"Ayoko talagang sumali ulit." napabuntong hininga ako sa inis, heto na naman kami ni Edge nag aaway dito sa tambayan niya, dito sa rooftop. Naoakagat labi ako, bakit ko nga ba siya pinipilit?. Kailangan kasi siya ng Yellow Star ulit. Aalis na sila ngayon, hindi sila komportableng umalis na wala si Edge.
"Edge.."
"Ayoko nga. hindi ka naman kasama." napanguso ako, mamimiss ko siya pero isang araw lang naman sila don. At makikita ko naman siya sa tv kasi live ang competition. Ibat ibang matatalino sa lugar ay nandoon. Naalala ko pa dati ayaw niya akong manuod, ngayon naman ayaw niya kasi hindi ako kasama
"Baby..." napalingon naman siya agad sakin, oo hindi din ako nauutal sa baby napakadali lang ding bigkasin
"Tumahimik ka Mute." napanguso ako, pinipilit na naman kasi ako ni Miss Aileen, at gusto ko din siyang mapanood sa TV
"Tapos ano? magpapahalik ka na naman sa iba?" naalala ko bigla ang paghalik sakin ni Rex. Umiling ako, hindi na ulit mangyayari yun. Hindi ko na hahayaan.
"Baka magsama pa kayo manuod sakin." niyakap ko siya mula sa likuran.
"Hin-ddi n-nna. pr-pra-m-mm-iiss" naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Marami ang humanga kay Edge dahil sa competetion na ito marami din ang nagalit kasi, bigla siyang pasado sa lahat ng back subjects niya, bawal kasing sumali ang meron back subjects o bagsak. Nachismis din siya. pero mas marami ang humanga sa kanya, kasali na ako.
"Mas gugustuhin ko nalang maging Romeo mo." rinig kong sabi niya, naoangiti naman ako nag umpisa na din kasi kaming mag praktis sa mini aud. Ang kulit lang niya. tapos napagdesisyon din na mag lypsinc daw siya kasi hindi niya talaga kayang kumanta, natatawa lang ako pag pinipilit niyang kumanta, umiwas ako sa yakap at humarap siya sakin.
"Gusto mo akong sumali ulit?" bakit ba palagi siyang nagtatanong sakin. Ngumiti ako at tumango
"Mamimiss kita dun." napatulala ako sa narinig ko, ang puso ko ulit...oag patuloy na gantoh si Edge hindi ko na talaga alam. At parang sumang ayon lang din ako na maging jiwa niya kahit walang ligaw ligaw.
"Behave ka ba hanggang nandoon ako?" napatango tango ako agad, ginulo niya ang buhok ko.
"sa..-saa-saaal-lli k-kkka u-lllit?" Ngumit siya bigla at hinalikan ang noo ko.
"Ako lang hahalik dito." sabay halik sa pisngi ko. Natawa ako ng mahina, baku naman, feel na feel ko magong gf niya. kahit hindi ako sigurado kung paano kami humantong dito.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming bumaba ng building at diretcho sa field. Pagkarating namin ay nandoon na ang ibang mwmbers ng yellow star sinasabitan ng medal, ngayon din sila aalis papuntang Manila, para sa competetion nila.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat nong hinila ako bigla ni Edge, paakyat sa stage. Nailang ako kasi nandoon din si Mrs. Carpenter.
"Siya ang magsasabit ng medalya sakin." rinig kong sabi ni Edge, napatingin ako kay Mrs. Carpenter agad akong napailing iling. Pero inabot sakin ni Miss. Aileen ang isang medalya. Hindi ko alam kung anong expression ang ibinibugay sakin ni Mrs. Carpenter
si Edge talaga.
Huminga ako ng malalim at tinanggap nalang ang medalya tapos ay isinuot ko iyun kay Edge. Hinila niya din ako palapit sa kanya at inakbayan niya ako, maraming kumukha ng pictures samin. Pakiramdam ko tuloy kasali din ako. Napatingin ako kay Mrs. Carpenter nakangiti lang pero natatakot ako sa ngiti niya.
"Congrats Yellow star! make our University Proud!" sigaw ng emcee at napatingin ako kay Edge, magkakalayo kami ngayon pero isang araw lang naman yun.
"Edge!" sigaw ko ng pangalan niya at ginawa ang sign na Fighting!
![](https://img.wattpad.com/cover/222873356-288-k57051.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner