Diary pala ni Edge ang binabasa ko ngayon. Sa kanya pala ang notebook na ito. Puro pagmumura lang yata ang nababasa ko dito. Pero hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pang matuwa dahil ba sa alam ko kung sino ang babae na tinutukoy niya sa diary na 'to. Umupo ako sa gilid ng higaan habang binabasa pa rin ang mga nakasulat sa notebook niya.
Ako lang naman ang babaeng binilhan niya ng baboy, tama naman ako diba?
"Chi..chi." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin ngayon. Hindi ko maitatanggi na kahit hindi maganda ang unang pagsasama namin ni Edge ay minsan naisip ko na siya ang prinsipe at ako ang cinderella na palagi niyang kwinekwento sa'kin. Na katulad ni Cinderella ay may happy ending rin kami.
Lahat ba ng nakasulat dito ay resulta lang lahat ng katuwaan at habang wala ang babae na gusto at mahal niya. Sana si Elise nalang ang mga sinulat niya dito. Baka hanggang notebook lang ako at sa realidad ay si Elise pala talaga ang gusto niyang makasama. Minahal ko na nga ba si Edge o natutuwa lang ako dahil sa kanya ay nabigyan ng ingay ang mundo kong napakatahimik.
Kinabukasan ay pinakuha ako ni Mrs. Carpenter sa University. Kailangan ko na naman silang haraping dalawa. Pinaghintay lang ako ni Mrs. Carpenter sa Veranda.
"Hi Lea." Lumingon ako kay Elise na biglang dumating at lumapit sakin.
"I can't believe this.." natatawa niyang sabi tapos sumandal siya sa railing. Humarap ako sa kanya at hindi ko alam pa rin ang mga iisipin ko. Napansin niya bigla ang notebook na dala ko. "What's that? a diary?"
Hinintay niya pa ang sasagutin ko.
"Oh sorry, you can't speak pala."
Napayuko ako at sumandal nalang rin sa railings.
"I have a brother pala, hindi ko pa siya buong naalala." rinig kong sabi niya. Umiling-iling siya at natawa ulit ng mahina. "Hindi ko alam kung anong ginawa namin bakit galit sila mom at dad. He thought I was dead."
Huminga ako ng malalim at umiiwas nalang ng tingin.
"This is making me crazy, Lea. Ikaw hindi ba?" tanong niya sakin. "Why am I talking to you, you won't answer me. You can't speak."
Napahigpit ang pagkahawak ko sa notebook at pinipigilan lang ang mga reaksyon na gusto kong ipakita. Natigilan ako sandali nang dumating na si Edge may mga kasama pa rin siyang mga security guards sa likuran niya.
"Where's mom?" tanong niya kay Elise at parang hindi niya ako nakikita.
"I don't know," sagot ni Elise. Nakikita ko sa mga mata ni Edge na gusto niyang yakapin si Elise pero may pumipigil sa kanya.
"Okay so nandito na ang lahat!" biglang dumating si Mrs. Carpenter at pumunta sa gitna naming tatlo. "I'm so happy, gusto ko na rin mangyari ang kasal agad, tumatanda na rin kasi ako. Excited na akong magkaroon ng apo--"
"Nag-iisip ka pa ba tanda?" Natigilan si Mrs. Carpenter nang magsalita si Edge.
"Oh anak." Hinaplos niya ang mukha ni Edge at itinaboy lang ni Edge ang kamay ni Mrs. Carpenter. "You should be happy, ako na mismo ang maghahanda sa lahat. Just do what I say and mas gagaan lang ang buhay mo. I'm willing to give you everything that I have pati na rin si Wilson, sayo."
"Mom, you don't understand. Paano naging kasalanan ang ginawa namin ni Elise? we're not blood related!"
"But I married her father!"
Nagsigawan na silang lahat sa harapan namin ni Elise.
"Mom,please..." sinusubukang pakalmahin ni Elise si Mrs. Carpenter. Niyakap niya si Mrs. Carpenter at yumakap rin ako sa notebook na dala ko. Diary ni Edge. Gusto ko sanang ibalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, siguro baka may mabasa siya ulit sa diary niya. Umaasa ba ako?
"Tangina naman!" sigaw ni Edge.
"Stop it!" sigaw ni Elise sa kanya. Napaatras naman ako bigla nang tignan ako ni Edge. Masama ang mga tingin niya sakin. Nakakatawang isipin hindi nga maganda ang pagkakakilala namin sa isa't isa, hanggang sa huli ba?
"Iha, mauna na tayo, sumasakit ulo ko," sabi ni Mrs. Carpenter gusto ko sanang sumunod nang sinamaan bigla ako ng tingin ni Elise. Pinagmasdan ko silang umalis pero hindi rin sumunod si Edge sa kanila.
"Edge!" sigaw ko nang bigla niya akong hinila at nabitawan ko ang notebook kong hawak.
"What are you doing here?" inis niyang tanong. "Bakit hindi mo nalang kasi sabihin, alam mo na rin 'to lahat, lahat. Too bad, kasi kung idadamay ka nila, masasaktan ka lang!"
Nagawa kong makawala sa pagkahawak niya sa braso ko tapos itinulak siya. Huminga ako ng malalim, sanay naman na ako sa paninigaw niya. Dati palagi naman niya akong sinisigawan, ngayon parang inis na inis ako na hindi ko maintindihan.
"Makasalanan naman ang ginagawa niyo ni Elise!"
Biglang lumabas sa bibig ko. Hindi ko sinasaydang sabihin 'yon. Hindi ko alam kung bakit nakapagsalita ako at sinagot siya ng ganon pabalik. Nakita ko ang padilim ng kanyang mga mata. Mga titig niya na parang kidlat na sakin tatama.
"Anong sinabi mo?"
Sumigaw ako nang hablutin niya ang magkabilang braso ko.
"Anong sinabi mo, nakakapagsalita ka pala eh, ginagago mo ba ako!"
Totoo nga na kulang talaga minsan ang araw, oras at panahon sa ibang tao. Dahil sa mga tingin niya parang nakalimutan niya ako. Nakalimutan niya ako.
"Bi--bit---ta...taw..wa--wan--"
"Katulad ka lang pala ng ibang babae, pinipilit ang sarili sa mga taong ayaw sa kanila! Tandaan mo 'to Lea. Kapag ipinilit mo 'to at hindi ka tatakbo palayo. Hindi ka iiwas. Masasaktan kita! Mas masakit pa sa dati at ngayon! Naiintindihan mo ako!"
Hindi ko na alam ang mga sinasabi niya, pati yata ang pangdinig ko ay nasira na. Nasasaktan na rin ako sa paraan ng pagkahawak niya sa magkabilang braso ko.
"Not now. Never. Elise is back," mahina niyang sabi. "Nandito na siya ulit sakin."
Kung gaano kabilis na naging maayos kami ni Edge, ganoon rin ba kadali para maging magulo lahat. Sabagay, lahat pala magulo na. Sumangayon ako sa pabor na hinihingi ni Mrs. Carpenter para lang makapag-aral. Bakit hindi ko naisip na pwede palang hindi ko gawin 'yon. Hindi ko gawin 'to sa sarili ko.
"Nasa--nasa...nasasak..an..ko." pinipilit kong hindi umiyak. Dahil pakiramdam ko walang kwenta ang luha ko. Paano kung ako lang pala ang nagpapagulo ng buhay ko simula pa dati?
"Look at me." rinig kong sabi niya nang yumuko ako. Sobrang natatakot na ako sa mga mata niya. Hindi ko na kayang titigan pa. "Lea, look at me." Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa kanya at napapikit ako nang bigla niya akong hinalikan.
"Ed--" Napahawak ako sa dibdib niya at gusto ko siyang itulak para pigilan siya. Pero...nanghina ako bigla at sinagot ang halik niya pabalik.
"I'm sorry but I can't love you the way I love Elise. It was nice meeting you Lea but I just can't..." pabulong niyang sabi nang isandal niya ang kanyang noo sa'kin. Naramdaman kong tumulo ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan. "I..I'm sorry...It was fun...you and me but, I'm sorry. Wala akong maramdamang iba, wala akong maramdaman katulad sa naramdaman ko kay Elise."
Iniwan niya ako mag-isa pagkatapos niyang sabihin lahat ng 'yon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pinulot ko ang diary niya at ngumiti tapos pinunasan ang luha ko.
Masaya nga Edge. Sobrang saya. Salamat.
Pinunit ko ang pinakahuling pahina ng Diary at habang iniisip ko lahat ng alaala namin ni Edge ay nagsulat ako.
Siguro dito na magtatapos ang buhay at kwento ko sa Wilsons University.
--
FB: @tryagainerrorr
IG: @jeansilsolll
TikTok:
BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner