34

951 33 6
                                    

Kinabukasan ay bigla akong pinatawag papunta sa President's office, hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako, dahil siguro ay opisina ito ng presidente ng University o may nagawa akong masama. Hindi ko alam kung anong rason bat ako pinapatawag, sa gitna pa ng klase ko. Agad naman akong sumunod sa sumundo sakin.

"Anak Lea" pagkapasok ko ay nakita ko agad si Mrs. Carpenter, napangiti naman ako, nakayuko akong pumasok, dahil nandito din si Mr. Wilson. Nailang naman ako sa titig ni Mr. Wilson sakin.

"Maupo ka anak" nakangiting sabi ni Mrs. Carpenter, umupo naman ako agad sa tabi niya dito sa malaking sofa, umupo naman sa harapan si Mr. Wilson. Napalunok ako parang nanuyo lalamunan ko dito, bakit ako nandito? tatanggalin na ba ako?.

"May ipapakiusap sana kami sayo" napatingin ako agad kay Mrs. Carpenter, bakit ba ako kinakabahan?

"Ano po yun?" pinipilit ko namang ngumiti, hinawakan niya ang kamay ko.

"pwede ka bang maging kaibigan ng anak ko?" napatulala ako sandali, napakunot ang noo ko, sinong anak? at bakit...ako?

"Alam mo kasi may....kapatid si Edge, nandito siya ngayon sa University" may kinuha siya biglang litrato sa bag niya at inabot sakin, kinuha ko naman at napatingin kay Mr. Wilson na nakatitig lang sakin ng seryoso, dahan dahan kong tinignan ang litrato, its...Elise...na nakayakap kay Edge, nanginig ang kamay ko...at naalala ko ang mga sinabi ni Edge...at ng barkada niya, patay na siya...diba?

"at kung pwede ay wag kang magkwento kay Edge ng kahit ano..." hindi ko maintindihan

"Her name is Elise...pinayagan lang siya ng daddy niya na mag-aral ulit dito since...wala naman ngayon si Edge.. gusto ko habang nandito siya ay mabantayan mo siya, hindi pa siya sanay sa mundo dito sa labas." hindi ko maintindihan, sabi ni Edge ay patay na siya. At bakit hindi ako magkwekwento kay Edge?

"m..may..ka..p..ppa..ti..tid po..pl...pla s..siya" ngumiti si Mrs. Carpenter pero isang malungkot na ngiti iyon, napatingin ako kay Mr. Wilson

"Oo anak siya ni Wilson." napakunot ang noo ko, anong anak ni Mr. Wilson?

"Makikita mo siya dito...alam kong ngayon nahihirapan pa siyang maghanap ng kaibigan" dahan dahan akong tumango, wala talaga akong maintindihan..bakit hindi siya sanay sa mundo dito sa labas...at bakit ayaw nilang ipaalam ito kay Edge...natigilan ako nong naalala ko ang sinabi ng nga kaibigan niya..nag tanan sila,

bakit nila gagawin yun?. kung magkapatid sila?.

Pagkatapos sa opisina ay bumalik na ako sa klase ko.

Pagkatapos ng klase ko ay hinanap ko si Elise agad habang tinatawagan ako ni Edge. Hindi ko alam pero ang lungkot lungkot ko ngayong mga araw

"Bakit ang hina ng boses mo? may sakit ka ba?" tanong ni Edge, ngumiti ako ng tipid. Bakit ba hindi ako mapalagay? ano ba itong nararamdaman ko.

"Edge?."

"Hmm?" hindi ko nga alam kung mahal niya ako? bakit boyfriend ko na siya ngayon kung bakit ang sweet na niya sakin...bakit biglang naging ganito..

"Wala" sagot ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina, napakunot ang noo ko at napatingin sa isang babae na hindi kalayuan kung san ako ngayon...si Elise...

"Tatawag nalang ako ulit mamaya"
Himalang nakapagsalita ako. ng maayos.

pinatay ko na agad ang tawag, tumakbo ako papunta sa kanya

"Oh? Lea?" nakangiting tawag niya sa Pangalan ko, nagsulat naman ako agad sa white board ko

SAN KA NGAYON? SABAY TAYONG MAG LUNCH?

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon