"asawa ko rin balang ko araw"
bakit paulit ulit yun sa isipan ko, bakit paulit ulit na narereplay sakin yung sinabi ni Edge, kanina. Kinikilig din kasi ako, parang nasa libro ako. Napatingin ako sa nga estyudyanteng tumatambay dito sa field, napaupo naman ako sa bench. Panibagong araw.
Naiilang pa din ako lalo na naiisip ko na magkatabi kaming natutulog ni Edge. Napapangiti namn ako minsan pag naalala ko ang mukha niya habang natutulog. Sobrang himbing lang kasi ng tulog niya.
"Miss?" napakunot ang noo ko at napalingon sa nagsalita, isang prof kasi sa uniform niya agad akong napatayo
"go..good mo-mmor-nn-ning p-ppo" ngumiti naman siya, napakaganda niya
"Ikaw ba yung kaibigan ni Edge?" kaibigan? kaibigan nga ba kami? pero taga bantay lang namana ko eh hindi kami magkaibigan
"Kasi napapansin ko ikaw palagi kasama niya.." napangiwi ako sa sinabi niya
"Dito kasi sa University wala siyang kaibigan kaya nakikita ko siya palaging mag isa..." at naalala ko naman sila Jasper, may mga kaibigan si Edge pero nasa labas nga lang. Nagsulat ako sa whiteboard ko
YAYA NIYA PO AKO. SORRY MAY SPEAKING DISORDEE PO AKO
napatango naman siya
"yaya? bakit naman? parang hindi naman ah." yaya kasi halos tawag sakon ng iba dito. Minsan girlfriwnd pwro alam naman dito lahat kung anong ibig sabihib bg girlfriend dito.
"mukhang close naman kayo" napangiwi ako ulit sa sinavi niya, close? ha ha ha
"may pabor sana ako." napakunot naman ang noo ko
"magkakaron kasi ng labanan.." napanganga naman ako, anong labanan? war? ganun?
"Labanan ng isipan...patalinuhan...University natin laban sa ibang University..hindi pa kasi nanalo Univerdity natin eh." Napanguso naman ako, ano namang favor yun?
"Gusto kokasi maisali si Edge sa grupp namin." nagulat ako sa sinabi niya si Edge? sobrang talino ba ni Edge?
"nong una ko pa siya iniimbita pero ayaw niya. naisipan ko lang baka makatulong ka..for thw University?" Napalunok ako sa sinavi niya, ano naman ang maitutulong ko? Pipilitin ko ba si Edge na sumali?
"Una magkakaron muna ng labanan dito sa loob ng University by group. kung sinonh grupo ang manalo sila ang lalaban. Gusto ko sanang kunin si edge sa grupo ko. Tawag sa laro ay Quizz Bee. Ako pala si Miss Aileen Tan" umiwas ako ng tingin, ano ba gagawin ko? bakit ako? bakit ako na naman ang nakita? paano ko mapipilit yub? kung dati pa pala ayaw na ni Edge sumali sa mga ganyan? mahihirapan ako.
"Please Miss..subukan mo lang.. kung hindi talaga.. eh di hindi" napabuntong hinibga ako, araw araw nalang may nangyayari saking kakaiba. Napatango nalang ako kasi kawawa naman si Miss nakakaawa mukha niya.
"Salamat Miss!" sigaw niya bigla sabay yakap sakin, napangiwi naman ako,
"Pag pumayag siya sabihan mong pumunta siya sa Science Building ha?" napatango naman ako ulit at umalis na siya. Paano ko siya mapipilit? San ba yun si Edge? mamaya nalang siguro pagkauwi.
After class ay sumakay na agad ako ng bus papuntang dorm. Pagkarating ko ay kinuha ko muna si Chichi sa guard at dumiretcho agad ako sa kwarto niya, binilisan ko lang sa paglalakad kasi nakakailang yung titig ng ibang lalaki pero hinfi naman nila ako hinahawakan. Ibinaba kokaagad si Chichi, napalingon lingon namana ako wala pa si Edge.
May praktis pala kami ngayon sa studio. araw araw yun eh chichi
Hinaplos haplos ko ang likuran ni chichi, explain nalang ako kay Rex bukas umuwi ako agad para lang gawin yung favor ni Miss Aileen. Paano ko ba gagawin?. Napatingin ako sa kusina, kung...magluto ako? ehhh hindi naman ako marunong eh. Napahiga nalang ako at hinayaan si chichi sa sahig maglaro laro.

BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Storie d'amore"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner