichi sa may tiyan ni Edge at humiga ang dumi-dumi na namin dahil sa pupu ni chichi.
"Baho!" sigaw ni Edge, hinihingal hingal ako ulit dahil sa patakbo takbo namin.
"Bigyan mo ako ng sched mo bukas." Napatulala naman ako sa sinabi niya, napakunot ang noo ko dahil bakit naman?
"Wala namang kwenta kung schedule ko ang binabantayan mo hindi niyo nga ako mapigilan sa mga kagaguhan ko." Napanguso ako sa sinabi niya. Para naman siyang bata.
"Kaya ako nalang magbabantay sayo." Tinaasan ko siya ng kilay naku hindi pwede yun.
"Naalala ko kapatid ko sayo. Siguro kasing edad mo siya bgayon kung hindi siya nawala."
Naalala ko bigla ang babae na nasa picture frame nakita ko sa kwarto niya. Tumingin ako sa mga bituin dahil nakatitig lang rin siya doon.
Anong nangyari sa kanya? at nasaan na siya?
<3
![](https://img.wattpad.com/cover/222873356-288-k57051.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner