05

1.5K 39 0
                                    

05: Girlfriend

Napaupo ako agad tapos napalibot ang tingin ko sa paligid. Nasa dorm na ako? Tumingin ako sa bintana at maganda ang araw ngayon. Ang naalala ko nakainom kami kagabi, paano ako nakabalik? si Edge?

"Saan kayo galing ni Edge?" muntik akong mapatili sa gulat dahil sa boses ni Frans na nasa gilid lang ng kama ko nakaupo at masama ang titig sakin.

"Ikaw ba ang girlfriend ngayon ni Edge?" Napatingin naman ako kay Ate Nikkie.

"Kayong dalawa lang ni Edge ang nawawala kagabi, sobrang napakarami ng guards kagabi na naghahanap sa inyo."-Frans, Napapikit ako sandali malalaman yata ito ni Mrs. Carpenter.

"Saan ba kayo pumunta at amoy alak kayo." Napahawak ako bigla sa noo ko. Medyo nahihilo pa nga ako. Ang alam ko lang ngayon ay nakatulog ako sa balikat ni Edge. Sigurado akong nakatulog ako sa balikat niya.

"Tapos anong oras na may sumipa sa pinto natin, pagkabukas namin si Edge at ikaw na karga karga niya. Alam mo 'yong bagong kasal at ikaw ang bride na binubuhat ng groom."- Frans, bigla naman nag init ang magkabilang pisngi ko. Binuhat ako ni Edge? Akala ko ay iiwan niya ako doon.

"Tapos napakarami niyong kasamang guards, pinatawag nga ngayon si Edge sa President's office. Mabuti nga ikaw hindi ka pinatawag."- Jane. Napasilip ako sa wall clock tapos nanlaki ang mga mata ko dahil 12:00 pm na pala. Hindi na ako nakapasok sa class ko! hindi pwedeng may absent ako pagkakataon ko na ito para mag-aral. Sayang rin ang mga gamit na binili sa akin ni Mrs. Carpenter.

"Dumiretcho na kami dito ngayong lunch para macheck ka." - Frans

"Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Edge?" Tumingin ulit ako kay Ate Nikkie.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagiging girlfriend ng isang Edge William Carpenter-Wilson."- Nikkie. Umiling ako bilang sagot. Narinig ko na naman ulit ang buong pangalan niya.

"Ang girlfriend para sa nanay niya ay isang taga-bantay ng anak niya. 'Yong huli nga niyang gilfriend sobrang tanda na pero aminado ako sexy"- at tumawa bigla sila Frans. Alam ko namang kailangan kong bantayan si Edge dahil 'yon ang naging usapan ang hindi ko lang alam kung bakit.

"Hindi ko alam kung ano ang kapalit na inoffer nila sayo. Pero to tell you mahirap bantayan si Edge pero kagabi, ang sweet niyo tignan, siguro kasi sa lahat ng nagbantay sa kanya na nakita namin ikaw ang pinakabata, siguro I mean may mga katulad mo rin naman noon pero lahat sila sumusuko agad."- Jane. Ako yung pinakabata?

"Nakakainggit ka naman!" sigaw bigla ni Ate Nikkie.

"Nag-apply kaya ako bilang girlfriend niya para naman kahit papano baka ma-fall siya sakin kaso hindi, tapos ikaw." Nahiya bigla ako sa sinabi niya, bakit naman siya nag-apply? ina-aplayan pala 'yon. Parang yaya pala ang maging girlfriend ni Edge.

"Alam kong nakakatakot siya pero simula nong first year ako, sobrang naaakit niya ako." dagdag pa niya habang yakap yakap ang sarili tapos napatingin ako kayna Frans na napailing-iling.

"Guys! Nasa gitna ng field raw ngayon si Edge." Napatingin naman ako kay Jane na nakatutok sa cellphone niya.

"Pero aaminin ko ang hot nga niya." ang init init ah bat nasa gitna siya ng field.

"Kapag nandon siya ibig sabihin nalintikan talaga siya sa tatay niya, halika tignan natin," sabi ni Frans at nagsilabasan silang tatlo. Tumingin naman ako sa suot ko at kailangan ko pang mag ayos at maligo. Ang baho ko eh.

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon